Wagas na Pag-ibig NASAMID si Rennie sa narinig. Nag-alanganing lunukin o iluwa ang juice na nakabilaok sa kanya. Agad na namula ang mukha at tikom ang kamaong mahinang ipinupukpok sa tapat ng dibdib. "Are you, alright?", nag aalalang tanong ni Lennie. Nataranta ito at agad na hinimas ang likod ng kasera. "Y-yeah.., I'm alright.", sagot ni Rennie habang nakaangat ang kamay na parang nagpapanatang makabayan upang sawayin ang boarder sa ginagawang paghagod sa likod niya. Muling lumagok ng juice ang dalaga mula sa basong hawak na parang gustong maitulak ang kapwa juice na bumara sa lalamunan. Pagkatapos ay agad na bumuntunghininga. Nakaramdam siya nang pagluluwag ng dibdib sa ginawa. "Halika na, Lennie!", boses ni Milo na nakapagpalingon sa kanilang dalawa. May dala itong basket. Ang

