Expect Sinundan ko lang ang receptionist papunta sa dulong parte ng restaurant. Isang table sa tabi ng malaking bintana ang inilaan para sa akin—hindi masyadong malapit sa ibang customers, pero sapat ang liwanag para makita ko ang paligid at maramdaman ang buhay ng lugar. Ang view ng city lights sa labas ay parang paunang paalala na espesyal ang gabi na ito. Naupo ako, inilagay ang bag sa tabi, at huminga nang malalim. Ilang sandali lang, naramdaman kong kumilos ang hangin mula sa kitchen—at sa isang iglap, lumabas ang waiter na may hawak na menu book. “Good evening, Miss Davino. The chef has been expecting you. I will be your waiter for tonight. May I take your order?” ngumiti siya, kasabay ng marahang pagbukas ng menu sa harap ko. Ang mga pahina ay puno ng masasarap na putahe—iba’t i

