16. She Needs To Learn

1029 Words
SILAS Tuluyan na kong lumabas ng room at baka kung ano pang kapilyahan ang gawin ni Lyra. I can't believe her gutz para mag-demand ng share sa kumpanya at ibalik sa kanya ng mansyon na para bang wala lang. Ni hindi ko pa nga alam kung anong skills set ang meron siya. Nagpaparty pa siya as a celebration my ass! Malas lang niya at hindi ako basta-basta maiisahan. Music. Tawanan. May sumisigaw na parang may nanalo sa raffle kahit wala namang raffle. Amoy alak, pabango, at immaturity. For a second, tumigil ako sa may doorway. Pinagmasdan ko ang crowd. Early twenties. Careless. Reckless. Free. So this is her world. Sinimulan ko ng ihakbang ang mga paa ko para makaalis sa lugar na ito ng... “UNCL— ay este, BOYFRIEND!” Napahinto ako. Napalingon ako sa kaliwa. Isang lalaking may pink na buhok ang nakangisi, may hawak na imported beer na sigurado akong hindi niya afford. May sumunod agad. “Uncle Baby!” Sumabog ang tawanan. Ramdam ko ang pagpitlag ng panga ko. Hindi ako nagsalita. Hindi ako gumalaw. Tinitigan ko lang sila. Tahimik. Deadpan. Isa pang sumigaw mula sa sofa. “Uncle, shot muna bago umalis!” May nag-extend pa ng bote sa harap ko na putang-ina, talagang sinasagad ang pasensiya ko. Gusto ko magalit, magwala but I remember I'm not in my twenties anymore. Hindi ko tinanggap ang inaalok na beer sa'kin. Hindi ko rin tinulak. Hindi ko rin tiningnan. Slowly, inayos ko ang cuff ng polo ko. “Enjoy your drinks,” sabi ko lang. Mas bumigat ang hangin. Natahimik sila, and that's good, atleast marunong pa rin silang makiramdam. Alam pa rin ang salitang respeto, at alam kung kailan sila kailangan tumahimik. Nagsimula na ko ulit sa paghakbang ng biglang... "Uncle Baby, ba't aalis ka na, nag-away ba kayo ni Lyra, hahaha!” At sa isang iglap nagtatawanan na ulit ang so called friends ni Lyra. That name again. 'Uncle.' Tang-ina, sino ba 'tong mga tao na 'to at talagang pinapainit talaga ang ulo ko. Napahinga ako nang mabagal. I tried to control my anger. Trying to be calm. And then I remember who the fvck I am, compared to them. When I was their age... I wasn’t in penthouses. I wasn’t at parties. I wasn’t drunk on imported beer. I was in boardrooms. Sa opisina. Sa warehouse. Sa harap ng spreadsheets na hindi ko pa maintindihan noon. At ang lalaking nakatayo sa likod ko habang tinuturuan akong magbasa ng financial reports... Ay ang ama ni Lyra. Mr. Dominguez. Habang sila ngayon sumisigaw ng “Uncle Baby,” Nagtatawanan, puro happenings at tanging enjoyment lang ang nasa isip. Ako noon tinatawag na “boy” ng mga supplier na hindi ako sineseryoso. I didn’t have the luxury to be reckless. I didn’t have the luxury to be immature. And now... I’m being mocked in a room full of kids who don’t even know what it took to build what they’re drinking. Lumapit ako ng dalawang hakbang sa grupo. Automatic silang natahimik. “Call me that again, at hindi na mauulit ang mga ganitong party niyo next time.” sabi ko. Bigla silang natahimik. May naring ako na umubo. May nagbulong ng, “Ay ang seryoso naman ng boyfriend ni Lyra.” "Matanda na kasi!" Tang-ina talaga! I need to get out of here bago pa tuluyang maubos ang pasensiya ko sa mga friends ni Lyra. Dumaan ako sa gitna nila, at nag-give way naman sila. May mahina pang boses akong narining habang palabas na ako. “Bye, Uncle…” Putang-ina talaga! Huminto ako sandali. Nag-isip saglit, hanggang sa nakapagpasya ako na hindi ko na sila lingunan pa. “Grow up,” sabi ko nang mahina, pero sapat para marinig ng ilan. Naglakad ako palabas ng penthouse. Pagkasara ng pinto sa likod ko, doon ko lang naramdaman ang pagod. Hindi dahil sa kanila. Hindi dahil sa party. Kundi dahil sa kanya. Lyra Isabelle Dominguez. Anak ng lalaking nagturo sa akin kung paano maging matatag. Anak ng lalaking nagsabi sa akin noon na... “Silas, negosyo ang magpapalago sa’yo. Pero disiplina ang magpapatatag sa’yo.” And now his daughter thinks I stole from him. The elevator doors opened, pumasok ako. Napaharap ako sa may salamin. My reflection stared back. Controlled. Composed. Pero sa loob ko, I'm angry, I'm disappointed. I was trying to help her because of her father's wish pero bakit itinuturing niya kong kalaban. Ding. Bumukas na ang elevator. Lumabas na ako at naglakad sa ground floor. Paglabas ko ng building, huminga ako nang malalim. “Uncle Baby,” bulong ko sa sarili ko. Napailing ako, at napangisi. She did that on purpose. Of course she did. And somehow - She managed to drag me into her world. Habang naglalakad papunta sa kotse ko, bigla kong naalala yung kiss. Damn it. She kissed me back because I provoked her. She pulled me first. That wasn’t strategy. That was emotion. I don't know, hindi rin ako sigurado pero isa lang ang malinaw. She tried to seduce me. And she failed. Miserably. But that kiss. Fvck! Ayoko ng mag-isip pa. Either way - Kailangan ko siyang bantayan, at baka kung ano-ano na naman ang gawin niya. Pumasok ako sa kotse at isinara ang pinto. Tahimik ulit pero hindi pa rin lumulubay sa utak ko ang halikan naming dalawa. Hinawakan ko ang manibela pero hindi pa ako agad umandar. Monday. Kapag pumasok siya sa office, kailangan malinaw ang boundaries. No flirting. No tension. No games. Work. Structure. Control. Kasi kung hindi… Mas lalo lang magulo. And I don’t lose control. Not in business. And definitely not in love. Hindi ako yung tipong nagpapadala sa emosyon. Pero kanina? Sa loob ng kwartong ‘yon? Sa ilang segundo na magkalapat ang aming mga labi ay nakalimutan ko kung bakit ako galit sa kanya. Nakalimutan ko na she tried to mess with my head. Nakalimutan ko na pati sekretarya ko ginamit niya para kalabanin ako. Nakalimutan ko na she's scheming something. And that’s exactly why this needs to stop. Masyado ata na-spoiled si Lyra ng ama niya , and by that... She needs to learn the difference between inheritance and earning.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD