Chapter 8 Suzanne's POV "Hello, sweetie! Are you alright?" Pambungad sa akin ni mom Anly. Nandito kasi ako sa sala habang nakatutok sa aking laptop at hindi ko inaasahang bibisita siya dito sa mansion. "Okay na po ako mom." Sagot ko sa kanya at pinatay na ang laptop ko. "Inaalagaan ka ba ni Tyrill? Baka naman hindi at nagsisinungaling ka lang." Mom kung alam mo lang. Alagang-alaga ako kay Tyrill, napakabait niya kaya nga hindi ko na alam 'tong nararamdaman ko. "Mom opo, inalagaan niya po ako. Salamat pala kahapon sa pagdala ng mga pagkain. Tastes all good." Ngumiti naman si mom Anly at ipinaayos ang mga dala niya kay Aling Cely at inilagay sa may kusina. "Gusto mo bang matutunang lutuin ang mga paboritong ulam ni Tyrill?" Masaya niyang tanong. Napaka-sweet naman ni mom Anly kay T

