Crossroads My first failed project served as my stepping ground in this industry. Hindi ko nga akalain na tatagal ako ng tatlong taon sa mga sigaw at insulto na naririnig ko mula sa mga senior designers ko. From failed outputs, different visions, at marami pang iba. Masasabi kong hinasa na ako ng panahon sa ganitong bagay. “Ang tagal tagal mo nang designer hindi mo pa rin makuha ang tamang gradient nito!” Nagsisimula na naman si Sir Ferrer. “Sir, hindi pa naman po ako tapos—” “At ito— ano ito? Bagay ba ito sa cafe? Ang tagal tagal mo nang gumagawa ng design para sa cafe!” Napadaan siya sa station ko kaya nasita niya agad ang ginagawa ko. Kung tutuusin ay hindi ko pa naman deadline at may oras pa ako para ayusin at mapolish ang lahat. Pero nakita na niya agad at sa mismong pwesto ko p

