Girls Sa bagong taon na dumating, naging mas malapit ako kina Dani, Reese at Adelina. Palagi kaming magkakasama lalo na kapag walang ibang gagawin. Bibisita si Adelina sa aming campus pagtapos ng klase niya at magpapaiwan sa driver dahil sa dorm namin tutulog. Naging routine niya iyon sa buong taong ito. Hanggang sa nasanay na rin kami ni Dani. Si Reese naman ay nagpagawa ng sarili niyang duplicate key ng dorm kaya kahit dis oras ng gabi ay nakakapasok siya sa loob. Wala na rin nagawa ang landlady dahil nagbayad din kuno siya ng renta. Napapailing na lamang ako habang naaalala ko. “Dani! Pahiram ng panty!” Sigaw ni Reese mula sa kwarto. Narito kami sa kitchen at nagkakape. Nang bigla na lamang pumasok si Reese na basang basa ng ulan. Halos mabuga ko ang iniinom ko nang lumitaw siya sa

