Abala ang apat sa pag-alis. Pupunta ang mga ito sa isang sikat na studio para sa pictorial nilang apat. Ayaw ko sanang sumama sa kanila dahil minu-minuto ako napapagod sa kanila. Kung may ipaguutos sa iba ko naibibigay yung kailangan ng isa pagkatapos magagalit kapag hindi naman sa kanya. "Oh.. Fatima, bakit nakanguso ka riyan?" Tanong ni manang Lolita. Palabas na sana ako ng mansion nang makasalubong ko ito sa maindoor. Inaantay na ko ng mga sir ko sa labas dahil aalis na kami. Alam kong pagagalitan nila akong apat dahil mabagal daw ako kumilos. "Paano pong hindi ngunguso manang kung apat ang mga sir ko lalo na po't magkakamukha sila. Hindi ko na alam kung sino sa kanila si Drake. Kung sino din sa kanila si Drevon. Pinaglalaruan po nila akong apat manang Lolita. Bakit po kaya?" "Ako

