Humagulhol ako sa iyak nang sigawan ako ng isa sa mga quadro. Narito na ko sa loob ng aking kuwarto habang inaalala ko ang isa sa mga quadro. Masungit siya at hindi siya gaanong umimik. Hindi ko naman kasi alam kung sino sa kanila ang nag-utos sa akin na kunin yung USB sa loob ng kuwarto. Inabot ko lang sa kan'ya tapos sinigawan na lang ako basta. Nagulat ako at nakakatakot siya. Yung isa naman, masiyahin at ang cool. Yung isa walang pakialam. Yung isa madaldal. Kahit alam ko na ang bawat mga ugali nila kung hindi ko naman alam kung sino na naman sa kanila ang tatawagin kong Drake. Nalilito ako sa apat. Gusto ko ng sumuko sa kanila. Pero dahil pinaglalaruan nila akong apat, makikipaglaro din ako sa kanila at aalamin ko kung ano yung confidential issues na sinasabi nilang apat. Natulog na

