Sino ang Ina sa Dalawa ISANG sulyap pa ang muling ginawa ni Lennie sa dalawang babaeng parehong hindi umiimik. Nakita niya ang matalim na mga mata ng kaserang titig na titig sa bisitang bahagyang nakayuko. "Labas muna tayo, King. May pag-uusapan ang Mommy at ang bisita niya.", sabi ng binata sa kargang bata at saka nagtuloy sa garahe. Samantala..... "Pakiulit mo nga ang sinabi mo. Tama ba ang narinig ko, ha? Baka masaktan si King?", nang-uuyam na tanong ni Rennie. "Rennie...", tanging nasabi ni Rizbeth. Muling sumilay sa labi ng dalaga ang nakakalokong ngiti. Naglakad pa ito paikot sa kaibigan at pinagmasdan ang maganda nitong tindig, ang mamahaling damit na suot, ang kwintas, hikaw at singsing na magkakaterno at ang buhok na makintab at unat na unat. "Mukhang naging maganda ang buh

