Rule of Three: Chapter 1

2568 Words
Keith's POV Ang sabi nila all things comes in threes. Too nga ba iyon? Para kasi sakin parang Oo eh. Hindi naman dahil laging may nangyayari sakin na laging tatluhan. Siguro nagkakataon lang? Ano nga ba yang mga bagay na tatluhan? 3 little pigs, 3 bears of Goldilocks, 3 wise men, 3 stooges at ang 3 blind mice. Bakit nga ba tatluhan sila? Yan ang di ko alam. Para sa akin ayoko ng tatluhan. Dahil sa tatluhan na yan minalas ako at naiwang mapag-isa at malungkot ngayon. Maayos ang pamilya namin noon. Masaya kaming tatlo ng mama at papa ko. Binibigay nila noon lahat ng bagay na hingin ko. Halos lahat nga eh. Minsan sobra pa sa hingin ko. Spoiled tung tawagin. Totoo yun. Sobrang mahal ako ng mga magulang ko at alam ko noon na sobrang mahal din nila ang isa't-isa. Pero, Nagkamali pala ako. Akala ko noon tama lahat ng nakikita ko. Akala ko noon masaya talaga kami pero hindi pala. Mali ang akala ko. Ang relasyong mag-asawa ay pang dalawahan lamang. Isang lalaki at isang babae. Pero hindi ko alam noon na may isa pa palang babae ang papa ko. Natuklasan ito ng Mama ko. Simula noon ay lagi silang nag-aaway. Laging malungkot ang aking Mama. Minsan nga nakikita ko siyang umiinom ng alak. Nagkasakit noon ang aking Mama. Nangako ang aking Papa na magbabago na siya, na hindi na niya uulitin. Akala ko noon ay ayos na. Na magiging masaya na ulit kami. Pero hindi pa pala. Natuklasan muli ng aking Mama na may babae pa ang Papa ko. Tatlo silang Babae sa buhay niya. Gabi iyon, kasalukuyan akong gumagawa ng assignments sa aking kwarto. Narinig ko na nagsisigawan silang dalawa. Nakakatakot. Nagtakip ako noon ng unan sa aking mukha. Pero naririnig ko pa din. "Tama na!" Sigaw ko. Pero tila walang nakarinig sakanilang dalawa. Umiiyak ako noon. Hindi sila tumigil at patuloy pa din sa sigawan. Wala akong nagawa kundi ang umiyak ng umiyak at umupo sa gilid at magtakip ng tenga. Nagulat nalang akong nang may narinig akong bumagsak sa sahig. Rinig ko iyon dahil kahoy ang sahig namin. Lumabas ako nang kwarto upang tignan kung ano iyon. Nakita kong nakahandusay sa lapag ang aking Mama. Hawak niya ang kanyang dibdib at naghahabol ng hininga. "Mama!" Sigaw ko "A-anak. Mah-hal ka ni Mama. Ta-tandaan mo yan ah?" Naghahabol siya ng hininga noon. Umiiyak lang ako. Hinalikan niya ako sa noo " Mahal ka ni Mama, Keith." Yun ang mga huling narinig ko mula sa Mama ko. Ang mahal kong Mama ay wala na. Sa edad kong labing-isa ay wala na ang aking Mama. Sa burol ng Mama ko ay hindi ko siya tinignan. Hindi ko kayang makita siyang nakahiga doon. Hindi. Ayoko. Hindi ako umiyak. Walang lumalabas mula sa aking mga mata. Wala akong nararamdaman noon. Manhid. Alam ko nasasaktan ako at galit. Galit sa aking Papa. Siya ang dahilan kung bakit nawala ang Mama ko. Nang dumating ang araw ng libing ng Mama ko ay doon ko pa lamang siya tinignan. Hindi ko masabi kung gaano ako nasasaktan at nalulungkot ng oras na iyon. Umiyak ako nang umiyak. Walang makaawat sa akin maging ang Papa ko. "Kasalanan mo to! I hate you, Papa!" Sigaw ko sa aking sariling Ama. Nagulat siya at napayuko. Simula ng gabing mawala ang Mama ko ay hindi ko pa siya kinausap, ngayon lang. Inilabas ko lahat ng sama ng loob ko noon. Iyak ako ng iyak. Ang Mama ko na sobrang mahal ako ay wala na. Hindi ko na siya kailanman makikita pa. Hindi na ako muling umuwi noon sa bahay namin. Tumira ako sa bahay ng Lola ko, ang Nanay ng Mama ko. Mas minabuti kong dito tumira kesa samahan ang Papa ko. Araw-araw akong dinadalaw ng Papa ko. Pero wala siyang naririnig mula sa akin. Kailnaman ay hindi ko siya kinausap, maging tumango o pumiling ay hindi ko ginawa. Alam ko nasasaktan ko siya. Alam ko nalulungkot siya sa ginagawa ko sakanya. Isang araw ay dinalaw niya akong Muli. May dala siyang mga bag at nakasuot ng polo. "Anak, pwede ba kitang makausap?" Tanong niya sa akin.  Pero hindi ako sumagot. Umupo lamang ako sa sofa kaharap niya. Niyakap niya ako ng mahigpit noon. Hindi ako pumalag kasi nararamdaman kong umiiyak siya at kailangan niya ito. "Aalis nako. Babalik na ako sa America para magtrabaho." Sabi niya habang nagpupunas ng luha. "Keith alam ko galit ka kay Papa. Alam ko na ako ang sinisisi mo kaya namatay si Mama mo. Hindi ko naman ginusto iyon eh. Oo aaminin ko nagkamali ako dahil nambabae ako. Pero pinagsisihan ko na iyon. Pero huli na ang lahat. Wala na ang Mama mo. Sana anak dumating ang panahon na mapatawad mo si Papa. Mahal na mahal kita Keith. Wag ka mag-alala, every year naman akong uuwi. Papadalhan kita ng pera pang-school mo at pambili ng kahit anong gusto mo. Mahal kita Keith, tandaan mo yan. Kahit galit ka sakin alam ko darating ang araw na mapapatawad mo ako." Niyakap niya ako noon at hinalikan sa noo. Simula ng araw na iyon ay tuwing Birthday ko na lamang nakikita ang Papa ko. Hindi ko padin siya kinakausap kahit na 7 years na ang nakalipas. Kahit na 18 na ako ay hindi ko padin makalimutan ang mga nangyari. Ang tatlong bagay na labis na nakapagpabago ng buhay ko. Ang pagkasira ng pamilya namin, ang pagkamatay ng Mama ko at ang hindi ko pagkausap sa Papa ko. *present* "Keith! Hijo! Gumising ka na!" Sigaw ni Nanay mula sa labas ng kwarto ko. "Tatayo na po 'Nay" "Tatanghaliin ka nanaman niyan eh!" Si Lola talaga masyado maingay. Kahit gaano ako katahimik ay hindi ladin siya nagsasawa sa akin. Marami lagi siyang kwento. Kahit na hindi ako sumasagot at tanging pilit na ngiti at tango o piling lamang ang sagot ko ay hindi yan tumitigil kakakwento. 70 palamang si Nanay kay. napakalakas pa niya. Masiyahin siyang matanda di tulad ng iba na bugnutin at laging nakabusangkol ang mukha. Laging nakatawa si Nanay at laging maaliwalas ang mukha. Kaya lagi siyang sinasabihan ng "Amanda, you age gracefuly"  tuwang tuwa naman siya nun. Sabagay ay totoo naman. Siya na ang nag-alaga sakin at nagaasikaso. Mahal ko yang si Nanay kahit na minsan maingay. Pag kasi kasama ko siya parang kasama ko na din ang Mama ko. Magkamukha sila, kung buhay oa ngayon Mama ko sigurado ay masasabihan din siya ng you age gracefuly. Maganda kasi si Mama. Maputi at makinis ang balat. Masiyahin din siya, di tulad ko. Bumaba na ako pumunta ng kusina. Nadatnan kong naglalagay ng rollers sa buhok si Nanay. Humalik ako sa pisngi niya (Nasanayan ko na) bilang pagbati sa umaga. Ganun din kasi ako sa Mama ko noon. "Kumain ka na diyan Keith. Ilalagay ko lang saglit tong rollers ko para maganda ako." Sabi niya. Sumagot naman ako ng ngiti. Sisimulan ko na sanang kumain ng biglang may mainit na bagay ang pumatong sa paanan ko kaya sinilip ko ito. "Good morning bacon!" Tapos ay binuhat ko ang aking alagang aso na si Bacon. Isa siyang pomeranian. Regalo siya ni Nanay sakin nung pasko. Para naman daw may makausap ko bukod sakanya. Ipinatong ko si Bacon sa lap ko at kumain na. "Nay maalat yung itlog." Sabi ko. "Ay napasobra ata asin! Hayaan mo na nak, bukas di ko na lalagyan ng asin yan!" Sabi niya sabay tawa. Ngumiti nadin ako. Pasimple kong pinapakain kay bacon yung itlog dahil sobrang maalat talaga at di ko matiis. Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko at nagpaalam kay Nanay na Maliligo na ako at nagready ng uniporme. Bakit nga kaya kailangan ko pa mag-aral? 18 na ako at kung tutuusin ay maaari na akong magtrabaho. Sa totoo lang mas gusto koagtrabaho kesa mag-aral, ayoko na kasi nakadepende sa papa ko. Ayoko ang pakiramdam nang pagiging pabigat sa kahit sino. Gusto ko nga noon ay magdorm na lang, kaso sabi ni Nanay na wag na lang dahil wala siya kasama. Kinonsensya niya pa nga ako noon at siyempre dahil naawa ako at naisip ko na matanda na siya at talagang kailangan na niya ng kasama ay pumayag na ako. Pero ang usapan ay ako na ang bahala sa sarili ko. Hindi ko inaasa sakanya ang sarili ko, tulad ng mga maruming damit ko ay pinapalaba ko at nagbabayad ako. Ang paglinis ng kwarto ko ay ako din. Kahit pinagkainan ko ay ako ang naglilinis.  Pag may oras ako at wala naman ako ginagawa ay ako na din naglilinis ng bahay, inaaway pa nga ako ni nanay pag ginagawa ko yun pero tuloy lang ako. "Keith, buksan mo ang pinto at may ibibigay ako." Sabi ni nanay na nasakto sa pagsusuot ko ng polo. "Ano yun nay?" May hawak siyang dalawang paperbag. "Ah eto, pinapabigay ng Papa mo. Itong blue na papaerbag ay andiyan ang Camera at iPad mo. Eto namang isa ay sapatos." Sabi niya habang minemwestra ang mga hawak at tila tuwang tuwa. "Pareho tayo may iPad! Turuan moko paguwi mo ha?!" "Osige po." "At naghulog na din daw siya sa ATM mo." Pahabol pa niya. Hindi ko naman hinihiling mga 'to ah, Bakit niya kailangang ibigay? Di ko naman kailngan ang mga ito. Lagi siyang ganyan. Nagpapadala kay Nanay ng mga gadgets o mga kung ano-ano na hindi ko naman hinihiling. Pati nga yung allowance ay hindi ko naman hiningi. Minsan nga naiipon na lang ang mga perang hinuhulog niya eh. Matipid naman kasi ako, di naman ako palibot na tao. Wala nga akong mga kaibigan eh, hmm actually meron, pero isa lang siya. Kung pwede lang talaga na mabuhay nang mag-isa na lang matagal na ako independent. Kaya ko naman eh. Di ko naman kailangan makisalamuha sa mga tao kung di kinakailangan. Mataopos ko itago sa cabinet ang mga bigay ni Papa kasama pa nang ibang mga binigay niya noon na di ko pa nabubuksan ay minabuti ko nang maglakad papunta sa sakayan papuntang univ. Habang naglalakad ako ay may nadaanan akong tindahan. May mga nanay na may kargang bata habang nakikipagkwentuhan (chismisan) sa mga kapwa nila nanay. Sa kabilang banda naman ay mga lalake, I suppose mga tatay, na nagiinuman. Alas-onse nang umaga pero alak ang inaatupag. Pero yun sila eh. Yan ang gusto nila gawin sa buhay nila, sa oras nila. Pakealam ko ba? "Follow your dream" Nabasa ko sa isang poster. Wala akong pangarap. Basta alam ko kailangan ko matapos mag-aral at mabuhay na malayo sa lugar na to. Malayo sa mga taong di ko naman kailangan pa. Basta alam ko kailangan ko magtrabaho para mabuhay, para makapagbigay naman ako kay Nanay kahit mga panggamot man lang o pambayad sa internet niya. Kung pangarap man iyong maituturing, yun na yun. "Sir, check lang po nang bag." Sabi ni manong guard sabay dutdot ng stick niya sa loob ng bag ko. Tss. Ang ingay ng mga estudyante. Kairita. Hindi ba sila marunong magkwentuhan nang tahimik lang? Pero pakealam ko ba? First day ngayon kaya parang mga aligaga at uhaw ang mga yan sa pakikipag-kwentuhan sa mga kaibigan. Bahala sila, basta ako dideretso na room. Pagdating ko sa room ko ay umupo ako malapit sa bintana. Sa sulok. Sa likod. Naglagay ng earphones at tumingin sa malayo. Sa kayang abutin ng mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit di ko magawang makisalamuha sa iba. Yung tipong makipagkwentuhan ng maghapon at pagusapan nang paulit-ulit ang mga bagay. Mas gusto ko ang manahimik. Mag-isip ng mga mas makabuluhang bagay. Okaya naman ay magreview o magbasa ng mga lectures. Sabi nila, no man can leave alone. Siyempre impossible naman yun. Hindi mo naman pag-aari o solo ang mundo. Pero maari kang mabuhay mag-isa, yung walang kaibigan. Walang kasama. Walang karelasyon. Kaya yun. Hindi ko pa natikman ang magkasyota. Babae man o Lalake. Hindi ko naman kasi alam kung ano ba talaga ang gender preferene ko dahil hindi ko naman yan iniisip. Wala pa naman kasi akonh nagustuhan o yung matatawag kong Crush. Siguro dahil wala naman akong ibang pinapansin dito bukod sa pag-aaral at kung minsan ay ang pagsama ko kay Alex. Meron akong nabasa noon tungkol sa mga pansexual. Sabi doon na sila ay 'gender-blind'  o walang bias kung babae o lalake ba ang gusto. Ganoon ako. Pero hindi kami gender-blind. Sabi din doon na It's just that they just have the capacity to fall in love/feel attraction for any body, regardless of their gender. May posibiledad na magkagusto ako sa lalake. Eh ano naman pakealam ng iba? Ako nga hindi ksila binibigyan ng importansya tapos ako bibigyan nila? At sino ba sila upang diktahan at husgahan ako? Kung nawewirdohan na kayo sa akin ay kulang pa yan. Isa din akong Agnostic. Wala akong Religion. Pero hindi ako satanista o anti-christ. Hindi rin ako Atheist. Ang mga atheist ay naniniwala na walang diyos. May mga kanya-kanya silang mga dahilan kung bakit sila naniniwala na walang diyos. Ang mga Agnostic naman na tulad ko ay walang pinapaniwalaan (hindi naniniwala na walang diyos at hindi din naniniwala na may diyos) Kumbaga kami ang nasa gitna. Yun ako eh. Ano magagawa ko? Nnatigil ako sa king pagmumuni nang may naramdaman akong umupo sa tabi ko at kinalabit ako. Paglingon ko ay si Alex lang pala. May kasama siya. Hindi ko kilala kung sino. "Kumusta bakasyon Keith?" Tanong ni Alex. "Ayos naman." Maikli kong sagot at tumingin ylit sa bintana. Sana makuha niya na ayaw kong makipag-usap. "Keith, may ipapakilala nga pala ako." Muling pagantala ni Alex sa pag-isiisip ko. Nilingon ko siyang muli at tinaasan ng dalawang kilay. "Si Laurence nga pala. Transfery siya dito. Kaibigan ko yan nung highschool." Sabi niya sabay siko sa katabi niya na nakatingin lang sakin. "Mabait yan." dagdag pa niya. Wala sa mukha ng kabigan niya ang pagiging mabait. "Laurence Paolo nga pala. Pero Laurence nalang." "Keith." Sabi ko at tumingin ulit sa bintana. *fake-cough* Nilingon ko muli ang dalawa at nakita kong nakalahad sa harap ko ang kamay Nung Paolo (Masyadong mahaba yung Laurence eh.) Hindi ko napansin na nakikipag-kamay pala ito. Pinagbigyan ko nalang. "Sungit." Rinig kong bulong nung Paolo kaya tinignan ko siya nang masama at tumingin muli sa bintana. Narinig ko namang pinitik ni Alex ito sa braso. Natapos ang maghapon ang maghapon sa walang hanggang pagpapakilala sa isa-isa. Pero di na kailangan sa harap at matagal dahil kilala na namin (Atleast by face) ang isa't-isa dahil block section nga kami at simula palanamang 1st year ay halos kami-kami na ang magkakaklase. Meron mang mawas ay meron ding nadadagdag. Isa na doon yang Paolo na yan. Nakakabwisit ang mukha at ang yabang pa. "Keith sabay ka na samin kumain sa labas, bagong foodcourt subukan natin." Anyaya sakin ni Alex. Noon pa man ay ganyan na yan sakin. Pinagtiyatiyagaan ako kahit na boring ako kasama dahil hindi naman ako palasalitang tao. Marami naman yan kaibigan pero pilit padin akong sinasamasa pagkain at sa kung saan pang bagay. Motto ata ay 'walang iwanan!'. "Pass muna ako. Busog pa ako eh." Sabi ko naman. "Sus. Tara na kamo. Samahan mo lang ako Keith." Sabi ni Alex. Pero bago pa ako makasagot ay sumingit yung Paolo. "Arte. Kung ayaw tara na, lex." Sabi niya. Siniko naman siya ni Alex pero di man lang kumislot. Palibhasa malaking tao. "Sasama ka Keith." Sabi ni Alex at Hinila ako patayo. Hindi na ako pumalag at kinuha ko na ang bag ko at isinukbit ito sa balikat. Wala naman ako mapapala kung kokontra pako kay Alex. Talo din ako sa kakulitan niya at ayaw kong kinukulit. Nakakarindi. "Sasama din pala. Papapilit lang." Bulong nung Paolo at siniko muli siya ni Alex. Di ko na pinansin at naglagay na lang ako nang earphones. Bahala siyang maasar. Hindi ako nagpapapilit o nagiinarte. Hindi ko lang talaga gustong sumama dahil hindi naman ako nagugutom.. medyo lang. Atsaka ayoko kasama tong dalawa, ang daldal. Kanina pa kwentuhan tungkol sa kung ano-ano. At ayoko sumama kasi naiilang ako.. ...Naiilang ako dun sa  Paolo. End of chapter 1.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD