Sketch
Unang gabi na hindi ko kasama si Mama. Habang papauwi ako sa dorm ay namumuo ang lungkot sa akin. Binabayay ang hagdan pataas ay binabalikan ko ang mga habilin niya sa akin.
"Mag-iingat ka palagi."
"Maglock ka ng pinto at bintana lalo na kung magisa ka sa loob."
"Huwag mong kalilimutang kumain."
Mama, hindi naman ako marunong magluto kundi ang pagpiprito ng itlog. At iyon nga ang plano ko dahil iyon lang naman ang pagkain ko.
Pagbukas ko ng pinto ay napatigil ako sa paghakbang. Ang nadatnan kong simple at plain na interior ng bahay ay nagkaroon ng buhay. May maliit na pink fluffy carpet sa aming sala na pabilog. Ang mantel ng aming lamesa ay naging kulay puti na napatungan ng bubog. May mga palamuting nakasabit sa aming kisame. Kahit ang pintuan ng banyo ay nagkaroon din ng sinage kung vacant o occupied, may pink na basahan din sa paanan.
Bumukas ang pintuan ng kwarto at lumabas roon ang isang babae. May hawak siyang cellphone na tila may kausap nang napatigil siya sa pagsasalita ng makita ako.
"I'll call you right back, kuya. Bye!"
Sumandal ako sa pinto nang marahan ko itong sinara. Ginawaran ang babae ng isang tipid na ngiti.
"Hi."
Lumawak lalo ang kanyang ngiti at bahagyang humakbang para ako ay lapitan. May tinirang konting espasyo sa sa aming dalawa na sapat lamang para makaharap ko siya ng maayos.
"Ooh! You must be Lauren? I'm your roommate!" Masigla niyang sambit.
"Oo. Ako nga..." Umabot ang aking kamay sa gitna bilang tanda ng pakikipagkilala.
Tinanggap naman niya ang aking kamay at masiglang niyugyog. "I'm Danica Joy, but you can call me Dani. Nice to meet you!"
She has this kind of energy that contradicts mine.
She's loud — not in a bad way — but in a present way. Full of life. While I move quietly, she walks like she owns the space. Extroverted in every little action, from the way she smiled at me to the way she arranged the fluffy pink rug na feeling ko hindi ko pwedeng tapakan.
Welcoming. Free.
Kung titingnan mo siya, parang bumabagay ang pangalan niya sa personalidad niya. Danica. Or Dani, as she introduced herself, with a voice na parang ini-invite ako sa isang adventure na hindi ko sinang-ayunan.
Her hair was long and loosely braided, but strands framed her face — like she had already done a dozen things today, and still had energy to do a dozen more. Her face was bright. Round, expressive eyes. A big, unfiltered smile. Sobrang puti ng ngipin niya, parang toothpaste commercial. She must be the kind of girl who flosses twice a day — and dreams in glitter.
And of course, the pink slippers. With cat ears.
Because of course she would wear that.
"Nice meeting you too, Dani." Bahagya kong pinisil ang kanyang kamay. "Pasensya na medyo ginabi ako. Dumaan pa ako sa Dean's office namin. Kung alam ko lang ay sana natulungan kita sa pagaayos ng bahay."
Muli kong nilibot ang aking mga mata sa buong silid. Nakakasiguro akong siya ang naglagay ng mga dekorasyon sa buong kwarto — imposible namang si landlady ang may pakana ng lahat ng ito.
Nagkaroon talaga ng buhay ang sala. Mula sa pink na pabilog na carpet, sa puting mantel ng lamesa na may bubog sa ibabaw, hanggang sa mga palamuting nakasabit sa kisame — parang hindi ito dorm, parang isang DIY vlog episode.
May maliit pang artificial plant na nakapatong sa shelf, may fairy lights na nakapulupot sa curtain rod, at may wall calendar na may doodles at motivational quotes in colorful pens.
Ang dating malamig at tahimik na espasyo ay naging masaya, parang may sariling hininga.
Ang daming kulay. Ang daming ingay — kahit tahimik ang paligid, parang maingay ang ambiance. Hindi ko alam kung matutuwa ako... o mabibigla.
Parang hindi ako kasali sa mundong nilikha niya rito. Pero parte na ako ng kwarto. Kaya kailangan ko ring matutong huminga sa loob nito.
"Ano ka ba... okay lang! Gusto ko talagang maabutan mong maganda ang loob ng bahay. Nakakahiya naman kasi kung makalat."
Makalat? Saan ang makalat dito?
"Come! Let's eat! Nagpadala pa ako sa bahay kasi hindi ako marunong magluto. Syempre, gusto ko namang masarap ang ipakain sa roommate ko sa unang gabi na makasama ko siya," sambit ni Dani habang nakangiti, sabay turo sa maliit na foldable table na ngayon ay may kainan nang nakahanda.
May dalawang styro na may ulam sa ibabaw: isang tray ng ginataang hipon at isa pang may beef caldereta. May kanin sa tabi, nakatambak na parang bundok. May dalawang softdrinks din, parehong malamig pa at may beads ng tubig sa gilid.
Bumungad din sa akin ang amoy ng bawang at sili — gutom na agad ang tiyan ko kahit hindi pa ako nauupo.
Nagkibit-balikat siya habang inaayos ang mga disposable utensils. "Sorry, medyo sosyal ang luto. Mama ko kasi ang nagpamigay n'yan. Pag ako kasi ang nagluto, baka itlog lang din. Or worse, sunog na itlog."
Natawa siya sa sarili niya.
Ako? Napangiti lang. Kasi pareho kami. Nagsama pa talaga kaming parehong hindi marunong magluto. So, paano na ang susunod na araw namin?
She was warm. Disarming. Parang may sariling orbit, at dahan-dahan na akong hinihila papasok sa gravity niya.
"Upo ka na, Lauren. Sabay na tayo."
Hindi ko alam kung dahil gutom ako o dahil hindi ko matanggihan ang energy niya, pero napaupo ako.
Napansin niya siguro ang pag-aalangan ko kaya ngumiti siya ulit. "Don't worry, hindi ako madaldal habang kumakain. Baka lang after."
I shook my head, smiling faintly. "Okay lang. Sanay na ako sa madaldal."
"Good!" Kumindat siya. "Mas madali kang mamahalin."
Wait—what?
She said it so casually, like she was talking about favorite snacks or weather.
Ako naman, natahimik. Hindi ko alam kung anong isasagot.
First night ko sa dorm. First dinner with a stranger. Pero bakit parang... hindi na siya ganun ka-estranghero?
Ako na ang nagligpit ng aming pinagkainan habang naroon siya sa may counter, nakaupo. Nakapatong ang siko niya sa marble top at chin-rest pose siya habang hinihintay akong matapos.
"I noticed na konti lang ang dala mong mga gamit. Ang dami pang space ng kabinet mo kumpara sa akin!" natawa siya habang sinilip ang cabinet doors na halos puno na ng gamit niya—may mga boxes pa sa ibabaw, may label na 'face masks & lip tints'.
"Uuwi kasi ako tuwing weekend para doon maglaba," sagot ko habang hinuhugasan ang huling kutsara. Tinatantya ko ang tamang pressure sa pagbanlaw para hindi matalsikan ang blouse ko.
"Oh really? I'm planning na magpabili na lang ng automatic washing machine. Para dito na lang tayo maglaba."
Nanlaki ang mata ko at napaharap sa kanya. "Mahal 'yon, ah."
"Eh 'di ipapahatid ko na lang sa driver namin. May lumang isa sa bahay, sira lang yung water pipe pero papaayos ko na."
Para akong sinampal ng reality check — iba talaga ang mundo niya. Ako? Umaasa sa pag-iipon ni Mama para makabili ng bagong plantsa.
"Okay lang naman ako sa kusot," ngiti kong pilit. "Gusto ko lang talaga umuwi para makasama na rin si Mama."
Bigla siyang natahimik.
She looked at me, eyes softening. "Ay... namimiss mo na siya, no?"
Tumango lang ako. Wala na akong ibang nasabi.
"She sounds like a cool mom," dagdag niya, mas mahina ang tono. "Ako kasi... si Mama, lagi nasa abroad. Nurse. Kaya halos si Kuya na yung tumayong parent ko dito."
Kuya?
"Kuya mo?"
"Yep," ngumiti siya ulit, pero hindi na kasing sigla kanina. "Si Kuya Daniel Revamonte, kausap ko siya kanina sa phone noong dumating ka. So we don't have to worry about food kasi pwede ko naman siyang pakiusapan."
"Si kuya mo? Huwag mong sabihin na siya ang magluluto para sa atin? Everyday?"
"He's a culinary student, it's a no problem! Practice na rin niya kapag naginternship siya."
Pumintig ang tainga ko nang marinig ko ang culinary. Ivan is also taking culinary courses at ang pagkakaalam ko ay graduating na siya. Could there be a possibility na magkakilala ang kuya ni Dani at si Ivan?
"I just want to ask... you mentioned kasi na culinary student ang kuya mo. What year is he na ba?" Piniga ko ang basang towel na ginamit ko para punasan ang buong lamesa.
"He's graduating this year," sagot niya.
So is Ivan.
"Dito din ba sya nag-aaral?" Tanong ko ulit.
"Yes, of course," sagot ni Dani, casual lang, walang kaide-ideya kung gaano kabigat ang epekto ng sagot niya sa akin. "Itong university lang naman ang may offer na culinary arts sa buong lalawigan ng Batangas."
Pinilit kong tumango. Isang beses lang. Maliit lang. Baka sakaling hindi siya mapansin. Pero sa loob-loob ko?
Same course.
Same year.
Same school.
What are the odds?
Bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi pa ito panic, pero papunta na.
Nagpanggap akong busy pa sa paglalagay ng towel sa sabitan habang tinatabunan ko ang tanong na unti-unting sumusulpot sa isip ko:
Could it be the same circle?
What if magka-batch sila?
Magkakilala kaya sila ni Ivan?
...Magkaibigan?
"Actually," dugtong ni Dani habang tinatapon ang empty snack pack sa trash bin, "Kuya's mentioned a few friends sa department nila. Minsan nga, nababanggit niya yung isang guy na—"
Tumigil siya. Napakunot ang noo. "Ano nga ulit pangalan nun...?"
Nanigas ang batok ko.
Please, wag mo na sabihin. Please...
"Basta—yung quiet type daw, parang laging seryoso, pero magaling magluto. Yung tipong walang pakialam sa paligid pero pagdating sa lasa, sobrang perfectionist."
Shit.
"Huwag mong sabihing—" I tried to joke, pero naging totoo ang kaba sa tono ko. "—pangalan niya Gus?"
Napatingin si Dani sa akin, eyes blinking in surprise. "Oo nga! Gus. You know him?"
They know him as Gus. Kahit ang pinsan niyang si Marco ay iyon ang tawag sa kanya. Wala pa naman akong ibang naririnig na tumatawag sa kanya ng Ivan kundi ako pa lang.
Hindi ako agad sumagot.
I knew it.
Small world, daw. No. Maliit ang Batangas, pero mas malikot ang tadhana.
Ngumiti ako. Tipid. Peke.
"Yeah," I said, voice flat. "Nakilala ko siya... sa isang party."
Hindi nga ako nagkamali ng hinala — pati ang kwarto namin ay tila naging museyo ng comfort. Bawat sulok ay may detalye. May maliit na lamp sa bedside table na nagbibigay ng malambot na orange light, na parang liwanag ng sunset sa loob ng kwarto. Sa pakiramdam ko, mas lalo akong hinihila ng kama para mahiga at magpahinga.
Ang mga kurtina ay may pastel tones, may mga fairy lights na nakasabit sa gilid ng salamin, at kahit ang bedsheet ay malambot ang print — may pattern ng mga ulap. Tahimik ang paligid, ang tanging tunog ay ang mahinang ugong ng aircon na malamig ang ihip. Hindi ko maiwasang mapangiti.
Parang hindi dorm... parang kwarto sa isang cute na Airbnb.
Dalawa ang kama sa kwartong ito at ang bahaging may maraming unan na iba't ibang hugis at disenyo ay kay Dani. Kumpara sa akin na plain at tanging dalawang pirasong unan lamang. May dalawang study table din na katapat ng aming kama.
Sa kabila ng lahat ng gulong umiikot sa isipan ko — kay Ivan, sa connection nila ni Dani — may konting parte sa akin na gusto munang tumigil. Huminga. At hayaan ang sarili na maramdaman ang kapayapaan, kahit sandali lang.
Hinalwat ko ang aking bag para sa mga posibleng itatapon ko na papel. Nilabas ko ang aking sketch pad, mga maninipis na notebook na kung tawagin ay catleya at ang gusot na quiz reviewer na binigay ni Ivan sa akin kanina.
I barely passed the quiz because of this paper. Ang hirap nitong itago ha. Mabuti na lamang at sa likod ako nakapwesto kaya wala masyadong nakakapansin sa ginawa ko. It feels wrong kahit quiz lang naman pero hindi ko na uulitin ito. What would Mama say kung malaman niya ito.
Sinigit ko ang reviewer sa punda ng aking unan bilang paalala sa unang interaction namin kanina.
Focus, Lauren. Academics muna.
Pero kahit anong pigil ko, I keep on replaying the last words he said before he left.
Five minutes.
He said it like it meant something. Like it was a promise. Or maybe a guilt offering.
He felt bad for ghosting me for a week after the party?
Wala naman siyang obligasyon na balikan ako sa party na 'yon. I'm just a guest. Hindi naman ako importante. I understand na umalis siya. It's their business, after all.
Binuksan ko ang sketchpad ko at humugot ng lapis mula sa pen pouch. Gusto ko lang i-divert ang attention ko. Anything but him. Kaya kahit anong random shape lang — a curve here, a shadow there — wala lang, para lang gumalaw ang kamay ko.
Pero habang tumatagal, may anyo na siyang nabubuo.
May linya na sa jaw. Matigas.
May layer ng buhok na tila nagulo ng pagod at init.
Yung labi... plump, slightly parted, like he's mid-sentence.
May konting anino sa pisngi — rosy, pero hindi dahil sa hiya. It looks like someone who's been cooking for hours beside an open flame.
Culinary uniform — sinadya ko lang dahil yun ang familiar.
Or baka hindi.
Nasa sketch na siya.
Hanggang balikat lang, pero sapat para makilala ko.
Ivan.
Damn it.
Hindi ko naman sinasadya. Wala akong balak iguhit siya. I was just... doodling.
Pero ayan siya. Nakatitig sa akin mula sa lapis kong ako rin ang may hawak.
I bit my lip and stared at the page, heart unsteady.
Masculine pa rin ang drawing. Sharp jaw, thick brows, strong neck. Pero may lambot sa mata niya. Yung lambot na nakita ko mismo sa tuwing kausap niya ako.
Shit. I closed the sketchpad before I could fall deeper into whatever spiral this is.
Bukas na lang.
Bukas ko na haharapin 'to.
Panibagong araw at nagising ako sa malalakas na kaluskos mula sa kusina. Tiningnan ko ang oras mula sa aking cellphone at alas sais pa lang ng umaga. Sakto na para sa pang alas otso ko na klase. May text si Mama na kanina pang alas sinco dumating.
Mama:
Good morning, 'nak. Gising na. Don't forget to eat ha. I miss you. I love you.
Napangiti ako habang binabasa iyon. May lungkot na gumuguhit sa akin pero habang iniisip ko na tatlong araw na lang naman ay uuwi na ako para makasama siya sa weekened.
Tuluyan na akong bumangon at kinuha ang bath towel at ang maliit na basket na naglalaman ng aking kagamitan sa panliligo. Pagkalabas ko ng kwarto ay naabutan kong si Dani na hindi magkanda ugaga sa paglilinis ng pinaggamitan niyang kawali.
She looked at me while still on the sink. "Good morning! Nagising ba kita? Sorry."
Ngumiti lamang ako at naglakad na papunta sa banyo.
"I cooked eggs! Sabay na tayo magbreakfast ah."
"Sige. Bilisan ko lang ang pagligo."
"Oh! Take your time, mamaya pa naman ang klase ko."
Pagkatapos kong maligo, siya naman ang sumunod sa banyo. Plantsado na ang kanyang puting nursing uniform na maayos na nakalatag sa kama nang bumalik ako sa kwarto. Kitang-kita sa ayos ng pagkakalatag ang pagkaorganisado niya—at ang excitement siguro sa pagpasok.
Wala namang official uniform ang department namin, maliban sa tatlong T-shirt na ipinamahagi noong first day. Kulay itim at puti, may maliit na university logo sa kaliwang bahagi ng dibdib, at sa likod naman ang nakaimprentang "Bachelor of Science in Interior Design."
Hindi na kailangan ng plantsa. Tinernohan ko na lang ng denim trousers at puting sapatos. Tucked in na may itim na sinturon para naman may korte kahit paano. Simple, pero malinis.
Simpleng ayos lang din ang ginawa ko sa aking mukha. Konting lip at cheek tint para lang magkaroon ng kulay ang maputla kong kutis. Konting pulbo at hinayaan ko lang na nakalugay ang basa ko pang buhok.
Sabay kaming kumain ni Dani at naalala kong nabanggit niyang tanging itlog lang ang kaya niya lutuin. Ngayong nasa harapan ko na ang anim na pritong itlog na halos muntik nang masunog, ay hindi ko alam kung matutuwa ba ako para sa effort niya o maawa sa mga basag na egg yolks. Halos pare-pareho ang itsura ng bawat isa—medyo sunog sa gilid, may konting langis pa sa plato, at lutong-luto ang pula. Pero may ngiti sa kanyang labi habang inaalok niya ito sa akin, parang proud na proud sa naluto niya.
"Ayan ha," sabi niya. "Perfect protein meal daw 'yan sabi ni Kuya. Di bale, next time mag-aaral na ako magluto ng hotdog!"
Napatawa na lang ako. At least, she's trying.
"Sa susunod ay pwede naman ako na ang magluto. Para na rin hindi ka maraming gawin sa umaga lalo na at baka madumihan ang uniform mo." Kulay puti pa naman. Nakakatakot.
"Na ano? Itlog din? Hay nako! Sa susunod si Kuya na lang ang magluto para safe ang makakin nating dalawa. Tapos magpe-prepare pa 'yan ng plating na parang sa five-star hotel. Bonus na lang kung may dessert pa!"
"Naku, baka pati breakfast natin, may garnish pa sa gilid ng plato," biro ko habang pinupunasan ang mesa. "Parang ayoko na tuloy magluto, baka ma-pressure ako."
"Wag kang mag-alala, hindi naman siya nag-e-expect ng sobrang bongga. Pero warning lang, perfectionist yun minsan. Kaya kapag sinabi niyang 'huwag overcook', dapat hindi talaga overcook."
"I noted," sabay salubong ng kilay ko. "Mukhang mas malala pa siya sa prof pagdating sa pagkain."
Tumawa si Dani. "Tama! Pero mabait yun. Super bait. Tsaka, sobrang hilig niya sa dessert. Feeling ko kapag sinabihan mo siyang gusto mo ng chocolate cake, gagawan ka talaga. Kahit walang okasyon. Gusto mo ba ng chocolate cake?"
Parang napangiti ako ng bahagya. "Super gusto," amin ko. "Lalo na yung dark chocolate na moist sa loob."
"Noted! Ipaparating ko kay Kuya. Baka bukas may special delivery ka na."
Napangiti na lang ako. Ayoko naman din na magexpect lalo na at hindi ko pa nakikilala ang kapatid niya. But he seems nice by the way Dani described him.
Mamaya pang alas nueve ang una niyang klase kaya nauna akong umalis. Walking distance lang ang dorm papuntang school kaya hindi ko kailangan magmadali. May mga kasabayan rin naman akong estudyante na naglalakad at ang iba pa ay bumababa galing sa jeep.
Pagkatapos ng second period, diretsong lumabas ako ng building habang suot pa rin ang wired earphones ko. Hindi pa ako sanay sa buong campus, pero kanina pa ako naghahanap ng tahimik at maaraw na lugar kung saan pwede kong simulan ang susunod naming plate. Ang sabi ng prof namin, we have to draw inspiration from the natural environment.
Perfect na siguro ang maliit na garden na nadaanan ko kahapon. Nasa likod ito ng main building, medyo tago, at hindi ganoon kadalas puntahan ng mga estudyante. Tahimik. May ilang upuang bato at maikling pathways na sinisingit-singit ng mga halaman.
Pagdating ko roon ay agad akong naupo sa isang parte ng garden kung saan hindi masyadong direktang tumatama ang araw. Inilabas ko ang sketch pad at lapis mula sa aking tote bag, sabay hinila ang earphones pabalik sa tenga ko. Instrumental lang ang pinapakinggan ko—piano covers ng mga paborito kong kanta. Gusto ko lang makalayo muna sa ingay ng loob ng classroom.
I was starting to trace light outlines of a tree when I felt a presence nearby. Hindi ko agad nilingon, baka kasi ibang estudyante lang na napadaan.
Pero nang may anino na ang tumabing sa kaliwa ko at hindi umalis, napilitan akong mag-angat ng tingin.
Ivan.
Hawak niya ang isang tumbler na mukhang naglalaman ng kape. Suot pa rin niya ang uniform nilang puti na may pangalan ng department sa dibdib.
"I knew I'd find you here," he said, sabay ngiti.
Tinanggal ko ang isang earphone. "What are you doing here?"
"It's my usual spot too after a tiring practicum. I figured you'd go looking for nature today." Tumawa siya ng mahina. "Artist stuff."
"Sketching, not journaling," sabay balik ng tingin sa sketchpad ko. Pero alam kong namumula na ang pisngi ko.
"Right, sketching," he repeated, then lowered himself onto the stone bench beside me. "Mind if I stay?"
Umiling ako. Kahit ang t***k ng puso ko ay nagsisigaw ng kabaligtaran.
"What are you drawing?"
"Wala pa. Tree. Leaves. The usual."
"You always start with trees."
Nagtaas ako ng kilay. "How would you know?"
"I watched you paint for three straight Saturdays, remember? Sa mural sa bahay. You always started with the trees."
Nanahimik ako. Of course he remembered. Mas nauna pa yata siyang makaalala kaysa sa akin.
He took a sip from his tumbler. "You still want that chocolate cake?"
Parang may kung anong tumibok sa loob ko. I wasn't expecting him to remember something that small—na ako mismo ay halos limot na rin kung kailan ko nabanggit. At ngayon, siya pa ang nagpaalala.
Hindi ko alam kung anong isasagot. Ang alam ko lang, gusto ko siyang tingnan nang mas matagal, para siguruhing totoo ang lahat ng ito.