Rose Nagising ako hindi dahil sa sikat ng araw na tumatama sa balat ko, kundi sa busina ng sasakyan sa baba. Mapupungay pa ang mata ko nang silipin ko mula sa bintana kung ano iyon. Isang carrier truck ang pumasok sa aming driveway. Naroon na rin si Mama sa baba habang naka-mahabang roba pa ito. Siya ang tumanggap ng isang kahon at isang malaking bungkos ng mga pulang rosas—na halos matabunan na siya sa laki nito. Dali-dali akong naghilamos at sinuot ang aking roba. Halos takbuhin ko na ang haba ng hallway at grand staircase para lang maabutan si Mama. Nang makababa ako ng hagdan ay saglit akong natigilan. Nakita ko si Mama na nakangiti kahit hirap na itong magbuhat ng laking bungkos ng bulaklak na iyon. Naroon na rin si Lolo at pati ang aking mga tiyahin sa lobby at naghihintay. “Why

