CHAPTER 40

2013 Words
I am still groggy because of the almost thirteen hour flight from the Philippines to San Francisco. It's still ten in the evening rito and it's still dark. Gising na gising pa rin ang diwa ko pero pagod na yung katawan ko. Naka lapag na kami at hinihintay na lang namain yung shuttle bus na susundo sa amin. Vance is already contacting Ms. Abigail, who they contacted na mag aasikaso sa amin rito sa amin. "Anong sabi?" I mouthed to Vance habang kausap si Ms. Abigail. He just mouthed me 'parating na' saka binalik ang atensyon sa kausap. I looked around at yung mga kasamahan namin ay nag pi- picture picture na sa gilid. Hinayaan ko lang sila because they all look excited. Sabi nga nila, it's not usual for them na makarating ng ibang bansa so I want them to have a memorable experience here. One week is just a short trip but enough para makapag enjoy kami. "Welcome to California, guys!" nakangiting bati sa amin ni Abigail nang sunduin nya kami kasama nung shuttle bus. She's a half filipina but she's born and raised here in Cali. Sabi rin nya, she's a good friend of Gabriel so we can trust her when it comes to this. "Ako na dito," sabi ni Vance, extending his hand to get my luggage na hila hila ko papasok ng bahay. I glared to stop him from getting it. Agad naman syang umayos at hindi na nag tangka pang kunin. Kanina pa 'yan sya mula sa airport trying to get my luggage pero hindi ko binibigay because it's weird. Lahat sila kanya kanya na dala tapos ako sya ang pabibitbitin ko. It will only stir more rumors as if hindi pa sapat yung mga usap usapan na boyfriend ko na raw si Vance sa office kaya lagi kaming magkasama. We have the whole house as our accomodation. Kasama ko si Janine sa kuwarto at sya ang nagpumilit na magkasama kami. Aniya, she's more comfortable being with me in a room kaya hinayaan ko na lang rin. The soft matress is pulling me to lay down pero pinigilan ko ang sarili ko kasi I have to arrange my things first. Isa isa kong nilagay sa drawer na available yung mga gamit ko. Si Janine naman, hinayaan na lang ang sarili nya na maagpatalo sa malambot na higaan at nag gulong gulong na. Pagkatapos kong mag ligpit ay nag shower ako at nagpalit ng mas kumpotableng damit saka bumaba. Una kong nakita sina Norine, Danara at Roi sa sala, nakaupo at sumisimsim ng orange juice. "Hi maam! Juice?" ani ni Norine sa akin at tinaas ang baso para alukin ako. Umiling ako bilang pag tanggi. "Thank you pero okay lang ako. Si Sir Vance nakita nyo?" Nagkatinginan silang tatlo nang ituro ni Danara ang kanan. Agad akong napalingon sa direksyon that she's pointing at. They're on the kitchen. I thanked them saka humakbang ako papalapit sa dalawa. Malayo layo pa ako pero naririnig ko na kaagad na agad yung pinag uusapan nila kaya binagalan ko ang lakad ko para marinig ko sila ng mas maayos. "Really? How about you? Do you like to travel?" nakangiting tanong ni Abigail kay Vance. She's just looking at him with a ghost smile in her lips at alam kong hindi nila ako napapansin na palapit ako dahil na kay Vance ang buong attention nya at yung isa naman ay naka talikod sa akin. "No. Not really. I don't really like going outside," sagot ni Vance sa kanya. "Hey! You're missing out a lot! There's so many beautiful places in the world that you have to see right before your eyes," ani ng aming guide. Abigail, who is now looking amused at Vance, lightly tapped his shoulders. I saw him slightly flinched, mukhang nagulat sa ginawa ng kasama, pero agad rin namang nag relax ang katawan nya and he freaking chuckled after. They seem to click dahil hindi mukhang robot si Vance sa kanya. "Not really. I appreciate all the beautiful places but I enjoy being indoors more," sabi nya. "You know Vance, I could make you change your mind. I'll take you to the places here in San Francisco!" magiliw na sabi ni Abigail kay Vance. The latter didn't say anything. "You don't have a plan yet on the last day here right? Just tell me and I'll take you to my favorite places here." Nag tuloy tuloy ako sa paglalakad papasok ng kitchen area. Parehas silang naka focus sa isa't isa na kahit tatlo na kaming nasa lugar na iyon ay hindi pa rin nila ako napapansin. Bigla akong nakaramdam ng pagka irita. Lahat kami dito bakasyunista but why is it she'll only take Vance to other beautiful places here? That's unfair for us! Ah, right. I know and it's very obvious why. Hanggang dito sa ibang bansa benta pa rin talaga yung charm ni Vance eh. Mukhang may dadagdag na naman sa litahan ko ng handang gawin ang lahat para sa lalaking nasa kusina ngayon. "Excuse me," I announced to make them aware of my presence here and I am not just some ghost who's floating around and listening to their conversation. The small distance that they have cracked open. I sweetly smiled at them saka tuluyang binuksan ang ref para kumuha ng canned beer. Ramdam ko na kaagad ang mapanuring tingin ni Vance sa akin. I know that pagsasabihan nya ako dahil ang una kong gagawin rito ay uminom but I don't really care. Naiirita ako. "Hey Camila," bati ni Abigail na halatang nabigla na naputol ang usapan nila. She smiled sweetly at me pero hindi naman nag niningning yung mga mata nya katulad kanina. "Hi!" bati ko pabalik. "Oh shoot! Did I disturb your conversation? Sorry!" I apologetically looked at them pero hindi ko maiwasan na tumalas ang tingin ko kay Vance. He playfully raised both of his brows to me. Lalo akong nainis. Hinanap ko sya because I was going to ask him na samahan ako because gusto ka sanang magpahangin sa labas pero hindi na lang because nauna na ang iritasyon ko. Mukhang nag e- enjoy naman silang magkausap rito. "Oh not really! I'm just telling Vance he should try to travel because it's fun," sagot ni Abigail. I feigned a shock na para bang kanina pa ako wala rito at hindi ko narinig ang usapan nilang dalawa. "Really? Vance really isn't fond of going out even back in the Philippines," sabi ko na para bang ang tagal tagal na naming wala sa Pilipinas. Abigail curiously pinned her attention to me. "What does he like doing then?" He likes being with me. Iyon ang unang sinigaw ng utak ko na isasagot ko but thank heavens that I realized what I was about to say so I momentarily shut my lips. But on the other hand, napa isip ako. Oo nga. What are the other things that he likes doing aside from working by day and still working at night. I realized, I don't know much about his interests. Halos araw araw kaming nagkikita kahit walang trabaho but everything that we do is my choice. It's always me and never him. He always asks for my opinion on what should we eat, where should we go, or what we would do but I never asked him about his stories. For a start, hindi rin naman kasi sya ma kwento. The only thing that he became really open with me is when I caught him na sya ang may ari ng ZONE17 and he told me everything. "I like doing anything with Camila and my cat Whiskey," sagot ni Vance kay Abigail na ako ang tinanong. Imbis na sumagot ay natahimik ako't agad na napa tingin sa kanya. Vance smiled at me. Hindi ko naman inaasahan na ganun ang isasagot nya. I know him at pag sinabi nyang ganun nga, he really means it. Uminit ang puso ko sa sinabi nya samantalang nawala ang ngiti sa labi ni Abigail but she kept her cool. It's almost like she had a sudden realization pero agad rin naman syang naka- bawi. "That's nice... Uhm, excuse me guys. I forgot I still have to do something," paalam ni Abigail bigla at madaling naglakad paalis. I dranked the canned beer and I love how the cold beer soothes my tongue with the right sweetness that I couldn't almost taste the bitterness. "Umiinom ka na naman," kumento nya. Instead of stopping, I emptied the whole can pero hindi na ako kumuha ng isa pa. Okay na yun para antukin ako. Vance saved me because of his answer to the question pero hindi pa rin nawawala ang nag ngingitngit na inis sa akin. "Isa lang naman. Hindi naman ako malalasing ng isang can." "Bakit ang iritado mo na naman sa akin?" tanong nya pero mukhang natutuwa pa. Nag kibit balikat ako. "Ewan. Tanong mo kay Abigail tutal close naman kayo." Nag angat ako ng tingin sa kanya at ayan na naman yung mapanloko nyang ngiti. "She's just being nice, Camila." I mocked face at him. "Yeah. She's nice kaya sumama ka na lang sa kanya because she'll tour you diba?" "Hindi ako sasama," mahinahon nyang sabi. "Dapat lang kasi kung talagang sasama ka sa last day kay Abigail, kakalbuhin kita." "I promised you na sasamahan kita sa Tita Nova mo di ba? I'd rather drive you to you aunt's city than be in a place that I am not interested to visit to begin with. At wala ka roon kaya ayaw ko." Nagpa ikot ikot ako sa higaan ko. Anong oras na pero hindi pa rin talaga ako maka tulog. My body clock is so messed up. Wala pa naman kaming isang araw rito at natural lang na mahirapan ako but I am afraid na pag hindi ako natulog ngayon baka wala akong energy para bukas. Gusto ko rin namang mag enjoy kasama ang team bukas. Sure I could go here anytime that I want at kung gugustuhin ko pero iba pa rin talaga pag may kasama. I just know that they'll make this trip more fun. Surrendering, I got up of my bed at lumabas ng kwarto. Hindi na nga ako maka tulog, nauuhaw pa ako. Tahimik na and it's already lights off although hindi ko sigurado if all of them are sleeping na or they're just like me na hindi makatulog. "Bakit gising ka pa?" tanong ni Vance na naka upo sa living room. Tumatama ss mukha nya amg ilaw ng naka bukas na laptop sa harap nya. We're on a vacation pero he's still working kahit nandito na kami sa ibang bansa. "Eh bakit ikaw nag ta- trabaho pa? Seriously Vance. Just stop working kahit ngayon lang. Just enjoy," sabi ko sa kanya saka nilagpasan sya. Dumiretso ako ng kusina para uminom ng tubig at kinuha ko na rin sya. Naka focus lang sya sa harap ng laptop nya, hindi man lang nag angat ng tingin sa akin. Naka titig lang sya sa isang pdf file na binabasa nya. I thought of and idea and it sounds evil pero wala na akong paki- alam kaya bigla kong ibinaba ang screen ng walang paalam. Vance sighed at tinanggal ang salamin sa mata nya para hilutin ang bridge ng ilong nya. "Please magpahinga ka naman." Inunanhan ko na sya bago pa man sya makapag reklamo. Tinabihan ko sya sa sofa at sumandal. Dahil sarado na ang lahat ng ilaw pati ang laptop nya, I can hardly see anything pero ramdam na ramdam ko ang presence ni Vance sa tabi ko. "Pahinga muna ako," pagod ang boses na sabi nya. Slowly, Vance rested his head on my shoulder. I just stilled on my position at hinayaan lang sya na isiksik na ang mukha nya sa leeg ko habang iniinda ang kiliti na dulot ng bawat pag hinga nya. It feels so right. I feels so nice na nandito sya sa tabi ko at ako ang kinakapitan nya ngayong gusto nyang mag pahinga. Sana lang hindi nya marinig yung lakas ng t***k ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD