Rule of Three: Chapter 11

2823 Words
Keith's POV Hindi ko alam kung ano na. Kung ano pa ba. Hindi ko alam kung saan papunta itong meron (kung meron man) kami ni Paolo. Magulo itong balak niyang pasukin. Hindi man ako vocal tugkol dito (o sakanya) ay minsan napapaisip din ako kahit papano. It's not everyday that you get a guy to court you, given the fact you are actually a guy too. Yun palang weird na. And for f***s sake pare, wala ako idea sa pakikipagrelasyon. Di din ako tanga o inutil para hindi mahulata kung saan papunta ito, and I do not like any of the ideas inside my head. It doesn't take a genius to figure out that in this 'relationship' I'm the one who doesn't wear the pants (if you get what I mean) and it's not helping one bit. But I came into a deep realization. Why not give this thing a chance? It or might not work out but at-least I gave it a try. Nung araw na sabihin niya na gusto niya 'manligaw' as weird as it sounds, it's really 'weirder' as it feels. He's really nice to me, really caring. He may be a little bit Rough to, alam mo yun, andiyan na yung hihilain ako. Ninanakawan ng pagkain. Kinukurot. Minsan he's really mean to me. He would tug me on random occasions. Pero aminin ko, he's somehow helping me to get out of my shell. Tinuruan niya akong maging carefree minsan. He thought me how fun life is. Nagiiba na ang Perspective ko, this is cheesy and corny pero totoo. I think ah, Possibly, I'm starting to like him. Sana gusto pa din niya ako tulad nang sabi niya dati. Diba nga sabi niya 'Crush' daw, sana naman kahit papano nagevolve yun. Pero ayoko naman ma magisip na baka meron pa diba? Isa lang naman ang nakikita ko na paraan para malaman kung ano na. Kaya naman didiretsuhin ko siya kung ano na nga ba. Kung meron pa ba. Kung saan na ba kami. "Nine to Ten A.M ang break ko, sef." "Tamang-tama, malapit na ako sa gate ng school mo." "Osige. Hintayin mo nalang ako sa foodcourt. Ipagtanong mo nalang." "Okay. Bye Keith!" Pagkaend-call ko ay agad namang bumungad sakin ang nakasimangot na si Alex. Parang minaltrato na aso ang datingan niya. Nagtaas naman ako nang dalawang kilay. "Yang gagong Paolo na yan eh." "Ano nangyari?" "Ninenok ba naman yung Oreo na bigay mo?! Wala na tuloy ako!" "Sus. Oh!" Sabay bato ko nang isang pack ng oreo sakanya. Nagalak naman yung bugok kaya naman muli kaming natahimik. Ako ngayon yung walang lalantakan habang nagkikinig sa mahabang discussion na sa tingin ko ay tanging ring ng bell lang ang makakaudlot. Ulan ng na malakas di mapigilan tong prof namin eh. "Okay, so that's it. Set na ang mga kailangan ninyong ipass for Midterms." Pagkasabi niya noon ay umalingawngaw na ang ring ng bell. On time ah. Sumabay na ako sa pagpunta sa foodcourt kina Alex at Paolo kasama nang iba naming mga kaklaseng lalaki. Pinaparte nila yung mga Oreo cookies na binigay ko na dapat ay meriyenda ko. Pagdating naman namin sa food court ay nakita ko agad si Yosef na nakaupo sa vacang table, nangingibabaw siya dahil naka-civilian. "Hi Keith." Nakangiti niyang bati sakin sabay akbay. "Uh Yosef, mga kaklase ko pala." Sabay presenta kina Alex at Paolo. Nakipagkamay naman siya sakanilang dalawa. Pero parang mukhang iritable at busangot ang mukha ni Paolo. Parang tanga kumbaga. "Di na pala ako sasabay sainyo, sasamahan ko mageenroll si Yosef eh." "Kita nalang tayo sa room, gutom na ko!" Sagot ni Alex tapos ay tumungo na sa mga stalls ng pagkain. "Ge." Sabi naman ni Paolo tapos ay tumango lang. Weirdo. Pumunta na kami sa registrar upang maumpisahan na ang pageenroll nitong pinsan ko. Aba, di ko maiwasang mailang dahil napapalingon ang mga tao sakanya. Ayos din naman kasi ang itsura niya at matangkad pa. Bonus nalang yung magandang tindig nang katawan niya. Napailing naman ako nang magtilian ang mga bakla nang mapadaan kami sa harap nila. "Ayos dito sa school ah. Daming chicks." Nakangisi niyang sabi. "Medyo. Wag masyado mababae ah. Magaral muna." "Yes naman. Ikaw na Boss sa bahay, ikaw pa dito?" "Ayos lang naman mangchicks ka eh. Basta pag naguwi ka sa bahay siguraduhin mong malinis pag-alis." "Oo naman! Malinis ata ako gumawa par! Hahaha!" "Kinangyan." Nasabi ko nalang habang naiiling ng matindi. Matapos makausap ni Yosef ang registrar nang department nila ay naging mabilis na ang proseso. Type pa ata ni Aleng registrar si gago. Hayaan na, atleast bumilis ang lahat. May benefit din pala eh. Halos may 20 mins nalang ako upang maglunch kaya niyaya ko na si Yosef sa foodcourt. Inilibre naman niya ako bilang pasalamat daw niya. Mabilisan kong kinain ang Crepes ko at sinabihan siya na mauuna na ako dahil 5mins late na ako. Naintindihan naman niya kaya ayos lang. Tinawanan pako dahil takaw ko daw. Di niya alam eh mabilisan ang lahat. Pagdating ko sa room ay medyo hingal pa ako dahil tinakbo ko ito hanggang sa 4th floor AVR. Partida at mabigat pa ang backpack ko ah. Pagupo ko sa tabi ni Paolo ay tinignan ako nito. Medyo asiwa padin mukha niya. Di ko na inusisa pa dahil dumating si Prof. Matapos ang dalawang oras na pagdiscuss nang prof namin sa loob nang osang oras at kalahti. At sa loob ng oras na iton ay walang tigil sa paglingon sakin si Paolo na may kasamang masamang tingin. Ang weirdo niya talaga. "Guys, wala ang prof natin sa last subject!" Sigaw nang president namin sa block. Pero bago pa makapagbunyi ang mga kaklase ko ay "May take home quiz." Matapos ipass ang mga bwisit na take home quiz at makakuha bawat isa ay lumabas ba kami sa AVR. I fished out my phone out of my pocket and typed a message for Yosef. "Sef, call ka." Hinihintay ko si Yosef tumawag nang hablutin ako ni Paolo. I gave him a look pero nagpalatak lang siya. Bwisit. What is he up to? Matapos niya ako hilain papunta sa kotse niya, na pwede naman niya akong yayain nalang kesa hilain ako. Sumakay kami sa loob. "Sino siya?" He said without any emotion. Pero bago pa ako makasagot ay biglang nagring ang phone ko. Kasabay nang pagsagot ko ay ang pagpaandar niya nang kotse at pinaharurot ito. "Yow Keith, bakit mo ko pinatawag?" "Uh Sef, pauwi na ako. Okay lang ba ikaw magluto ng dinner?" "Oo naman. Sige magluluto na ako." "Good. Salamat Sef." then i hung up. "Hey Pao, bagalan mo naman." "Sino siya?!" "Woah there, sinong sino? "Yung kasama mo kanina. Yung kausap mo ngayon lang. Yung pinagluluto mo nang dinner. Sino siya?" "Siya si Yosef." "Sino siya sayo, Keith." Is he... jealous? Ewan ko ha. Pero yun ang nakikita ko. Pero sabi nga sa isang Accounting theory "Never assume unless otherwise stated." "Wait lang, nagseselos ka ba?" Lakas nang loob ko magtanong niyan ah? Hindi siya sumagot at diretso lang sa pagdrive. Malapit na lang din kami eh. Tinitigan ko lang siya habang nagda-drive. Alam ko na naiilang siya at alam ko din na alam niyang hinihintay ko sagot niya. Nang makarating kami sa tapat ng bahay ay pinatay niya ang radyo at iniwang umaandar ang makina. "Bakit sino ba ako sayo Keith? Kaibigan, kaklase, tagahatid sa bahay. Yun lang ako sayo, kaya wala akong karapatang magselos." "Hindi ko naman hiningi na ihatid mo ako lagi ah." "Alam ko, pero ginagawa ko yun para mapanatag ako na ayos ka makauwi! Alam mo yan!" "Alam mo Pao, wala akong alam! Hindi ko alam kung ano na ba, hindi ko alam kung para saan pa yang ginagawa mo. Hindi ko din alam kung yun padin ba ang dahilan ng mga ito." "Keith naman, alam mo kung para saan to... at kung ano ka sakin. Pero ako hindi ko alam, wala akong karapatan sayo. Masakit yun Keith." "Pwede ka naman tumigil dati pa." "Ayoko!" "Pero bakit?!" "Kasi gusto kita! Masakit man sa ulo pero gusto kita Keith!" Hindi ako nakasagot pa. Isa sa dahilan ay dahil hindi ko alam ang tamang sasabihin. Hindi ko din alam kung tama pa bang sumagot. Pangala ay dahil kumakatok sa bintana si Yosef kaya naman ibinaba ko ang bintana. "Keith, ano nangyayari diyan? Nagaaway ba kayo?" I gave Paolo a look. "Hindi Sef, niyaya ko lang tong si Paolo na satin na magdinner." Nilingon ko siya. "Ipapakilala kasi kita sakanya." "Good. Tara na at baka lumamig pa yung niluto ko." "Sige susunod na kami." Nilingon ko si Paolo at nakitang galit padin siya. Halos lamutakin na niya yung steering wheel. "Paolo samin ka na kumain." "Uwin nako." "Please? Ipapakilala kita kay Yosef." "Keith uwi nako." Matigas niyan sabi. Hinawakan ko ang kamay niyang nakakuyom sa steering wheel at tinignan siya sa mata. "Please? Tsaka may importante akong sasabihin." "Tungkol saan?" "Tungkol satin" Kumalma naman siya at huminga nang malalim. Bumaba na kami nang kotse at tumuloy na sa bahay. This time ako na ang humihila sakanya. Ang bagal maglakad eh, baka makahulata na si Yosef bakit tumagal kami sa kotse. "Upo na." Yaya samin ni Yosef nang nakangiti taliwas sa nakabusangkol na mukha ni Paolo. "Nilaga. Marunong ka pala magluto Sef?" "Di naman, medyo lang. Madali lang naman yan eh. Ilalaga mo lang ang mga sangkap ng magkakasama! Hahaha!" Natawa din ako sa sinabi niya. Nang lingunin ko si Paolo ay magkaslubong na yung kilay niya. "O pare kain na. Mukhang gutom ka na eh." Sabi naman ni Yosef. "Ay teka di ko pa pala napapakilala sainyo ang isa't-isa. Yosef si Paolo mga pala... Kaibigan ko." Nilingon ko naman si Paolo at medyo tinapakan ang paa niya. "Paolo si Yosef nga pala, PINSAN ko." Binigyan naman ako nang nagtatakang tingin ni Paolo na sinuklian ko naman ng maliit nga ngiti. Nagshake-hands naman sila. "Osige na kainan na!" Nung una ay tahimik lang kami kumakain pero nang umpisahan na ni Yosef ang kadaldalan niya ay umayos naman na. Nagkaaundo sila sa usapang Basketball at mga chicks. Ako na nagpresintang maglinis nang pinagkainan namin kaya niyaya naman ni Yosef si Paolo na magyosi muna sa terrace. Niligpit ko ang mga pinggan at nilinis ang lamesa. Hinugasan ko na din ang mga pinagkainan. Ganito kasi usapan namin ni Yosef, salitan kami sa trabaho sa bahay. Pwera lang sa paglilinis nito at paglalaba dahil may gumagawa noon. Si Aling Nena, siya yung tagalaba at tagalinis sa bahay ni Nanay. Matapos ako sa trabaho ay lamas nadin ako. Inabutan ko sila na nagkekwentuhan tungkol sa mga Babae nanaman. Umupo ako at nakinig lang sakanila. Medyo nailanv naman si Paolo dahil kinekwento niya ang mga naging Babae niya. Sige lang, maya ka sakin. "Minsan labas tayo nila Keith, Club tayo! Party tayo." Tumango naman kami. "Sige maiwan ko muna kayo, najejebs ako eh." "Sige par labas mo lang yan!" Banag ni Paolo. "Loko-loko!" Sagot naman pabalik ng pinsan ko tapos ay nagtawanan pa sila. Nang makapasok na si Yosef ay natahimik kami ni Paolo. Nakatayo siya habang nakasandal sa may railings ng terrace. Nakatingin ako sakanya at sinuri. Tumutubo na yung bigote at mga balbas niya sa may baba. Bagay niya, nakadagdag sa appeal niya. Matangos na ilong, mapungay na mata. Ayos na, pwede na din. Medyo gwapo nga pero mas gwapo ako. Napangisi naman siya nang madako ang tingin ko sa labi niya. "Sasabihin mo na yung sasabihin mo o titigan mo nalang kagwapuhan ko?" "Yabang." Sabi ko at napangisi. Umupo naman siya sa kahoy na umupan. "Lika nga dito." Sabi niya. Sumunod naman ako at unupo sa tabi niya. Inakbayan naman niya ako at hinimas ang balikat ko. "Ano ba yung sasabihin mo?" Huminga ako nang malalim. "Ano ako sayo Pao?" "Sus. Ano ba namang tanong yan Keith." "Sagutin mo nalang." "Mahalaga ka sakin." "Ano pa?" "Gusto kita." Napangiti ako. "Sus, gusto mo lang ulit-ulitin ko yun eh?" Sinuntok ko naman yung lega niya nang mahina. "Eh ako Keith, ano ba ako sayo?" "Paano kung..." "Kung?" "Sabihin ko na Gusto na din kita?" ... "So, First day mo ngayon Yosef! Good luck!" Bati ko sakanya. Pagbaba ko sa kusina ay naabutan ko siyang nagkakatulala habang nagaalmusal. Parang ayaw pa bumangon sa kama niya. Narinig ko naman siyang napaungol at yumuko sa mesa. "Tinatamad pa ako." Habang nakasubsob padin ulo niya sa table which made me chuckle a little. "Ayos lang yan, masaya sa university." "Sa univ oo, pero sa course ko? Latay dude!" Natawa naman ako sa sinabi niya. "Bakit ba Engineering kinuha mo?" "Yun kasi gusto ko at ni Dad. Di ko naman alam na ganito kadami ang ginagawa." "So tinatamad ka lang at hindi nahihirapan?" "Tinatamad. Madali lang math, Keith!" Woah. Napangisi ako dun. Akala ko naman nahihirapan siya yun pala tinatamad lang. Butin nalang pala at dito sa bahay ay masipag siya at hindi batugan. Mukhang batugan lang pero di naman siya pabigat... Minsan, kapag nakasumpong pagiging conyo niya. English nang english! After namin mag-almusal ay 'nag-get-ready' na siya. Andami niyang mga terms na naadopt sa pag-aaral sa manila. Eh ang alam ko naman ay hindi English speaking ang buong maynila, siguro sa mga Universities lang, by that I mean the Rich-Kid universities. "You know, the sosyal kids na kumakain ng Egg Waffle? Oh, you don't know what Egg Waffle is? It's delish! by the way, common people call it Kwek-kwek." Ganyan ginaya ni Yosef ang kaartehan ng ibang nag-aaral sa Manila (Specifically sa pingalingan niyang school) Since wala akong pasok ngayong wednesday, tinawagan ko nalang si Nanay sa Skype upang kumustahin. Magdadalawang linggo na siya doon sa America eh. Halos makamot ko ang anit ko nang makita ko ang wallpaper nang iPad ko. Ang kapal nang Paolo na yan, gawin ba namang wallpaper ang sarili niya. Ang malala pa sa kapilyohan niya ay shirtless pa ito, gagung yan. "Keith! Nak kumusta kayo diyan!?" "Ayos naman po Nay, kayo po?" "Ayos naman! Kayong bata kayo kumakain ba kayo ng maayos!?" Di naman nakatodo ang volume pero ang lakas ng Bibig ni Nanay, sakit sa tenga. Naka-earphone pamandin ako. "Opo Nay. Nagluluto po kami ni Yosef." "Gamitin mo yung cookbook ko, iniwan ko sa kwarto ko. Madali yung mga recipe doon." Halos isang oras din kaming nag-usap ni Nanay. Ipinakita niya pa yung pinsan ko na si Eight, ang cute na bata. Namumula pa yung pisngi. Matapos namin mag-usap ni Nanay ay naligo ako at nagluto nang lunch. Sinunod ko ang simpleng Adobo recipe ni Nanay, aba, hindi ako mahirapan, tantsahan lang pala at pakuluaan lang ng maigi. Habang hinihintay ko naman yun ay tumingin-tingin pa ako sa mga recipe at naglagay ng bookmark sa mga madadali at mabilis. Matapos ko kumain ay halos di ko na napansin ang pagdaan ng oras. Nakatutok na kasi ako sa Take home quiz namin sa isang major at nireview ang mga lessons. Ito naman talaga ang purpose ng isang araw na walang pasok eh. Pahinga at review. Nagising ako around 6pm nang marinig ko na kumakatok si Yosef sa kwarto ko. Nagyaya nang kumain. Pagbaba ko naman sa kitchen ay nakaayos na ang lahat, nailainit na din niya ang Adobo. Nakahain na din. "So, kumusta naman araw mo?" Tanong niya. "Natulog lang ako." Nahihiya ko na sabi. "Ikaw, kumusta first day mo?" "Ayos lang naman. May mga kaibigan na ako, nagbo-boarding house sila sa malapit lang satin." Uminom siya nang tubig. "Niyaya ko nga pala sila dito mamaya, kwentuhan lang para naman may kaibigan ako. Ayos lang ba?" "Oo naman, iinom ba kayo?" "Hindi, magbabasketball lang sa court sa likod. Di ko pa sila kilala masyado kaya wag muna. Ayos ba yun?" "Ayos!" Sagot na may ngiti pa. Well, responsible naman pala si Yosef. Kahit papano mature naman na. Parang pakiramdam ko tuloy may kapatid ako... That thought made me smile. "Maiba ako, Tungkol dun sa Paolo." Sa tono palang niya ay kinabahan na ako by hearing his name made me even nervous whick is unlikely. "N-napano?" Sabi ko, keeping my cool. "Tapatin mo nga ako... BOYFRIEND mo ba yun?" Hindi ko alam ang isasagot ko. "Hindi-" "Wait lang, baka akala mo tutol ako. Wala ako problema kung magboyfriend kayo at wala din ako problema kung gay ka. Basta tandaan mo na suportado kita. Tayo na nga lang dito di pa ba tayo magsusuportahan diba?" I gave him a warm smile. Grabe, masaya pala ang may ganitong kasama sa bahay. Hindi ko na sinagot ang tanong niya kung magsyota ba daw kami ni Paolo. "Salamat." Tanging sabi ko lang. Tumango lang siya at sinabi na tama na ang kakornihan namin. Matapos namain kumain at naglinis ay nagpahinga kami nang kaunti. Nagyosi sa terrace na nakaugalian na namin. Sa ngayon, masasabi ko na naguumpisa palang ang buhay ko. Naguumpisa pa lamang na maging masaya. Dumating ang mga kaklase ni Yosef. Pinakilala naman niya sa akin sila, apat sila at magkakasama sa boarding house. Mukha naman silang mapagkakatiwalaan dahil hindi naman sila mukhang sanggano... okay,honestly, medyo lang. Pero mabait naman sila dahil may dala pang Gatorade. Basta. "Teka, asan si Cholo?" Tanong ni Yosef. "Papunta na daw, may dinaanan pa sa mall eh." Sabi naman nung Stefan. Pansin ko lang, halos matatamgkad sila ah? Yan ba yung epekto nang basketball na yan at nagsisitangkaran sila? Or may iba pa silang sikreto kaya tumatangkad sila? Naghiyawan naman sila nang dumating yung hinihintay nila. Kaagad namang napakunot yung noo ko at nagsalubong ang kilay. Bakit hindi ko ba nahulata agad? Sila yun. Sila yung nagiinuman sa tapat nang bording house nung dumaan kami ni Paolo paa bumili nang mantika. Nakangisi namang lumapit samin yung Cholo. Familiar siya. "Keith si Cholo nga pala. Cholo, pinsan ko si Keith." Hinawakan niya ang malamig kong kamay bilang pormal na pagpapakilala. Tumang lang ako bilang tugon. Siya yun. Siya yung muntik sugurin ni Paolo. "...Ikaw yung nagtrip sakin nung isang gabi ah." End of Chapter 11
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD