Sweet Hubby NAKAGAYAK na si Lennie para umalis. Nakasuot ito ng longsleeves na kulay pink at maong na pantalon. Kung iba ang magsusuot ng damit na iyon ay magmumukhang bading pero iba nang ang binata ang maysuot. Napapalatak si Rennie nang makita ang napakakisig na boarder. "Wow! Akala ko may naligaw na artista dito sa loob ng bahay ko. Grabeee!", puri nito. Nag pose naman na akala mo isang modelo ang binata. Isinuot pa nito ang hawak na shades at saka muling pumorma. "Hala sige, magmodel-model ka pa diyan at nang mahuli ka sa opisina.", sabi ng dalaga habang pinipigil ang pagtawa. "Ito naman napaka kj. Nagpapa cute lang eh.", reklamo ng binata. "Pogi ka na. Hindi mo na kailangang magpa cute pa. Hayaan mo na sa mga hindi masyadong pogi ang maging cute. Hay, naku!", pang aasar pa ri

