Laurence Paolo's POV
"Tayo na?" Pagulit niya sa sinabi ko habang bakas sa mukha niya na naguguluhan siya.
"Oo tayo na. Nauna na si Alex sa kotse kaya tayo na. Baka malate tayo sa Duty dahil 5:40 na. Babiyahe pa tayo."
Mukhang nakuha naman niya ang ibig kpng sabihin dahil napashape ng 'O' ang bibig niya at tumango.
Gusto ko nang ipaglaban ang nararamdaman ko para kay Keith. Gusto ko na siyang ligawan ng pormal, kung papayag siya. Kasi parang masyado akong nag-assume na gay siya or Bisexual man lang. Para kasing naramdaman ko lang na gusto ko siya. Ngayon kasi ay pasimpleng paramdam lang ang ginagawa ko.
Pero parang di naman niya nararamdaman? Pakiramdam ko balewala lang mga iyon, ako sakanya. Akala ata niya nagbibiro ako nang sabihin kong may gusto ako sakanya.
Aba't kung di ba naman siya loko-loko eh wala lang siyang reaksyon. Hindi naman ako nageexpect na sabihin niyang gusto din niya ako okaya naman ay halikan ako! Pero phuckshit lang kung halikan niya ako, di ko siya uurungan! Maga ang labi niyang mapula pag nakataon! Sarap!
"Hoy manyak, may dumaan lang na nakashort na maikli eh may padila-dila ka pa nang labi. Libog talaga." Biglang pangasar ni Alex.
"Gagu mu, wag moko itulad sayo ulul!"
Mukhang manyak lang ako pero hindi ako ganon! Di ko naman masabi kay Alex na di naman yung nakashort na babae ang dahilan kung bakit napadila ako ng labi. Alangan namang sabihi kong:
"Naiimagine ko kasing naghahalikan kami ni Keith kaya napadila tuloy ako nang labi! Sarap!"
Isang malaking Awkwardness ang magaganap nun. Phuckingshit.
Pagdating sa Hospital ay nagpark na ako at inayos ang mga gamit ko. Napansin ko namang nakatingin lang si Keith sa iPad niya at magkasalubong ang kanyang kilay.
"Keith!"
Keith's POV
Phuckshit. Bakit ang angas niya tignan sa picture niya dito sa iPad ko?! Aaminin ko talagang nagwapuhan ako sakanya. Lalo pang nakadagdag sa appeal niya ang hikaw niya sa cartiladge sa tenga. Ang porma!
Ito siguro yung ginagawa niya nung parang nagsasalamin siya dito. Kinukuhanan niya ang sarili niya dito. Gwapo nga talaga tong si Paolo kaso.. may bahid yung kagwapuhan niya nang pagkamanyak. Sayang eh.
Napabusangot naman ako nang makita kong may mga stolen pictures ako habang dinadawdaw ko ang toasted bread sa kape. Halos natakip na sa mukha ko yung bangs ko kaya halos ilong at bibig ko lang ang kita. Mukha akong ewan. Araw-araw akong nakikita ng mga tao ng ganito hitsura ko? Phuckingshet lang. Tapos natabi pa sakin yung dalawa edi mukha akong taeng hilaw?!
"Keith!"
Napataas naman ako nang tingin kay Paolo nang bigla niya ako tawagin. Andito napala kami sa Hospital at di ko man lang namalayan. Titig na titig kasi ako sa mga pictures eh.
Nagmadali akong ayusin ang mga gamit ko at mabilis na lumabas. Bakit naman kasi di ako sinabihan agad eh. Yang tuloy-
"Ako na diyan."
Kinuha ni Paolo sakin yung Backpack ko at inayos ang laman tapos ay sinara ang zipper. Nakita siguro niyang hirap kong pagsabayin ang lakad-takbo at pagayos ng gamit ko.
"Salamat Paolo." Sinukbit ko na sa likod ko ang backpack ko at sumabay sa lakad-takbo nila ni Alex na kasalukuyang may binabasa sa phone. Parang gumaan bag ko? May magic ata si Paolo.
"Nakita mo na ba yung mga Pictures ko sa iPad mo?"
Tumango ako.
"Pogi no?! Hahaha! May picture din dun yung bangs mo habang sinasawsaw niya yung tinapay sa kape."
Napangiti ako dun. Nakakatuwa isipin na yung bangs ko dumadawdaw ng tinapay sa kape, hay Paolo.
Nakapasok na kami sa Hospital dumiretso na upang kausapin ang Head Nurse upang malaman saan kami naka-assign.
...
"Parang gigil na gigil sayo yung matandang babae kanina Keith ah?"
May matandang babae kasi kanina na halos lapirutin na ako dahil sa takot niya sa injection. Kinukuhanan ko kasi siya ng dugo dahil ipapatest ito. Hindi mali ang ginagawa ko upang masaktan siya, sadyang takot lang daw siya sa injection. Tinutukoy niya ay yung seringe.
"Hindi na nagkapasa yang braso mo?" Tanong ulit ni Alex.
"Hindi naman."
"Good. Tara kain muna tayo sa McDo. Napagod ako, daming pasyente kanina!"
"Oo nga, tatlong bata pamandin yung akin kanina. Hirap kuhanan ng dugo. Pasalamat nalang sila at mahilig ako sa mga bata kundi nakutos ko mga yun."
Mahilig pala siya sa bata? Bait naman.
"Bata nga ba o gumawa ng bata?! Hahaha! Tangnang kalibugan yan Laurence!" Kantyaw ni Alex.
Binatukan siya ni Paolo.
"Gagu ka. Baka isipin niyan ni Keith totoo sinasabi mo! Matakot pa sakin yan." Sabi niya habang tinitignan ako sa salamin. May gusto ba siya ipahiwatig?
"Yung matandang pasyente kanina ni Keith, sarap turukan ng-"
"Kadiri ka naman Alex! Pati matanda papatusin mo't tuturukan?! Yuck ka pre! Hahahaha! Magbigay ka naman ng galang sa matatanda!" Ganting kantyaw ni Paolo.
"Ay buguk! Iba iniisip mo eh! Patapusin mo muna kasi ako, sarap turukan ng pampakalma!"
"Huli ka na balbon! Magrereason ka pa eh! Granny fucker! Hahaha!"
Kahit lagi silang ganyan ay di ako nakakaramdam ng pagka-out of place. Di naman kasi nila hinahayaang maramdaman ko yun. Alam kasi nilang sadyang tahimik lang ako at nagmamasid lang.
"McSpicy lang sakin at large sprite and fries." Sabay abot ko ng pera kay Alex.
Pinaupo na ako ng mga ito sa table na malapit sa glass wall. Ang ganda ng pwesto namin, kita ko ang mga dumadaan na kotse. Ang ganda tignan ng mga mabilis na ilaw.
"Oh, kainin mo yan." Sabi ni Paolo at inabot ang isang Apple pie.
"Nagpaorder na ako kay Alex."
"Alam ko. 5 mins waiting pa yun dahil niluluto pa yung order niyong dalawa."
"Salamat." Kinuha ko ang apple pie at binuksan ito upang kainin.
"Aray!"
Mainit pala ang bwisit na apple pie ni Paolo di man lang sinabi!
"Hay, di kasi nagiingat. Oh inom ka."
Inabot niya yung drinks niya sakin at sumipsip ako sa straw niya matapos ay akmang pupunasan ko ang straw ng kunin ito sakin ni Paolo.
"Di naman ako maarte, Keith." Tapos ay sumipsip siya mula rito. Wow, nagmix lang naman ang saliva namin at possible na nalunok niya yung akin.
Matapos namin kumain ay nagkayayaan munang magyosi, pampababa lang ng kinain. Noon wala talaga akong bisyo, pero nang umpisahan namin ang pagsuri ng cadaver or dead human body ay di kinakaya ng sikmura ko ang amoy. Kaya ko naman yung nakikita ko eh pero ibang usapan ang naaamly. Tao padin yun. Isa sa mga technique para maiwasan ang pagsuka ay ang pagyosi.
Nung una ayaw ko talaga kaso nang maamoy ko ang loob ng tiyan ng tao, ako mismo ang nagsindi sa yosi at hinithit ito. Nasanay narin ako, kapag nastress ako sa mga nirereview ko okaya naman may iniisip ako napapayosi ako. Oo, nakakamatay ito. Death Stick nga ang tawag dito eh. Alam ko yun dahil Nursing student kami. Pero gusto man natin o ayaw kapag oras mo na ay oras mo na talaga at saka sa kamatayan din naman tayo hahantong lahat, may mga kanya-kanya lang tayong oras at panahon. At lalong hindi ako santo para maging good influence.
Pauwi na kami ngayon. Una na naming hinatid si Alex dahil mas malapit ang bahay niya mula sa pinanggalingan namin. Hahatid na daw ako ni Paolo, ayaw ko man pero no choice. Wala na akong masasakyan pang jeep o kahit tricycle dahil alas-dose na nang madaling araw.
"Dito na tayo."
"Salamat."
Pagbaba ko ay bumusina ng mahina ito at umalis na. Tinignan ko muna siya habang palayo tapos ay pumasok na sa gate. Malamig ang hangin ngayong gabi. Bigla tuloy akong kinilabutan. Wala naman sana.
"Wag naman sana..."
...
Friday. Wala akong alam gawin. Suspended ang pasok dahil may general meeting ang mga prof sa lahat ng colleges sa University.
Kakatapos ko lang maglinis ng kwarto at nang bahay. Naisipan ko na din labhan ang punda at takip ng kama ko. Ngayon ko lang nasubukan iyon at parang ayaw ko na ulit gawin. Bahala na ang labandera diyan next time.
Matapos ko maligo ay naglunch na ako. Wala si Nanay dahil umattend ata sa isang event sa simbahan. Di ako sumama dahil wala naman akong relihiyon. Wala nang bago doon.
Noong bata ako ay kasa-kasama ako ni Mama sa pagsimba. Pero nang mawala ang Mama ko sakin ay nawalan na din ako gana magsimba. Pero hindi ibig sanihin noon ay taliwas na ako sa Diyos, alam ko padin naman ang tama at mali. Hindi naman ako miyembro nang kung anong kulto o nang ano mang tumataliwas sa Diyos. Wala din akong sinasamba at di ako sasamba maliban sa kilala ko noong bata ako.
Matapos ko makakain ng noodles at tinapay ay naisipan ko nalang magreview. Sayang naman ang mga oras na wala ako ginagawa kaya review nalang. Para hindi naman ako mahirap sa mga quiz, atleast kahit light reading nalang at analyze ayos na diba.
Halos ibuhos ko na ang laman ng jansport ko eh wala padin ang lalagyan ko ng lectures. Saan na ba yung filecase ko. Alam ko eh isinuksok ko iyon sa bag ko.
*ringing..."
"Hello, sino po ito?" Sagot ko sa cellphone ko.
"Keith, si Paolo to. Yung filecase mo naiwan mo sa kotse ko."
"Hinahanap ko nga eh. Akala ko nawala ko na."
"Ahh, buti pala naisipan ko pa-carwash kung hindi, di ko na mapapansin ito dito. Hatid ko nalang sainyo mamaya ah?"
"Sa monday nalang Paolo. Ayos lang naman."
"Hindi. Hatid ko na. Pano ka makakareview sa Chem kung nasakin to? May quiz panaman ata sa Lunes."
Wala ako naaalala na may naanounce?
"Sige, ikaw bahala. Pero ayos lang talaga kung sa monday nalang."
"Hahatid ko. 6pm. Sa bahay niyo."
Di na ako nasalita pa dahil inend-call na niya at sigurado akong may gagawin nanaman siyang pagbibilang na may tono nang pagbabanta.
Ayoko na sana talagang abalahin pa yun dahil baka may mga kailangan siyang gawin. Wala naman talagang naanounce na quiz sa Chem kaya kahit di ko na makuha ngayon yung filecase ko. Mapilit lang si Paolo at gumawa pa nang sariling quiz.
Nakahiga ako sa kwarto ko. Hindi ako mapakali. Pupunta lang naman siya dito para ihatid yung filecase ko. Pero sobra ang nararamdaman ko na kaba.
Hindi ko alam ang dapat kong gawin o sabihin pagdating niya. Basta pagkakuha ko nung filcase papaalisin ko na siya.. Para namang ang bastos ko nun? Hay!
"Keith! Andito yung kaibigan mo sa baba!" Sigaw ni Nanay na kala mo nabalian ng buhok.
Inhale exhale.
Tumayo na ako at inihanda ang sarili ko. Kukunin ko lang yung filecase, tapos. Pagbaba ko ay nakita ko siyang nakaupo sa sofa. Hawak yung file case ko. Nakatingin lang siya sakin hanggang sa makaupo ako sa sofa. Nakashort lang siya at plain white na t-shirt at black na Vans. Pero parang ang linis at gwapo niya?
"Hi." Sabi niya.
"Hi din."
"Yung file case mo oh."
Pagkaabot ko nung case ay di ko na alam ang gagawin ko. Ano ba dapat sasabihin ko.
"Sig-"
"Hijo, mag-juice ka muna at kumaing mamon oh. Keith, andoon lang ako sa taas at manonood nako ng teleserye."
Nang makaalis na si Nanay ay pinagbuhos ko nang juice ang mga dalawang baso at binuksan ang Mamon.
"Oh." Sabay abot ko nang baso ng juice. Ngumiti lang siya.
Nakaramdam naman ako nang hiya nung tumingin siya sakin dahilan upang mapayuko ako.
Uminom naman siya at kinain ang mamon. Habang ako ay nakayuko na parang tuod. Ang awkward ng sitwasyon namin.
"Oi, napano ka diyan?" Tanong niya.
"Wala naman."
"Tignan mo nga ako." Tapos ay itinaas niya ang ulo ko gamit ang kamay niya. "Ayos ka lang? Namumula ka."
Phuckshit.
"Oo naman."
Matapos niya kumain ay niyaya naman niya ako sa terrace namin at doon muna umupo.
Magkatabi kami pero walang kumikibo sa aming dalawa. Wala naman akong alam sabihin. Bigla namang lumabas si Bacon mula sa pinto kagat-kagat ang laruan niyang bone shape na ewan.
"Aso mo?" Tanong niya.
"Oo."
Binuhat ko si Bacon at inihiga sa lap ko.
"Anong pangalan?"
"B-bacon."
Tumawa siya.
"Cool. Ikaw talaga." Sabi niya tapos ay umakbay sakin. "Tara bili tayo nang beer? Pwede ba sainyo yun?"
"Oo."
Sinamahan ko siya kay Nanay dahil magpapaalam daw siya. Titig na titig sa T.V si Nanay habang sinasabi
"Oo sige. Wag maglalasing. Wag papagabi." Hindi nilisan ng mata niya ang t.v habang binabanggit yun. Nanay yan eh. Ayaw makamiss nang kahit isang sandali dahil baka pag lumingon siya eh babarilin ang bida.
Bumili kami ng Beer sa pinakamalapit na 7/11. Ilang naka in-can na strong beer ang binili niya at isang kaha ng yosi.
Ramdam ko pa din yung sakit sa loob ko. Yung parang pinapaasa ko sarili ko na balang araw hindi lang kami magkaibigan. Ying darating sa punto na.. Oo na, magiging kami. Kahit alam ko na di pwede dahil nga may syota yung tao. Ayoko namang maghiwalay sila dahil sa akin. At sa tingin ko ay impossible din yun. May babae na nga siya syota tapos ipagpapalit sa lalaking tulad ko?
"Oi, di mo naman iniinom yang sayo eh. Nakakadalawa nako!" Sabi niya.
Ininom ko nang diretso yung isang can at magbukas ng bago. Di ko malasahan yung pait. Mas mapait yung nararamdaman ko.
Na-Friendzone ba tawag dun?
"Ayan ka nanaman eh, kala ko pa naman nagkaintindihan na tayo."
"Huh? Di ko gets." Sagot ko.
"Diba sabi ko dumaldal ka naman kapag tayong dalawa lang. Naiisip ko tuloy na parang ayaw mo ako kasama." Tumayo siya at nililigpit ang mga cans at balat ng junkfoods. "Sorry sa istorbo."
Bago pa niya tuluyang naligpit ay hinawakan ko kamay niya at hinila siya paupo. Napatingin naman siya sakin.
"Nahihiya ako."
"Nakteteng naman oh! Ako nga kinakapalan ko mukha ko para maging close man lang tayo, tapos ikaw nahihiya?!" Naka-ngisi niyang sinasabi yan.
"Baka kasi nabobored ka na sakin. Wala naman kasi ako alam sabihin."
Hinawakan niya yung kamay ko at isiniksik yung mga daliri niya sa pagitan ng daliri ko. Napapadalas na yang mga ganyan niya. Akala ata niya eh di ko napapansin.
"Wag mo isipin yan. Kahit magkatabi lang tayo nakokontento ako. Ewan ko nga ba eh." Sabi niya at tumawa, nakornihan daw siya sa sinabi niya.
"Paolo."
"Oh."
"Ay wala."
Tahimik.
"Keith."
"Bakit?"
"Wala, gusto ko lang marinig boses mo."
NaPhuckshit ay!
Ilang minuto din kaming tahimik habang umiinom. Sa paghawak niya sa kamay ko, ang pakiramdam ay parang tama. Parang yung paghawak namin ay parang tama. Ang sarap sa pakiramdam.
Ayoko sanayin ang sarili ko sa mga bagay na ganitong ginagawa niya. Ayokong pag dumating ang panahon na nasanay na ako ay kailangan ko nang iiwas ang sarili ko at magising sa katotohanan.
"Paolo, ano ba ako sayo?"
Napalingon siya sakin at tumingin sa mata ko. Yumuko siya at hinawakan ang noo niya gamit ang kabilang kamay. Pumikit siya at huminga ng malalim tapos ay tinignan ako ulit. Nakukunsume ata sakin?
"Ikaw? Mahalaga ka sakin." Huminga siyang malalim. "Lalakasan ko na loob ko, sa ngayon magkaibigan lang tayo. Pero, iba ka sa lahat ng kaibigan ko. Importante ka. Iba ka."
Kaibigan... Importante... Iba ka...
"May Girlfriend ka. Bakit mo ginagawa to?" Sabay taas ko nang kamay naming magkahawak. Nasasaktan ako. Ayoko umasa at sa bandang huli talo ako.
Bumibitaw ako sa hawak niya pero lalo niya itong hinihigpitan.
"Wag. Please. Hayaan mo naman ako na kahit sa ganitong paraan lang maramdaman ko na akin ka."
Tumulo ang luha ko na hindi ko namamalayang namumuo. Di ko na kaya 'tong ginagawa niya. Torture sa feelings ko.
Bumitaw ako sa hawak niya at tumayo.
"Kung gusto mo nang ganyan, gawin mo sa syota mo! Wag mo akong paglaruan!"
Hindi ko napigilan ang sariling emotions ko at nasigawan ko siya. Dala na din siguro mang alak ito.
Pumasok ako sa loob at nilock ang pinto. Naririnig ko na tinatawag niya ako pero tumakbo na ako pataas ng kwarto ko.
Ngayon lang ako umiyak dahil sa tanginang Love na yan. Bakit sakanya pa ako nagka-gusto?
Bakit sa taong di naman ako kayang ipaglaban.
Bakit sa taong may syota at lalaki pa?!
"Paolo.. lumaban ka naman."
End of Chapter 6.