Mending Nagising ako na may mabigat ang nakapatong sa may tiyan at mga hita ko. Pagmulat ng aking mga mata ay bumungad sa akin ang mahimbing na natutulog na si Reese. Nakadantay sa aking ang kanyang braso at isang hita. Tumingin ako sa kama ni Dani at nakitang katabi niyang natutulog din si Adi. Maliit na nasisinagan ng lamp shade ang kaming mga mukha. Payapang natutulog na parang walang pinoproblema. Napangiti ako nang maalala kung paano nila ako inalagaan buong gabi. At hindi pala talaga sila umalis. May init na gumapang sa dibdib ko, hindi dahil sa lagnat, kundi dahil sa presensiya nila. Sa gitna ng lahat ng sugat na tinamo ko nitong mga nakaraang araw, narito sila, nakadikit, hindi bumitaw. Minsan pala, sapat na ang simpleng bagay: isang braso na nakapatong para maramdaman mong hi

