CHAPTER 25 - Meet the Lola

1540 Words

Meet the Lola MALAKAS na malakas ang pagkabog ng dibdib ni Rennie habang papalapit na ang kotseng sinasakyan sa bahay ng kanyang lola. "Relax! Daig mo pa ang isang presong isisilya elektrika ah.", biro ni Lennie sa kaserang katabi. "Pinipilit ko nga, kaya lang ay talagang kinakabahan ako. Galit na galit daw ang lola. Baka kung malaman niya ang totoo ay maging dahilan pa ng kanyang atake.", bahagya pang kuminig ang tinig na dalaga. "Huwag kang mag-isip ng ganyan. Parang hindi na ikaw ang Rennie na nakilala ko two months ago. Nasaan na ang amasonang bruha...", huli na para bawiin pa ng binata ang nasabi. Naniningkit na mata ng kasera ang nakatunghay na sa kanya. "Pakiulit mo nga sinabi mo! Amasonang bruha..? Tinawag mo akong... amasonang bruha?!", singhal ng dalaga. "Patay ka, Lennie!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD