Sanctuary Nabulabog ang tulog ko mula sa nakakabinging ingay ng phone. Walang tigil ang pagtunog at pagvibrate nito. Thirty missed calls. Fifty unread messages. Napahilot ako sa sentido ko. Ang bigat pa rin ng katawan ko kahit nakatulog na ako nang mahaba. Pakiramdam ko ay binagsakan ako ng kung anong bato kagabi. Paglingon ko, maliwanag na ang paligid. Hapon na pala. Nakatagos ang araw sa manipis na kurtina ng kwarto, masyadong maliwanag para sa mga mata kong kagigising lang. Halos sumakit lalo ang ulo ko sa dami. Ang mga pangalan na nakasulat sa screen: Reese. Dani. Marco. Unang binuksan ko ang mga kay Dani. Lauren! Bakit hindi ka sumasagot? Kanina pa ako tawag ng tawag, sobra na akong nag-aalala. Please let me know if you’re okay. Pupuntahan na sana kita pero may klase pa ako,

