1. Seduce Me If You Can
SILAS
Nakaupo ako sa swivel chair sa loob ng opisina ko habang nakatingin sa pinto and as I expected pabalang na bumukas ito.
Napangisi naman ako ng makita ko siya. Padabog siyang pumasok dito sa loob ng opisina ko habang nakasunod sa kanya ang aking sekretarya na si Vera.
"Ma'am, hindi po talagang pwedeng pumasok." Pagpigil niya rito pero wala rin naman kwenta dahil nakapasok na ang babaeng halatang nanggagalaiti sa galit.
Tumigil na siya sa harap ng table ko. Taas noo niya kong tinignan ng masama habang nakakuyom ang kanyang mga kamao.
"Sir Villanueva, I'm sorry - "
Itinaas ko ang palad ko, at na-gets naman agad ng sekretarya ko na hindi na niya kailangan magpaliwanag o magsalita pa.
"You may go, leave us." Utos ko.
Tumango naman si Vera at tahimik na lumabas.
Nang maisara na ng sekretarya ko ang pinto ay ibinalik ko ang atensyon ko sa babaeng masama pa rin kung tumitig sa akin.
"What can I do for you, Miss Dominguez?" Asking her, as a formality, about what she's been doing here?
"You know why I'm here, Uncle Silas?" sambit niya na may diin na halatang nagpipigil ng galit.
She's right though, alam ko kung bakit siya nandito. Tinawagan ako ni attorney kani-kanina lang para ipaalam na alam na ni Lyra, ang babaeng nasa harapan ko ngayon - the spoiled brat girl na nanirahan sa Amerika ng matagal na panahon. Kung hindi pa namatay ang kaniyang ama ay mukhang wala na atang balak bumalik ng Pilpinas. And good luck kung makakabalik pa siya gayong wala ni isang kusing siyang makukuha mula sa yumaong ama.
And I am very sure na hindi na talaga dahil wala na siyang ipangsu-sustain sa expensive lifestyle na meron siya noon.
"You know I'm not really your uncle, right, although your dad introduced me as your uncle before you left for the States when you were a little, and hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ikaw na ang batang 'yon?!"
It was 14 years ago when her dad introduced me as UNCLE SILAS. She was 7, and I was 21, and it's a bit odd that she's now 21 years old and I'm 35. Oh, God, I feel old.
Ang bilis talaga ng panahon, suddenly 'yung mga batang nakakasamaluha mo ay malalaki na, and in a few years ay baka mag-asawa na rin, and luckily wala pa naman babaeng nakakapagpatiklop sa'kin, at wala rin ako'ng balak because most of them are gold diggers anyway, so I prefer being single, and by that I have all the freedom to fùck any girls that I want.
Okay, back to story where we first met. I was too young back then, baguhan pa lang sa industriya, ang ama niya ang nag-trained sa'kin but unfortunately maraming maling desisyon nagawa ang daddy niya sa larangan ng negosyo na nagsilbing aral sa'kin ngayon.
"Ako din, hindi rin ako makapaniwala na ang isang tulad mo na baguhan lang noon, na tinuruan ng ama ko sa larangan ng pagnenegosyo ay ang siyang gagawa ng ganito. Sige nga ipaliwanag mo sa'kin kung papaanong nangyari na wala ako'ng share na makukuha sa kumpanya na ang ama ko ang mismong nagtayo at nagpalago. Hindi lang 'yon pati bahay namin at lahat ng properties na meron siya ay sa'yo na rin ngayon nakapangalan. At paano nangyari na tanging isang one bedroom condo unit lang ang natira para sa'kin?" sabi niya sa nanggagalaiting boses sabay hinampas niya pa ng malakas ang ibabaw ng table ko.
I hope na hindi nasaktan ang kamay niya dahil ang lakas nu'n, panigurado namula ang palad niya.
"Simple, binenta niya sa akin lahat! At ang lahat ng iyon ay may kasulatan, Lyra, dumaan sa legal na proseso. And you know what? That condo, dati sa akin 'yon. Nakiusap lang ang daddy mo sa akin na huwag kitang pabayaan kaya 'yong condo na 'yon ay gift ko sa'yo, at gusto ko ring kitang alukin ng trabaho dito sa opisina. Isa rin 'yon sa hiling ng daddy mo."
Telling her, because that was the truth, it was her father's wish.
"Hindi ako naniniwala. Panigurado may ginawa ka, niloko mo ang daddy para mapunta sa'yo ang lahat. Paano mo nagawa sa'min 'to? He trusted you!" Anas niya sa nanginginig na boses kasabay ng pagpatak ng mga luha niya.
Really?! Am I bad man now pagkatapos kong isalba ang kumpanyang ito.
Tumawa ako ng mahina habang nakasandal pa rin sa swivel chair.
"Niloko? Lyra, your dad was a smart man. Alam niya ang ginagawa niya nang ibenta niya sa'kin ang lahat. At kung hindi dahil sa'kin, baka na-bankrupt na ang kumpanya niya noon pa. Palibhasa kasi puro pagpapasarap lang sa ibang bansa ang alam mong gawin kaya you have no idea how your father struggles over the years."
Hindi siya nagsalita pero nanatili ang kaniyang masamang paninitig, and I need to end this conversation.
"Lyra, just accept the condo and the job," sabi ko, still trying hard to maintain my calm.
"Ano, tatanggapin ko na lang na 'yon lang ang tanging makukuha ko?" Aniya sa nanginginig na boses.
Napipikon na ako sa spoiled brat na 'to! Ayaw ko mang gawin 'to, pero kailangan.
"Yes, because that's how life works. Tanggapin mo na lang na tapos na ang pagiging buhay prinsesa mo, matagal ng panahong nahihirapan ang ama mo. Your father has no more money left over the years. Hindi mo lang ramdam dahil tuloy-tuloy pa rin ang suporta niya sa'yo, and now you have to face the reality, without his money, without his support, and I know you'll be able to make it because you're a grown woman now, be smart, and you'll figure it out." Mariin kong sabi, hoping she would be slapped with reality.
"No, hindi ako makakapayag na 'yun lang ang makukuha ko, gusto kong ibalik mo ang lahat ng kinuha mo mula sa daddy ko!" Pagmamatigas niya.
Fùck! She really doesn't get it. Matagal ng mahirap ang daddy niya, and she is so lucky that I have given her a condo and offered her a job as a start, but she's starting to pìss me off.
"I'll give you your father's share... but you have to seduce me! But even if you did, I'm sorry, you're not my type. Now, if you don't mind, I have work to do."
Dinampot ko ang telepono at pinindot ito para tawagan ang security.
"Security, please escort Miss Dominguez out of the building." Utos ko dahil kailangan na niyang umalis.