Hope Kanina ko pa pinagmamasdan ang business card na binigay ni Marco. Who’s using these cards anyway? Yakap ko ang aking tuhod habang nakaupo sa sahig ng aking sala. Tumutulo pa ang buhok ko mula sa pagligo pero wala akong lakas para suklayin ito. Nakapatong lang sa coffee table ang card at kitang kita ko ang pangalan ng kumapanya na nabuo mismo sa pangalan niya. TMG Furniture & Designs. Akala ko hindi niya itutuloy ang ganitong industriya. Pagkatapos kasi ng graduation niya sa Architecture ay nagdiretso ito upang mag aral naman ng Petroleum Engineering, para pag aralan ang kumpanya ng kanilang pamilya. Pero heto na. Nandito na siya. At siya pa talaga ang lumapit para alukin ako ng trabaho. Habang abala ako sa pagiisip, biglang tumunog ang aking doorbell. Marahan akong tumayo. Sin

