Keith's POV
First love. Andami kong nababasa at naririnig tungkol diyan. Andaming kwento at kanta ang patungkol dito. Pero ako hindi ko alam yan. Wala akong maikwento o masabi tungkol diyan. Hindi ko panaman pinagdaanan o naramdaman iyon, kaya saan ko ico-compare yung feelings o sasabihin ko diba? First nga diba? ✌️
Pero noon iyon, kasi ngayon alam ko na ang pakiramdam. Meron na akong masasabi tungkol doon. Ibang klase ang first love. Masarap sa pakiramdam dahil bago ang lahat para sayo. Nakakapanibago din dahil di nalang ang sarili ko ang iniisip ko dahil kailangan ko din isipin yung taong mahal ko. Ganoon sirguro talaga ang first love no? Natututo ka nang mga bagay at ugali na noon ni hindi mo man lang naiimagine. Iba talaga siguro ang love, kung dati hindi mo kayang magtiwala sa ibang tao. Yung tipong sarili mo lang ang pinagkakatiwalaan mo tapos nang dumating ang isang taong nagparamdam at nagpakita sayo na worth-it siya, na kaya mo siyang pagkatiwalaan. Aminin naman nating lahat na mahirap ang magtiwala at kapag pinagkatiwalaan ka na, another challenge for is to maintain the trust you've earned. Like what they said "A broken trust may cause pregnancy" dejoke, "A broken trust is like a broken mirror, you may put the pieces together but you will never get the same smooth and perfect reflection because you can't heal those dents and cracks."
Kaya in Love you invest your time, effort, feelings and a lot of trust. Giving your 100% trust is like opening yourself for them to either give their 100% back or Doubt you in return. Because if one person in a relationship isn't giving their 100% they'll always doubt if their partner isn't giving 100% too. The relationship might be composed of lies and doubts. Hinding-hindi magiging matibay ang isang relasyon kung ang pundasyon mismo ay hindi puro.
...
"So ano pare?" Tanong ni Alex.
"Mmm, di ko pa alam eh kung papayagan ako." Sagot naman ni Paolo.
Pinakikingan ko kasi sila naguusap tungkol sa lakad nila mamaya. Niyaya kasi ni Alex si Paolo na maglaro sa basketball mamaya, may pustahan daw. Tatlong libo ang manalong team. Ang kaso may injury yung isang player kaya niyaya si Paolo para magsub. Nakayuko lang ako at naglalaro sa iPad ni Paolo dahil di ko nadala yung akin. Pasomple lang kumbaga kung makinig.
"Tsk. Solid naman oh. Saglit lang naman yun eh." Maktol niya. "Di na nga tayo madalas lumabas nila Keith tapos ganito pa."
Actually Alex lagi kaming magkasama niyang kaibigan mo. Sadyang di ka lang namin masama dahil baka magulat ka at di mo pa alam. Honestly, I feel so bad that Paolo and I are actually keeping our relationship unknown from Alex who's actually a close friend of ours. Well in the right time, sorry Alex.
Napatingin naman sakin si Paolo na para bang nagtatanong. Yumuko lang ulit ako. Medyo awkward nga kasi. Yung totoo niyan kasi eh may lakad kami mamaya ni Paolo. Tutulungan niya akong mamili nang damit. Indirect 'Date' na din. Matagal na din kasi nang huli kaming magkasama nang dalawa lang. Nung huli pa ay yung nagpunta kami sa isang restaurant para mag date talaga (wich was 2 weeks ago pa). Kaya nagaalangan si Paolo kung o-oo ba siya kay Alex.
Alam mo ko naman na gusto niyang punuhan yung pagkukulang niya sa oras kay Alex bilang kaibigan. Naiipit siya ngayon kung sino nga ba samin dalawa ni Alex. Papayag naman ako kung tanungin man niya ako kung pwede niya muna samahan si Alex, hinihintay ko lang talaga siyang magsabi sakin. Tsaka gusto ko din nakikitang naii-stress si Paolo. Ang cute eh! Hahaha! Kaya I'm trying my best na magpaka-poker face.
"Pare pag-isipan mo ah. Balikan ko kayo mamaya, tatapusin lang namin tong nyetang project na to." paalam ni Alex tsaka na kami iniwan dito sa Foodcourt.
"Keith, ano ayos lang ba kung sumama muna ako kay Alex?" Malambing niyang tanong. May matching pang pahawak-hawak nang kamay amputa.
"Oo naman. Ayoko naman na iwan mo sa ere kaibigan natin diba? Ayos lang sakin."
"Oh pano yung mamay?"
"Sa susunod na lang tayo lumabas dalawa. Ako nalang muna mamimili ng damit mamaya."
"Bukas ka nalang kaya mamili para masamahan kita?"
"Hanggang 8pm tayo bukas Pao."
"Sa ibang araw kaya?"
"Pao alam mo naman si Papa diba? gusto nun nakikita yung mga pinami ko at kung namili nga ba ako. Tsaka busy tayo this week, lapit na din pre-finals."
"Tsk. Naaasar ako sa sarili ko Keith."
"Oh bakit naman?"
"Eh kasi naman di man lang kita mabigyan nang magandang date. Okaya quality time."
Kaya mahal ko to eh. Luminga-linga muna ako kung may makakakita tapos ay hinalikan ko siya sa labi. Mabilis lang.
"B, ayos lang yun. Lagi naman tayo magkasama sa school eh. Ayos na sakin yun. Di ko naman hinihiling sayo yung mga date na yan eh diba?"
Siya naman ngayon ang humalik.
"Iba ka talaga! Solid ka. Di ko alam kung ano ako ngayon kung di kita naging boyfriend."
"Sinong boyfriend?"
Nagulat kaming dalawa ni Paolo dahil biglang nagsalita si Alex. Punyeta!
"Ah-eh wala yun Lex." Palusot naman ni Paolo.
"Ge. Oh ano, sasama ka na ba?"
"Oo na, maglalaro na ako."
"Yes! Sabi ko na nga ba papayag ka din. Salamat pare."
"Nako wala yun. Basta ilibre mo nalang kami nang lunch ni Keith."
"Yun lang pala eh. Kahit ano pa gusto mo Keith!" tapos ay nagapiran pa sila.
"Ay pre, sakto manonood mamaya sina Katherine. Pakitang gilas tayo ah!"
...
So I pushed thru on going to the mall without Paolo. Wala naman ako gagawin sa bahay dahil 2pm palang gawa nang maaga kaming nadismiss. Saka kailangan ko mamili nang damit. Ang totoo kasi niyan eh pinamigay ko yung mga damit na di ko ginagamit sa isang charity. Naawa naman kasi ako sa mga bata sa bahay ampunanan na walang damit, bilang meron naman ako eh nagbigay ako. Ganoon naman talaga dapat diba?
Ibigay mo kung ano ang kaya mong ibigay, di lang lagi yung sobrang ang ipamimigay mo. Yung taos sa puso at kung ano ang kaya mo ibigay. Parang sa Love lang yan, ibibigay mo kung ano ang meron ka sa mahal mo dahil hinding-hindi mo maibibigay ang bagay na Wala ka, na Kulang sayo dahil Siya ang Pupuno nang mga bagay na iyon. Para balance. Tama ba? At wag kang hihingi nang kapalit at wag mo din isusumbat kung ano man ang naibigay mo. Tama ba?
Pero oi ah, hindi ko ipinamigay ang mga damit ko upang may reason ako para bumili nang bago. Ang totoo kasi niyan eh pakana ni Yosef ito, nabanggit niya kay Papa yung ginawa namin (pagdo-donate nang damit) kaya ayun, tuwang-tuwa ang Pap ko at binigyan kami ng extrang perang pang-shopping. Sapilitan yan ah, magtatampo daw siya kung di namin tatanggapin. Knowing Yosef, di siya tumanggi.
Magkikita kami ngayon para ibigay ko yung perang nawithdraw ko (yung share niya). Kung sanang kasama ko si Paolo edi sana di ako mag-isa ngayon diba? Eh kaso yun nga.
"Nasa mall na ako. Nasan ka na ba?" Sabi ko kay Yosef. Kausap ko siya sa phone eh.
"Nandito na din kami, asaan ka- ayun! Nakita na kita! Wag kang gagalaw diyan sa kinatatayuan mo!" Then he ended the call.
Nagpalinga-linga naman ako habang hinihintay ko siya. Ay teka, sabi niya kanina ay 'Kami' so it means na may kasama siya diba?
"Oi Keith!" Tawag sakin.
Ayun, kasama niya pala sina Cholo. Manlilibre siguro ito. Nag-apir naman kami ni Yosef tapos ay inabot ko sakanya yung pera.
"Hi Keith." Bati naman ni Stefan sa akin. Bigla naman siyang nilingon nang mga kasama niya kasama si Cholo na parang nagtataka. "What? I just said Hi."
"Oh Keith mag-isa ka ata?" Tanong ni Cholo.
"Ah oo. May lakad kasi yung dalawa."
"Ayun sakto! Manlilibre itong si pareng Yosef nang merienda. Tara sama ka!" Pagyaya ni Alvin.
"Oo nga, sama ka muna samin Keith. Treat ko." Pangalawa naman ni Yosef.
"Sa totoo lang busog pa kasi ako. Kumain kami kanina kila Paolo." Pagkasabi ko nun ay nag kantyawan sila. Pero di kami ni Paolo ang kinakantyaw, si Cholo.
"Sige mauna na ako guys. May bibilhin pa ako."
"Kaw bahala. Call ka pag uuwi ka na ah? Sabay na tayo." Sabi ni Yosef. Um-Oo nalang din ako.
Nagbye na ako sakanila at iniwan silang nagaasaran. Ang saya talaga nang barkadahan nang mga iyon. Tapos alam ko na di sila B.I (bad influence) kay Yosef kaya boto ako sakanila. Matataas kasi ang mga grades niya kaya kahit papano ay masaya sina Tito, ako din naman masaya for him. Di na siya pariwala. Tho di ko alam kung paano niya nakukuha iyong mga grades na iyon, malay ko ba kung nagkokopyahan sila diba? Pero atleast wala na siya bagsak at F.A so it means pumapasok talaga siya. Malay ko din kung may inspirasyon pala ang tao kaya nakakakuha nang mataas na marka. Sino ba ako para husgahan siya diba.
Because me spacing out, di ko sadyang nalaglag ang mga hawak ko na damit na isusukat ko sana. Di na ako nagulat dun, pero ang ikinagulat ko ay nung may tumulong sa akin.
"Oh kala ko bang kakain kayo nila Yosef?"
"Humiwalay muna ako. Busog panaman ako eh." Sagot ni Cholo.
"Libre iyon. Sayang din ah?"
"Ayos lang. Ah eh, kung ayos lang sayo pwede ba na samahan muna kita? Total wala ka naman kasama?" paliwanag niya.
"Oo sige. Kaw bahal ah. Matagal ako mamili baka mainip ka lang?"
"Naku, di ako maiinip kapag ikaw ang kasama ko."
...
Naglibot-libot kami ni Cholo. Halos naikutan na namin ang kabuoan nang mall. Nabili ko na lahat ng mga kailangan ko kaya andaming bitbit na paperbag at plastic ni Cholo. Oi di ko inutusan yan ah? at di din ako naginarte para ibagbuhat niya ako. Siya ang nagpresinta na magdala niyan, medyo makulit kaya um-oo nalang din ako. Pero nagkasundo kami, naghati kami nang dala. Lalake ako kaya malabong pumayag ako na siya lahat ang magdala nang mga pinamili ko besides akin naman to kaya ako dapat ang nagdadala.
Napagod ako, oo ako lang, siya kasi marami pang energy ata. Di man lang nakaramdam nang sakit nang paa o legs! Aba, halos mapudpod na 'tong white shoes ko ah eh siya chill lang. Steady pa. Kaya niyaya ko muna siyang magdinner na muna kami. Siyempre sagot ko na, sinamahan na nga ako at pinagbuhat tapos di ko man lang ililibre? Eh kabastusan naman yun diba. That's a no-no.
"Grabe! Di ko na maubos to Cholo." Reklamo ko. I ordered too much nga ata, he told me that I don't have to order too much but as a token for being with me I ordered too many food for us.
"Nakakalimang tempura ka palang oh. Dami pa pagkain sa table." Natatawa niyang sabi. Lima na yun! ang lalaki kaya nang mga tempura nila dito.
"Andami ko nakain na sushi eh." Depensa ko naman.
Pero di naman sa sinasabi ko na patay gutom siya ah. Ang dami na niyang nakakain pero parang di pa siya busog. Siya yung tipo nang taong masarap ilibre kasi di maarte, di maselan sa pagkain at di pa-humble. Yung sulit talaga yung libre mo sakanya. Pero nagdududa ako eh kaya ganito siya kagutom.
"Di ka pa nagla-lunch no?!" Akusa ko sakanya.
Napatingin naman siya sa mata ko at napakamot sa batok niya tapos ay pangiti-ngiti. Funny thing is he reminds me of Paolo. Hay.
"Honestly di pa talaga eh."
"Eh?! Sabi mo kanina busog ka kaya di ka sumama kina Alex. Edi ibig sabihin kanina ka pa gutom, eh 6pm na!"
"Sorry talaga Keith." Sani naman niya habang nakayuko at pakamot-kamot pa nang batok.
Nyeta. Sa totoo lang ang cute niya niyan. Just being honest, okay?
"Dapat sinabi mo agad para man lang nakapagmerienda tayo. Grabe, natiis mo yung apat na oras na kagutuman mo?"
"Lahat naman kaya ko tiisin para sayo Keith."
...
Cholo's POV
Di ko mapigilan ang sarili ko. Iba talaga siya. Di ko magawang pigilan na di siya matitigan. Merong isang bagay na pilit akong hinihila para tignan siya. Alam ko na Staring is Rude but I really can't help it when it comes to Keith!
Oo na, aaminin ko na. May gusto ako sakanya. Actually di siya simpleng Gusto o Crush eh. May feelings na ako. May love na. Alam ko naman yung namamagitan sakanila ni Paolo eh. Sinabi na sa akin ni Yosef. Pero heto padin ako at patuloy na nagkakagusto sakanya. Di ko talaga mapigilan at wala akong planong pigilan ito. Walang mali sa nararamdaman ko para sakanya.
Noon nga nung una ko palang siyang makita eh gusto ko na siyang lapitan, kilalanin. Sobrang na-attract kasi ako sakanya, oo, ganoon siya kalakas! Ibang klaseng tama daig pa Redhorse!
"Cholo, sino ang first love mo?" Biglang tanong sa akin ni Keith.
Sino nga ba? eh isa lang naman ang naiisip ko kapag first love eh, yung kababata ko. Siya lang naman ang unang taong nakapagpa-t***k nang puso ko.
Sabi ko nga noon eh kahit maging magkaibigan man lang kaming muli nitong si Keith eh ayos na ako. Kaya sobrang saya ko nang magkalapit kami, nakaramdam ako nang pagkakataon...
Pangalawang pagkakataon na muling mapalapit sakanya. Maiparamdam na mahala siya sa akin, na hanggang ngayon ay siya padin ang Bestfriend ko na Matagal ko nang hinahanap simula palamang noong bata kami. Simula pa lang nang magdesisyon ang magulang ko na lumipat sa maynila dahil doon sila nakakuha nang trabahong makakapagtustos sa pangangailangan nang pamilya namin. Matagal ko nang gustong umamin sakanya na ako ang kababata niya. Na ako Si Nicollo Lopez naBestfriend niya noon palang. Na lagi niyang kasama kahit saan. Na laging andiyan para sakanya.
...Pero naunahan ako nang takot.
Takot na baka galit siya. Na baka isumbat niya sa akin kung bakit nigla nalang akong nawala noong pagkatapos naming magraduate nang grade 6. Takot na baka layuan niya ako dahil sa galit niya sa akin. Natakot ako na baka mawala siyang muli sa akin.
"Ikaw. Ikaw ang first love ko, Keith."
End of Chapter 15