Kabanata XVI

3862 Words
Interruption Hindi pa man ako dumidilat, ramdam ko na ang kakaibang gaan sa dibdib ko. Wala 'yung usual na bigat na parating sumasama sa akin tuwing umaga. Parang ang tagal ko na ring hindi gumising na ganito kagaan. Nang imulat ko ang mga mata ko, pamilyar agad ang liwanag na pumapasok mula sa bintana ng dorm. May konting liwanag pa rin sa sulok ng mata ko—hindi dahil sa luha, kundi dahil sa liwanag ng panibagong araw na tila mas mapayapa kaysa kahapon. Napatingin ako sa sketchpad sa tabi ng kama. Nakabukas pa rin ito sa pahina kung saan ko iginuhit ang dalawang taong magkatabing nakaupo sa isang bench. Sila 'yung nasa short film kagabi, pero para rin sa akin at kay Daniel. May maliit na ngiti sa labi ko habang iniisip ko ang eksenang 'yun. "Minsan, sapat na munang hindi mag-isa." Paulit-ulit 'yang pumapasok sa isip ko mula kagabi. Nakakapanibago. Naalala ko kung paanong binuksan ni Daniel ang pinto ng café para sa akin, kung paano siya halos walang imik pero palaging naroon. Hindi niya kailangan magsalita ng marami. Nandoon lang siya—steady, tahimik, at ramdam kong ligtas. Sa gitna ng lahat ng gulo sa paligid ko, siya 'yung tahimik na pahinga. Bumangon ako at nagtimpla ng kape. Habang iniikot ko ang kutsarita sa loob ng mug, napatingin ako sa lababo. Naroon pa rin ang Tupperware na kinainan ko noong isang araw—'yung dinalhan ako ni Ivan ng leftover na roasted salmon, white rice at lemon tart na niluto niya. Biglang sumagi sa isip ko 'yun. Isang munting sulyap lang sa alaala. Hindi siya ang laman ng buong isip ko ngayon, pero hindi rin siya tuluyang nawawala. Kahit papaano, nandun pa rin siya. Parang isang mahinang ingay sa background ng katahimikan. Inabot ko ang cellphone ko. Wala namang message mula sa kanya. Expected ko na rin, pero kahit papaano, umaasa pa rin ako. Kahit isang 'Hi' o 'Hello'. O kaya pagkamusta muli sa lasa ng niluto niya. Pero wala talaga. Napabuntong-hininga ako at sinubukang itutok ang sarili sa ibang bagay. Isang hakbang palayo. Isa pa. Hindi ko pa man siya kayang kalimutan, pero kaya ko nang hindi siya isipin sa bawat segundo. Maya-maya pa'y bumukas ang pinto ng kwarto. Si Dani. Nakataas ang kilay niya habang nilapitan ako. "So? Kumusta?" tanong niya na may kasamang ngisi. Hindi pa man siya nakakahilamos ay iyon agad ang bungad niya. "Okay naman. Masarap 'yung pagkain doon," sagot ko sabay lagok ng mainit na kape. "'Yun lang?" Napatingin ako sa kanya. "Maganda rin 'yung pelikula." Ngumiti siya. "Hmm. Ang saya mo ngayon ha. Hindi mo lang halata." Umiling na lang ako pero hindi ko na itinanggi. Kahit ako, ramdam ko 'yun. Para bang may maliit na apoy na muling nabuhay sa loob ko—hindi apoy ng pag-ibig, kundi apoy ng pag-asa. Hindi ko alam kung saan ito patutungo, pero sa ngayon, sapat na ang pakiramdam na hindi ako nag-iisa. Sa wakas, kahit sandali, parang may pumiling manatili sa tabi ko. Ilang oras pa at nag-ayos na ako ng gamit. Weekend ngayon at uuwi ako. Hindi ko alam kung excited ba ako o hindi. Gusto ko na makita si Mama. Pero sanay na rin akong nasa dorm. Payapa ang paligid. Walang tensyon. Nang makarating ako sa bahay, dala ang backpack at isang supot ng pasalubong na binili ko sa terminal, diretso agad ako sa pinto. In-unlock ko ito gamit ang spare key ko. "Ma? Nandito na po ako," tawag ko. Walang ingay sa loob ng sala nang bumungad ito. Pumasok ako sa loob, iniwan ang bag sa gilid. Bago pa ako makapagsalita ulit, may narinig akong tunog ng baso mula sa sala. Napalingon ako doon—at napatigil. Isang lalaki. Nakaupo sa sofa. May hawak na baso ng tubig. Nakangiti. Hindi ko siya kilala. Natigilan ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung magsasalita ba ako o hindi. Sa isang iglap, parang bumigat ang paligid. Hindi dahil sa galit—pero dahil sa pagkabigla. Sino siya? Bakit nandito siya? Maya-maya, lumabas si Mama mula sa kwarto. Kitang-kita sa mukha niya ang gulat. Hindi niya siguro inasahan na darating ako ngayon. "Anak... akala ko bukas ka pa uuwi," mabilis niyang sabi. Napakapit ako sa bag strap ko. Tumingin ako sa kanya. "Sabi ko po, ngayong weekend ako uuwi." Hindi ko sinabi nang may galit. Pero ramdam ang diin. Ramdam ang tanong sa boses ko. Nagkatinginan kami ng lalaki. May suot siyang polo shirt na mukhang simple pero mamahalin ang tahi, ang relo niya'y makintab at understated, at kahit pa tila kaswal ang postura niya, may kung anong tikas sa kilos na hindi basta-basta. Nakangiti pa rin siya, pero halatang awkward na rin. Sa loob ko, ang daming tanong. Pero hindi ko alam kung alin ang uunahin. Hindi ako galit. Hindi ako nasasaktan. Pero nabigla ako. Parang may yumanig na naman sa mundo ko. Hindi ko pa man naaayos ang sarili ko, heto na naman. At si Mama. Nakatayo sa pagitan naming dalawa. Parang may gustong ipaliwanag. Pero wala pa siyang nasasabi. Ang gusto ko lang sabihin: "Sana sinabi mo po." Pero tahimik na lang muna ako. Kasi alam kong may darating na paliwanag. At kailangan kong makinig. Kahit hindi ako handa. Pinalagay muna ni Mama ang mga gamit ko sa loob ng aking kawrto. Ang dala kong pasalubong ay nilagay niya sa kusina at wari ko ay naghahanda ng pang meryenda. Nakaupo ako sa sofa, katapat ang lalaking hindi ko kilala. Pinagmamasdan ko siya na parang sinasaulo ang bawat detayle ng kanyang mukha at katawan. Hindi ko maiwasang itanong sa aking sarili: Mabait ba siya? Mabuting tao? Nananakit ba siya ng babae? Pero sa pinapakita niyang anyo sa akin ngayon—ang maaliwalas na ngiti, ang mahinahong kilos, at ang presensyang tila walang bahid ng yabang—parang hindi naman. May tindig siyang parang may sinasandigang kumpiyansa sa sarili, pero hindi iyon nakakainis. Para bang sanay siya sa magandang buhay, pero hindi niya kailangang ipagyabang. "I'm Wilbert. Manliligaw ng mama mo." Tumayo siya, banayad ang kilos na parang walang minamadali, at iniabot ang kamay sa akin. Suot niya ang isang light blue na polo na halatang mahal ang tela—hindi halata sa unang tingin, pero kapansin-pansin kung titingnan mo nang mabuti. Malinis ang tabas, maayos ang tiklop, at ang relo niyang classic leather strap ay mukhang galing sa matagal nang brand na hindi basta-basta makikita sa mall. Parang galing siya sa isang buhay na walang kapos, pero hindi niya kailanman ipinamumukha. Nangiti siya sa akin, hindi pilit, hindi rin sobra. Sapat lang para ipakita na bukas siya sa bagong umpisa. Tiningnan ko si Mama na abala pa rin sa paghahanda ng meryenda. Nagtitimpla siya ng juice sa isang malaking pitsel habang inilalatag na rin ang mga plato at baso sa mesa. May binili siyang ensaymada, puto, at kutsinta mula sa panaderia sa kanto—mga paborito ko noong bata pa ako. Tahimik lang siyang kumikilos, pero ramdam ko ang bahagyang kaba sa mga galaw niya. Parang iniiwasang tumingin sa direksyon ko. Halos marinig ko ang mahinang tunog ng kutsara sa loob ng pitsel habang hinahalo niya ang juice, na para bang sinasadyang pahabain ang preparasyon. Ang dami kong gustong itanong, pero sa ngayon, pinili ko na lang muna siyang pagmasdan—inaalalang muli kung paanong siya rin ay nag-aadjust sa bagong yugto na ito ng buhay naming dalawa. Bumaling ako sa lalaking sinabing Wilbert ang kanyang pangalan. Tinanggap ko ang kanyang kamay at mahinang inalog. "Lauren po," sagot ko. Nang bitawan ko ang kamay niya ay umupo na siyang muli. "Oh, I know. You're mom told me a lot about you." Tapos ngumiti na naman. English. Hmm. Mula sa accent niya, maririnig mong edukadong tao. Pero hindi naman batayan ang pagsasalita ng Ingles para masabing may pinag-aralan ang isang tao. Ngunit bago pa man ako makapagsalita muli, biglang may dumating na tawag sa cellphone ko. Naka-display ang isang pangalang hindi ko inaasahan. Ivan. Napako ang tingin ko sa screen. Tumunog ulit. Nanatili akong tahimik. Binalingan ako ni Mama, bahagyang nagtaka sa ekspresyon ko. Si Wilbert naman, tahimik lang na pinagmamasdan ang reaksyon ko, tila nagbabasa rin ng kwento sa pagitan ng kilos ko. Sa loob ng ilang segundo, tila nagbalik lahat ng pinipilit kong iwan kanina. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba. Kaya ang tanong: Handang makinig, o handang magpatuloy? Tumayo ako mula sa sofa habang hawak ang aking cellphone. "Excuse me lang po." Dumiretso muna ako sa aking kwarto, dala ang mabigat na mga hakbang habang tahimik kong isinara ang pinto. Umupo ako sa gilid ng kama, sinapo ang noo, at saka ko lang binuksan ang cellphone para sagutin ang tawag. "Hello?" Nagaalinlangan pa ako sa pagsasalita ngunit nang marinig ko ang buntong hininga niya ay parang nawala lahat ng mabigat kong dinarama. "Dani told me na umuwi ka. Are you with your mother?" Tanong niya mula sa kabilang linya. "Oo. Bakit?" sagot ko, pilit itinatago ang kaba sa boses ko. May bahid ng kaba sa tanong ko—hindi dahil sa takot kundi dahil ito ang unang pagkakataon na tawagan niya ako mula sa numero ko. First phone call. "Wala naman. Mom wants me to invite you and Tita Lara for lunch. If you don't have any prior appointment for tomorrow." Sa bahay nila? Lunch? Kasama ni Mama at ng buong pamilya niya? "Lunch?" Paguulit ko. Nagbabaka sakaling baka mali lang ang narinig ko. "Yes, lunch. Mom wants to see you. Bigla ka lang niya naalala when she looked at the mural you made on our garden." Narinig ko ang bahagyang pagtawa niya-- 'yung tawang natutuwa talaga. Should I go? Nandoon din ba si Briella? Naisip ko lang bigla. Bakit ako ang iniimbitahan ni Tita Isadora-- hindi ang girlfriend ng anak niya? "I'll let Mama know. Text kita mamaya kapag pumayag siya. May bisita lang kami ngayon." Sagot ko dahil hindi rin ako sigurado. "Oh, nandyan din ba si Tita Lyra at Tita Lecia? Maybe they could come too." Seriously? "No, they're not here." Kinagat ko ang aking labi. "Ibang bisita." At lalaki pa. Syempre hindi ko sasabihin kung sino. I respect my mother's privacy at gusto ko sa kanyan mismo manggaling kung handa na siya. "Alright. I'll wait for your text then." "Okay." "Hmm, yeah." He hummed. Parang musika sa tenga ko. Hindi 'yung tipong malakas at bumabayo sa dibdib, kundi 'yung banayad, parang kundiman na may himig ng pag-aaruga at katahimikan. Para bang bawat salitang binibitawan niya ay sinusuyong himig na dumadampi sa akin, pinapawi ang panandaliang alalahanin ko. "Ah... pwede mo nang ibaba... kung wala ka nang ibang sasabihin." Sabi ko sa kanya. Napahigpit ang hawak ko sa unan habang inilulubog ko ang mukha ko rito, tinatago ang sarili kong kahihiyan. Bakit ko ba nasabi 'yon? Para tuloy gusto ko nang biglaang i-end yung tawag. He chuckled again. "Wala ka bang ibang sasabihin?" Hindi niya rin gustong matapos ang tawag! Hindi na masidalan ng galak ang puso ko sa sariling rebelasyon. Parang iyon ang pinapahiwatig niya o iyon lang ang gusto kong paniwalaan. Gayunpaman, nagisip ako ng mga pwede ko pang sabihin. Maliban sa nararamdaman ko sa kanya. Hindi pa ako handang umamin. Naalala ko yung Tupperware sa dorm. "Salamat nga pala sa pagkain. Yung leftover na pinadala mo pa kay Daniel." "That was really meant for you. Sawa na si Adi sa mga inuuwi kong pagkain galing sa practice. Nagustuhan mo ba?" Kanina lang ay naghihintay ako ng text mula sa kanya. Kahit tungkol sa pagkain na ito. At ngayon na tumawag siya at tinanong pa niya, halos mapunit na ang bibig ko kakangiti. Adi, that is Adelina. His youngest sister. Ang bunso kanilang magkakapatid. "Oo naman. Bukod sa komento ko noong isang araw nang una ko itong matikman, masarap talaga siya. Para bang lumikha ka ng isang kwento." Gusto ko pa sanang dagdagan ang sasabihin pero narinig ko ang katok ni Mama sa pinto. Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi dahil nagkakaroon ng hadlang ang paguusap namin ngayon. Hindi ko alam kung kailan ito mauulit. "Anak, meryenda." Malumanay ang boses ni Mama ngunit nahihinuha ko pa rin ang kabang kasama doon. Napakamot ako sa aking sintido. "I need to go. Tinatawag na kasi ako ni Mama," sabi ko, pilit na ngumiti kahit na halata ang lungkot sa aking boses. "Lauren..." Tawag niya muli, mas mahina, parang ayaw pa rin akong paalisin. Lumingon ako, saglit. "Hmm?" "Talk to me again soon." Sabi niya. "Kahit ano... kahit konting imik lang." Napangiti ako. "Oo naman. Sige na, ibaba ko na ito." Narinig kong napabuntong hininga siya. "Sige. Bye." "Bye." Ako na ang pumutol ng tawag at agad lumabas ng kwarto dahil kanina pa ako hinihintay ni Mama. Paglabas ko ay naabutan ko silang hiwalay na nakaupo sa mahabang sofa, magkabilang sulok pa. Parehong nakatingin sa akin na parang kanina pa akong hinihintay. Ako na ang pumutol ng tawag at agad lumabas ng kwarto dahil kanina pa ako hinihintay ni Mama. Paglabas ko ay naabutan ko silang hiwalay na nakaupo sa mahabang sofa, magkabilang sulok pa. Parehong nakatingin sa akin na parang kanina pa akong hinihintay. Mas relaxed na ang atmosphere sa paligid. Parang napalitan na ng mas tahimik at reflective mood. "Anak," tawag ni Mama habang papalapit ako sa kanila. "Halika dito. Upo ka muna, kakain tayo." Nasa maliit naming lamesa ang orange juice na tinimpla niya sa kusina na nakalagay sa malaking pitsel. Ang ensaymada, kutsinta at puto ay nakalagay sa magkakahiwalay na platito. Ang pinatigas na condensed milk naman ang nakalagay sa maliit na bowl para maging sauce ng mga tinapay. Umupo ako sa tapat nilang single sofa. Maingat ang galaw at tila nagmamasid sa aking ina at kay Tito Wilbert. "I bought these..." pagtukoy niya sa mga pagkain sa harap. "Sinabi sa akin ni Lara paborito mo ang mga ito. Mabuti pala at umuwi ka. You will be able to eat this today." "Salamat po." Hindi ko tatanggihan ang kutsinta. Medyo nagulat pa nga ako dahil nilagyan niya ang isang platito ng tatlong kutsinta at pinahiran ang ibabaw ng maraming condensed milk. Just how I like to eat it. Inabot niya iyon sa akin nang may ngiti sa labi. "Here," sambit niya. Mabagal kong inabot ang platito mula sa kanyang kamay. Hindi naman nakatakas sa akin ang pasulyap na tingin ni Mama kay Tito Wilbert at ang malawak nitong ngiti sa labi. Nang makita ko iyon ay may kung anong humaplos sa aking dibdib na mainit. That was the first time I've seen her smile that big for a long time. "Thank you po, Tito..." Pagkatapos ay siya na rin ang nagsalin ng orange juice sa maliit na baso at tinabi niya iyon sa platitong may kutsinta sa aking harap. "Wilbert na lang," aniya, sabay kindat. "Tito makes me sound too old." Napatawa ako nang kaunti, kahit papaano. May laman ang tinig niya—yung klase ng biro na hindi pilit, at hindi rin nakaka-ilang. May pagkagaan sa kilos niya, gaya ng isang taong sanay makihalubilo pero hindi mapanghimasok. "Okay po... Wilbert," sagot ko, medyo nangingiti pa rin habang sinubo ang isang piraso ng kutsinta. Tamang-tama ang lambot. Sobrang pamilyar sa panlasa, lalo na sa tamis ng condensed milk na halos bumalot sa bibig ko. Naalala ko tuloy si Mama—ganito rin kami noon. Kumakain sa terrace tuwing hapon habang pinapanood ang mga dumadaang tricycle. "Nagustuhan mo ba?" tanong niya, medyo may pag-asang tono sa boses. Tumango ako. "Opo. Paborito ko po talaga 'to." "Sabi nga ni Lara. Kaya pinahanap ko talaga 'yan sa palengke kanina. Buti na lang may isa pang matiyagang tindera sa kanto." Napalingon ako kay Mama. Namula ito nang kaunti, pero hindi inalis ang ngiti sa kanyang labi. "Matagal ka nang paborito ng mama mo," dagdag pa ni Wilbert, kaya't napairap ako nang bahagya—hindi dahil naiinis, kundi dahil parang ang dali niyang makisakay sa dynamic namin ni Mama. "Ikaw naman, Wilbert," sabat ni Mama, medyo natatawa. "Baka akalain ng bata pinagyayabang kita." "Eh proud ako, e. Ibang klase ka kaya." Napailing ako, pero sa loob-loob ko'y may unti-unting bumubuo ng init sa puso ko. Iba nga 'yung presensya ni Wilbert. Hindi siya pakitang-tao, pero mararamdaman mong pinaghihirapan niyang maging bahagi. Hindi pilit. Hindi rin masyadong pa-cool. Nasa tamang timpla lang. Tahimik akong uminom ng orange juice. Sa gilid ng paningin ko, nakita kong iniabot ni Wilbert ang kamay kay Mama, marahan lang, at saglit lang ding hinawakan iyon ni Mama habang natatawa. Sapat na iyon para malaman kong hindi siya lang basta-basta nandito. Muli kong tiningnan ang platitong may kutsinta. Maraming beses kong tinangkang ayusin ang buhay naming mag-ina. Laging kami lang. Laging kulang. Laging may isinusuko para lang may makain kami bukas. Pero ngayong may isang tao rito—isang taong kusang naglalagay ng condensed milk sa kutsinta ko at nagkukuwento ng mga wala namang kailangang patunayan—parang sandali kong pinaniwalaan na baka, baka nga hindi na laging kailangang kami lang dalawa ni Mama. "Lauren," sabay na tawag nila Mama at Wilbert. Nag-angat ako ng tingin, pareho silang nakatingin sa akin. "Okay ka lang ba?" tanong ni Mama. "Parang ang lalim ng iniisip mo," dagdag ni Wilbert, sabay kuha ng isa ring kutsinta at nilagyan ng condensed milk. Napangiti ako. "Okay lang po. Masarap po talaga ang kutsinta. Na-miss ko rin 'tong moment na ganito." Nagkatitigan si Mama at Wilbert. Tahimik. Pero alam kong may sinasabi ang katahimikan nila. And somehow, for the first time in a while, I didn't feel the need to run away from it. "Paano po pala kayo nagkakilala ni Mama?" Tanong ko kay Tito Wilber. Kahit sinabi niyang Wilbert lang ang itawag ko, hindi ko pa rin mapigilan. I want to respect him just how I respect Mama. Napatingin siya kay Mama at ngumiti bago muling bumaling sa akin. "We met at work." "Po? Pero sa hospital po nagtatrabaho si Mama." Sabi ko, medyo naguguluhan. Paano sila nagkakilala sa trabaho? "I'm one of the doctors in the hospital your mom is currently working at. Mostly on call lalo na kapag may surgery," paliwanag niya, kalmado ang tinig, parang sanay nang sagutin ang mga tanong na may kasamang pagtataka. Napakunot ang noo ko. "Ah, ganun po ba?" Nilingon ko si Mama. "Akala ko po kasi sa admin lang po kayo lagi. Di n'yo naman nabanggit." "Hindi ko na rin naisip na ikuwento," sagot ni Mama, sabay iwas ng tingin. May bahagyang pamumula sa pisngi niya, na parang biglang nahuli sa sariling sikreto. "Madalas lang naman kaming magkausap ni Wilbert kapag may kailangan sa records, or kapag may tanong tungkol sa pasyente." "Your mom's very organized," dagdag ni Wilbert, sabay tingin kay Mama na may halong paghanga. "She saved me a couple of times when I couldn't find the right charts. Kung hindi dahil sa kanya, baka may napagalitan na 'kong resident noon." "Grabe ka naman," sabi ni Mama, medyo natatawa na rin. "Masyado mong nilalagay sa pedestal ang simpleng trabaho ko." "Hindi siya simpleng trabaho, Lara," sagot ni Wilbert, seryoso na ang tono. "Mahalaga ang ginagawa mo. And it's not just about the charts. It's how you talk to people, how you calm down patients, how you make the workplace lighter. Lahat 'yon, mahalaga." Tahimik ako habang pinagmamasdan silang dalawa. Hindi ko alam kung dapat ba akong masorpresa, maaliw, o... maiyak. Kilala ko si Mama bilang isang taong kayang dalhin ang bigat mag-isa. Palaging siya ang nagbibigay. Palaging siya ang nag-aalaga. Pero ngayon, sa mga simpleng sulyap at pagngiti nila sa isa't isa, naramdaman kong may isang taong handang sumalo sa kanya. "Matagal na po ba kayong... magkakilala?" tanong ko, maingat. "Mga isang taon na siguro," sagot ni Mama, habang tinititigan ang basong may natitirang orange juice. "Pero nitong mga nakaraang buwan lang kami naging malapit." "Hindi ko naman siya pinilit," biro ni Wilbert. "Pero consistent ako sa paghatid ng kape sa station tuwing duty ko." "Puwede ba 'yon, may suhol agad?" sabay irap ni Mama, pero hindi maitago ang kilig sa boses niya. Napangiti ako. Bago pa man ako makaisip ng susunod na tanong, bigla akong napalunok. I felt something warm bubbling up inside—hindi ko sigurado kung tuwa ba ito o panibagong lungkot na hindi ko pa kayang pangalanan. Hindi ako sanay makita si Mama na ganito. Hindi ako sanay na may ibang taong nagbibigay ng atensyon sa kanya bukod sa akin. Pero hindi ko rin maikakaila... masaya siyang kasama si Wilbert. At kung totoo ngang mahalaga siya rito, baka ngayon lang ulit siya nakakaramdam ng ganitong uri ng pag-aalaga. Hindi rin nagtagal si Tito Wilbert. Nang mapansing papalubog na ang araw at nagsisimula nang dumilim sa labas, tumayo na siya mula sa kinauupuan niya at kinuha ang coat na nakapatong sa likod ng upuan. "I have a scheduled surgery at seven," aniya, habang inaayos ang relo sa pulso. "Didiretso na rin ako sa ospital para mag-briefing." Tumango si Mama. "Ingat ka sa pagda-drive. Text mo lang ako kapag nakarating ka na, ha?" "Oo naman," sagot ni Tito Wilbert sabay tingin sa akin. "Lauren, salamat ha. Sa pakikisalo." Napangiti ako. "Ako po dapat magpasalamat. Sa kutsinta at orange juice." Napatawa siya bago bahagyang yumuko bilang paalam. "See you both soon." Nang tuluyan na siyang makalabas ng bahay, kasabay ng dahan-dahang pagbagsak ng pinto, saka ko lang naramdaman ang lalim ng katahimikan na naiwan niya sa sala. Tahimik akong bumaling kay Mama, na ngayo'y abalang nililigpit ang platitong pinagkainan namin. Ngunit bago pa siya makalayo, tinawag ko siya. "Ma." Napalingon siya. "Hmm?" "Magtatanong lang sana ako." Umupo ako muli sa sofa habang siya nama'y muling bumalik sa tabi ko. "Bakit hindi mo agad sinabi?" tanong ko, banayad ang tinig. "About Tito Wilbert." Sandaling natigilan si Mama. Parang pinakiramdaman muna niya kung ano ang tono ng tinig ko—kung may tampo, o galit, o alinlangan. Pero ang nakita niya lang sa mukha ko ay isang mahinahong ngiti. "Hindi ko alam kung kailan ko sasabihin," sagot niya, halos pabulong. "Baka kasi isipin mo... na pinapalitan ko ang Papa mo." Umiling ako, marahan. "Hindi ko iniisip 'yon, Ma. Hindi ko rin 'yon iisipin kailanman." Napayuko siya, parang hindi alam kung paano tatanggapin ang sinabi ko. "Sa totoo lang," patuloy ko, "nagulat lang ako. Pero... natutuwa rin ako. Kasi nakita ko ulit 'yung ngiti mo. Yung totoo." Natahimik si Mama. Tumulo ang isang luha sa gilid ng mata niya at agad niya itong pinunasan. "You've always been strong for me," sabi ko. "Ang daming taon na ikaw lang mag-isa. Sa lahat ng pinagdaanan natin... you deserve to be happy too." "Hija..." bulong niya, mahigpit ang hawak sa kamay ko. "Kung siya 'yung nagpapagaan sa puso mo, kung siya 'yung kasama mong tumatawa, eh 'di... okay ako ro'n. Hindi naman ako bata para hindi makaintindi." Huminga siya nang malalim at yumakap sa akin, mahigpit at puno ng emosyon. "Salamat, anak," bulong niya sa leeg ko. Ngayon ko lang siya naramdaman na ganito—tunay na malaya, kahit saglit lang. At kung may karapatan siyang mahalin ulit, gusto kong ako mismo ang unang umunawa. Kasi hindi lang ako ang nasaktan noon. Si Mama rin. At kung may bago mang kabanata sa buhay niya, sisiguraduhin kong kasama niya ako sa bawat pahina nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD