Pintig ng Puso "OH, DEAR! Ang haba ng hair mo pinsan, Atang! Ano ang sinabi ng tulay ng San Juanico. Palong-palo ang beautiness tinalo pa si Loveliness!", kilig na kilig na sabi ni Milo. Nakasilip ito sa gilid ng pintuan sa kusina kasama ng ibang mga pinsan na kinikilig din. "Kung ako lang ang pagtatapatan ng ganyang ka-guapong lalake, hindi pa niya natatapos ang sinasabi ay lumalagapak na OO.., OO... at OO pa uli ang isasagot ko!", kinikilig na sabi rin ng isa sa magpi-pinsan. "Hay…! Siguro ay natatakot pa si Atang at may phobia pa dahil sa ex niya. Sana makalimutan na niya nang tuluyan ang lalaking 'yon para maging happy na sila ni Lennie.", komento naman ng isa pa sa mga nakasilip sa pintuan. May mga itinanong pa ang mga kapatid sa ama na nasagot lahat ni Lennie. Ito na ang agad n

