Kontrabida Girl "IKAW na muna ang bahala kay Rennie, alam kong she's in good hands. Please take care of her.", pakiusap ni Emmari na agad namang tinanguan ng binata. "Bye, King. We will miss you.", maluha-luhang paalam ni Lennie sa batang nasa loob ng kotse at panay ang iyak. Hinintay pa ng binata na makalayo ang sasakyan ng mga ito bago muling pumasok sa loob ng bahay. Napabuntung-hininga si Lennie nang makita ang kaserang may hawak na bote ng alak at tila tubig lang kung inumin. "Halika, Lennie! Saluhan mo akong i-celebrate ang aking kalayaan! Sa wakas, wala na akong obligasyon! I'm free!", nakangiting aya ng dalaga. Naupo ang binata sa tabi ng kasera at tinanggap ang basong sinalinan nito ng alak at agad na nilagok. Nakailang salin at inom pa si Rennie nang sawayin na ito ni

