Umpisa ng Pagpapanggap HINDI na nagtanong si Lennie. Sa nakita nitong reaksyon ng kasera ay hindi ang mga oras na iyon ang tama para magsalita. Sa pagkataranta ng kasera ay nahuhulaan na niyang trouble ang ibubunga nang pagdating ng mga kapatid nito. "Ate, kanina pa ba kayo?", tanong ni Rennie nang makababa ng kotse. Karga nito ang natutulog na si King. Bumaba rin ng kotse si Lennie na matapos ngumiti sa dalawang bisitang nakaismid ay binuksan na ang gate. "Halikayo sa loob.", aya ng dalaga sa dalawang kapatid. Nauna na ang mga ito sa pagpasok at sumunod naman si Lennie lulan ng kotse. "Ako na dito, asikasuhin mo na lang sila.", sabi ng binata. Nakaramdam ito ng pagkailang sa paraan ng tingin na ginagawa ng dalawang kapatid ng kasera. Mula ulo hanggang paa ang paghagod ng mga ito sa

