Worthy Unknown Number: We need to talk. Hindi ko na kailangang alamin kung kanino nanggaling ang text na ito. Isang tao lang ang alam ko. Ivan. So it’s true. Nandito na nga siya. At ang pagsalubong ko pa ay hindi kaaya aya. Narinig kong tumunog na ang elevator. Pero dahil lutang ang aking isip ay hindi ako gumalaw. Lumabas na ang iba ko pang kasabay pero ako ay nanatiling nakatayo na parang estatwa habang titig na titig sa screen ng phone ko. Ilang segundo pa at nagsara na muli ang elevator. Doon lang ako nabuhayan ng loob, para bang nagising sa bangungot. Mabilis kong pinindot muli ang button, halos nanginginig ang daliri ko, at lumabas. Todo ang pagsisisi ko nang lumabas ako ng elevator. Hindi dapat ako lumabas dahil nagtama ang tingin namin ni Ivan sa lobby ng building na ito.

