Third Person
"Damn why do we need to stay inside this place? f**k I am itching to kill those demons!" - inis na saad ng isang lalaking parte ng elites. Agad na napilingon dito si Daniel at Samantha at wala sa sariling napabuntong hininga sila.
Pang 15 na kasi ang lalaking nagsabi ng ganoon simula ng makapasok sila sa ginawa nilang barricade. Well hindi din naman nila masisisi ang mga ito dahil maski sila ay kating-kati ng makipaglaban sa mga demonyo. But they also know that they need to follow what Astrid told them to do, lalong lalo na noong sinabi nitong may mga malalakas na demonyong nakamasid saamin.
"Hey Primo Inferno" - tawag nang parehong lalaki kay Phoenix. Yes, because Phoenix is the heir of the Fire Element Empire at descendant ng isang malakas na Fire Weilder ay nakuha din nito ang titulong Primo Inferno.
"What?" - walang ka emo-emosyong saad ni Phoenix sa lalaki
"Open the barricade. We want to fight" - utos ng lalaki at doon lang napansin ni Daniel at Samantha na meron din itong mga kasamang mukhang gusto ding makipaglaban sa labas ng ginawa nilang harang.
"Don't want to" - tanging sagot dito ni Phoenix dahilan para mapa yukom ng kamay ang lalaki at mapa kunot naman ng noo ang mga kasamahan nito. Akmang magsasalita muli ang lalaki ng biglang lumitaw sa harap nila ang Primo Colegado na si Aizen, ang tanging lalaking nakaka control sa pinakamalakas at pinaka rare na Ice element sa buong Thundra.
"If you want to go out that badly then I will open the door for you and you will never be permitted to go back inside" - malamig na saad nito dahilan para magulat si Samantha gayudin si Daniel. Alam nilang kapag ginawa ni Aizen ang sinasabi niya ay malamang mamatay ang mga estudyanteng ito.
"What the f**k pare?!" - Daniel exclaimed pero tiningnan lang siya ni Aizen at bigla nalang niyang narinig ang boses nito sa kanyang isipan. Nang marinig niya ang rason nito ay nanhimik nalang siya.
Substantial naman kasi ang rason ni Aizen kaya wala na siyang magagawa kundi hayaan ito para nadin manahimik na sila sa loob ng barricade
"However I will give you a chance to change your thoughts. I will open the gate slightly for you to see what's going on outside and there you will decide whether you will stay or continue to pursue what's on your mind" - dire-diretsong saad ni Aizen and as if on cue ay bumukas ng kaunti ang pader na gawa sa yelo at nasilayan nilang muli ang madilim na kagubatan.
Bumungad muli sakanila ang malalakas na ungol ng mga demonyo ngunit napakunot ng noo ang mga estudyante ng wala man lang nakitang kahit ano sa labas, maaliwalas ito na para bang natural lang itong kagubatan.
Nagtaka ang lalaki kaya naisipan niyang maglakad papalapit sa butas na ginawa ni Aizen. At akmang ilalabas na sana niya ang kanyang ulo ng bigla siyang hilahin paatras ni Aizen.
"What the—
At bago niya pa man matuloy ang sasabihin niya ay biglang lumusot ang isang espada sa butas na ginawa ni Aizen. Konting konti nalang at tatama na ito sa katawan niya.
Biglang nawala ang espada and as if on cue ay isang nakakatakot na mukha ang sumilip sa butas dahilan para mapasigaw ang mga babaeng estudyante at binalot naman ng matinding takot ang mga kalalakihan. Akmang ipapasok na ng nilalang ang kanyang ulo ng tuluyan sa loob ng butas ng bigla na itong sinara ni Aizen, upang pigilan kung ano man ang binabalak nito
"That's a Class-A demon and there are alot of them lurking around this barricade. Now choose your path. Are you still willing to kill those demons?" - malamig na tanong ni Aizen sa kanila at wala silang magawa kundi ang manatili sa loob ng barricade na kanila mismong ginawa dahil sa mga oras na ito ay mas gugustuhin nilang walang gawin kaysa sa mamatay dahil di hamak na hindi nila ka-kayanin kung napakaraming Class-A demons ang nakapalibot sakanila.
"He's really ruthless" - Daniel said to himself kasabay ng pagkawala ng isang malalim na buntong hininga.
*
Samantala, ang grupo naman na umalis upang makipagsapalaran ay ngayo'y nababalot din ng matinding takot at pangamba.
Ang akala nila ay madali lamang ang pagpaslang ng isang low class demon dahil mayroon silang mahika ay mga armas, sinamahan pa ng matinding page-ensayo at pag-aaral. Ngunti pinatunayan sakanila ngayon ng babaeng mayroong puting buhok at sagradong sandata na nagmula mismo sa kagubatan na kinatatakutan nila na mali ang kanilang akala.
That even low class demons are powerful enough to kill a group of strong individuals
"Get lost dude. Kung ayaw mong magka pira-piraso ang katawan mo" - her voice sent shivers not only to the man's spine but also to the remaining nine persons.
Wala nang nagawa ang lalaki kundi ang piliting makatayo at ginamit niya ang mahika niya upang mabilis na makaalis sa likuran nang babae. Tama naman kasi ito, magiging istorbo lang siya at wala siya sa posisyon para magpaka-bayani.
Dinaluhan siya ng iba pa niyang kasama at nagkumpol sila sa isang pwesto habang naka-alalay sa bawat isa.
"Come at me with your best shot assholes" - she said kasabay ng pag paikot niya ng kanyang sandata sa kanyang kanang kamay and as if on cue ay sabay na sumugod ang dalawang baboy ramo papunta sa kanyang direksyon.
"Slip" - Astrid uttered and the two boars automatically slipped causing them to fall on the cold ground. Akmang babangon na ang isang baboy ramo nang agad ibinaon ni Astrid sa leeg nito ang kanyang sandata, causing the head to be separated from the body and slowly turning it into ashes.
Mabilis namang sumugod ang natitirang baboy ramo pero kung anong kinabilis nito ay ganoon din kabilis si Astrid kaya agad nitong nailagan ang atake.
Binuksan ni Astrid ang kanyang kaliwang kamay at may lumabas na kulay asul na apoy dito
Visualize it and let the magic flow. - she thought as the blue flames started to burn even more.
Muling sumugod ang baboy ramo ngunit bago pa man ito tuluyang makalapit kay Astrid ay agad na itong napahiyaw dahil sa matining sakit. Inihagis na kasi ni Astrid ang apoy na ginawa niya papunta sa baboy ramo.
Kung kanina lang ay hindi tumatalab ang mahika sa baboy ramo ay ngayon oo na dahil ang mahika na nasa katawan ni Astrid ay hasang hasa na at hindi katulad ng mahika ng iba. Her magic can almost penetrate a wall made out of sacred materials.
"Now burn" - she whispered and as if on cue ay lalong lumaki ang asul na apoy sa katawan ng baboy ramo at kitang kita ng mga estudyante kung paano ito magwala dahil sa sakit, lalong lalo na ang unti-unting pagiging abo nito hanggang sa wala ng natira.
Paghanga. Yan kaagad ang naramdaman ng sampung estudyante at hindi nila mapaliwanag kung ano ang kakaibang sayang nararamdaman nila.
Niligtas sila ng babaeng akala nila ay sobrang weird.
Akmang tatayo na silang lahat upang lapitan ito at magpasalamat ng biglang may kung anong mabilis na bagay ang dumaan palagpas sa kanila at nakarinig nalang sila ng malakas na hiyaw mula sa likuran nila.
And when they turn around ay halos manigas na sila sa kanilang kinatatayuan ng makita nila ang isang minotaur, isang demonyo na kalahating tao at baka. Ngunit kapansin pansin ang palasong kulay ginto na nakabaon sa noo nito at sa dibdib.
"Pumunta kayo dito bago pa yan umatake!" - malamig na saad ni Astrid dahilan para mapabalik silang sampu sa ulirat at dali-daling naglakad papunta kay Astrid and from there they realize that she is no longer holding a scythe but a golden red colored bow.
"Where the hell did she get that bow?"
"s**t cool!"
"Damn saan nangaling ang Minotaur na yun?!"
"Don't be so shocked. Tch remember my weapon is holy. Now just stay behind my back and sharpen your senses. There might be others lurking around here" - saad ni Astrid ng mabasa nito ang nasa isip ng mga kasama niya. Parang robot namang tumango ang sampung estudyante at awtomatikong nagcast ng barrier ang apat na estudayante sa paligid nila. Ang apat na archers naman ay nagcast din ng speek upang magkaroon ng parang pader upang masuportahan ang barrier at ang natitirang lima ay nagcast ng healing magic upang malunas ang ilang galos na natamo nila kanina sa mga baboy ramo.
"YOU b***h!!!" - the minotaur groaned in anger pagkatapos nitong magawang tanggalin ang palasong nakabaon sa noo at dibdib nito at kusang naghilom ang sugat na natamo nito.
Nalaglag ang panga ng sampung estudyante ng marinig nilang magsalit ang demonyo. Hindi nila inaasahan na nakakapagsalita ito gamit ang lenguwahe nila.
"Oh shut up and just fight me" - Malamig na saad ni Astrid kasabay ng muling pagba-balik anyo ng kanyang sandata sa pagiging isang scythe.
Agad na sinugod ng minotaur si Astrid at akmang sasaktan niya na ito ng bigla nalamang nawala si Astrid sa kanyang harapan
"Right back at you" - Astrid said in a cold voice at bigla niyang binigyan ng isang malakas na sipa ang minotaur, however being clever and fast agad na naka harap ang minotaur kay Astrid at walang kahirap hirap nitong sinalo ang biniti niya.
Tumawa ito kasabay ng pag higpit ng hawak niya sa binti ni Astrid. Itinaas din nito ang kanang kamay niya at unti-unting namuo doon ang isang malaking kulay itim na battle axe.
"ASTRID!" - sigaw ng sampung estudyante na nanonood lamang sa di kalayuan. Gusto man nilang tumulong ay alam nilang wala din silang magagawa. Dahil alam nila at may tiwala silang kayang malutasan ni Astrid ang problema niya ngayon. She grew up in the forest, it is what the professors said to them at isang dekada nadin itong nakikipaglaban sa mga demonyo.
And they believe that she has a plan.
"You'll die silver hair" - the minotaur mumbled at akmang puputulin na nito ang binti ni Astrid pero bago pa man dumikit ang talim ng battle axe sa binti niya ay biglang niyang inikot ang katawan niya kasabay ng pag wasiwas niya ng kanyang sagradong scythe and in just one swift move ay bumaksak ang battle axe ng minotaur sa lupa kasama ang kamay nitong nakahawak padin dito.
Nabitawan na din ng minotaur ang kanang biniti niya dahilan para ligtas siyang maka apak sa lupa
"GRAAAAAAAAGGGG" - sigaw ng minotaur dahil sa sakit at napaatras pa ito ng konti habang hawak hawak ang braso niyang nagdurugo dahil sa ginawang pagputol dito ni Astrid.
"Tsk piece of cake. Now burn" - malamig na saad ni Astrid kasabay nito ay ang pagliyab ng putol na braso ng minotaur dahilan para lalo itong mapahiyaw sa sakit.
Nagsimulang kumalat sa katawan ng minotaur ang itim na apoy na gawa ni Astrid at ng tuluyan ng mabaliw ang minotaur dahil sa sakit ay agad na sumugod si Astrid papunta dito at walang kaemo-emosyong pinutol ang ulo nito na gumulong pa sa lugar kung saan naroroon ang mga estudyante.
The demon's eyes are still wide open ngunit nasusunog padin ito. Bumagsak ang katawan ng demonyo sa lupa at unti unti itong nagiging abo. At kasabay ng pagiging abo nito ay wala sa sariling napangisi si Astrid.
"RAWRRRR" - isang malakas na ungol ang dumagundong dahilan para mapatakip ng tenga ang sampung estudyante at nang sinimulan na nilang hanapin kung saan ito nagmula ay nanlaki ang mata nila ng makita ang ang malaking aso na mayroong sungay at mayroong buntot na galing sa alakdan
Lumapit ang demonyo at ang malamig at walang paki alam na aura ni Astrid ay napalitan. Ramdam ng sampung estudyante ang galit ng babaeng nagligtas sakanila, para bang may itim na usok ang lumalabas galing sa katawan ni Astrid dahil ramdam na ramdam nila ang galit nito.
"You.will.die." - malamig na saad ni Astrid at walang pagdadalawang isip na sinugod niya ito kasabay ng pagwasiwas niya ng kanyang sandata.