LYRA Naka-order na kami, at tahimik lang kami na nainom ng wine. You will. Ano 'yon? Joke rin ba 'yon sinabi niya pero parang hindi e, kasi hindi naman siya ngumiti while he's saying it. Hindi lang ako agad nakasagot sa sinabi niya dahil biglang tinawag na niya ang waiter kahit hindi pa nga ako ready mag-order. Anyway, alam ko kung ano ang ginagawa niya.I think nire-reverse psychology ako nito ni Uncle Silas para ako naman ang mag-overthink ngayon. For sure, ginagantihan niya ko. Nag-iisip ako ng kung ano pa bang pwede namin pag-usapan bukod sa pagiging red flag niya ng biglang.... “Good evening, Mr. Villanueva.” May lalaking boses na biglang nagsalita na biglang nandito na sa may table namin na nakatayo at nakatingin sa amin pareho ni Uncle Silas, and then slowly tumingin siya sa

