Paano na? PASIKAT na araw, at tumitilaok na ang mga tandang ay tulug na tulog pa ang dalawa. Si Rennie, nakaunan sa braso ng binata. Nakasubsob ang mukha sa dibdib nito. Si Lennie, nakayapos sa katawan ng dalaga. Nakapaling ang mukha sa ulunan nito. Magkadikit! Magkayakap! "O, ano na apo ko? Maganda ba dito? Lalo kang magiging malusog at malakas dito sa lugar ng iyong lola. Pabayaan muna natin ang mommy at daddy mo na matulog pa. Malamang ay napagod sila kahapon. Tayo muna ang maglalaro, hane.", tuwang-tuwang kausap ng matandang ale sa batang panay ang laro. Maaga pa lang ay nagising na siya. Papunta sana siya sa kusina upang humingi ng gatas sa nagluluto ng a-almusal-in nila, nang maulinigan ang tinig ng apo sa tuhod. Saglit pa siyang pumirmi sa labas ng pintuan at pinakinggan kun

