22. Strictly Dinner

1232 Words
LYRA Tumayo ako at nagmadali sa pagkilos. Isinuot ko ulit ang heel. Tumayo ng tuwid. I breathe in, and breathe out then chin up Hindi ako papasok doon na mukhang pagod kahit ang totoo ay iyon ang nararamdaman ko plus gutom na rin dahil wala ngang tayuan at maghapon akong nagtrabaho. And I think deserve ko ng award kahit first day ko pa lang. Nasa tapat na ko ng pinto ng opisina ni Uncle Silas at gaya ng dating gawi ay hindi ako kumatok. Binuksan ko agad ang pinto. Nandoon pa rin siya. Of course. Parang hindi nauubusan ng oras ang lalaking ‘to. Nakatayo sa harap ng city view. Hands behind his back. “Still here?” sabi ko casually. Kahit ang totoo ay kinabahan ako kanina na baka hindi ko siya maabutan pero bakit ko nga ba naisip 'yon? For sure hinihintay niya ang pagdating ko or... Ang pag-give up ko! But sorry ka na lang Uncle, spoiled man ako sa iyong paningin pero hindi naman ako stupid at walang alam kagaya ng iniisip mo. Lumapit ako sa desk at inilapag ang folder. “You missed something.” Doon lang siya lumingon. Hindi nagulat. Hindi nagtanong. Just watching me. “Did I?” Tumango ako. “Quarterly consulting adjustment. Same amount. Same external entity. Not listed under authorized vendors.” Lumapit siya sa desk. Binuksan ang folder. Tahimik niyang binasa at inisa-isa ang pages. Ramdam ko ang ti bok ng puso ko. Please let this be right, dasal ko sa isip ko. Pag-angat niya ng tingin, steady pa rin ang mukha niya. “You found it.” Finally, nawala ang kaba ko at tama naman pala ang ginawa ko I crossed my arms. “Took me the whole day.” Tumingin siya sa relo niya. “Six hours and twenty-eight minutes.” Napakurap ako dahil talagang inorasan pa talaga niya ko. “You timed me?” Nakataas kilay kong sambit “I monitor performance.” He said flatly. Of course he does. Lumapit siya, not too close, just enough space between us bago huminto sa harap ko. “You didn’t leave your office.” Of course, alam rin niya. May secret CCTV dito sa opisina niya, at hindi na ko dapat magulat pa kung meron din sa loob ng mini office kung saan niya ko pinapwesto. “First day ko, alam mo na gusto kong ma-impress ka sa akin.” Nakangising sabi ko. "Good.” Wow, nagsabi siya ng good. Compliment na ba yun? “You know what that transfer means?” tanong niya. Oh, akala ko tapos na, need ko pa rin pala i-explain. But anyway, utos ng boss so I have to obey lalo pa at hindi pa niya ibinibigay ang gusto ko. “Someone’s siphoning controlled funds through micro-allocations, masyadong maliit ang amount to trigger red flags in standard quarterly audit. But long-term? It accumulates.” I answered confidently with a heart. There, I explain it all. Walang labis, walang kulang. “You’re not as reckless as your record suggests.” Nakangising sabi niya. Nawala ang ngiti ko at biglang uminit ang ulo ko sa sinabi niya. Ipaalala pa niya ang bad records ko, baka pwedeng i-praise na lang niya ako because I did a job well. “But you’re not as calm as you pretend to be,” sagot ko sa inis. Humigpit ang panga niya. Tiny reaction. Got him, atleast nakaganti ako ng konti. “Renegotiation?” tanong ko. Ipinaaala ko lang dinang dahilan kung bakit hindi ako sumuko. Doon siya bahagyang sumandal sa desk. “We’ll see.” “We’ll see?” tinaasan ko siya ng kilay. “You completed the task,” sabi niya. “But this isn’t a one-day evaluation.” Of course it isn’t. So balak pa niya kong pahirapan? Lumapit pa siya ng bahagya, mas malapit. “Performance isn’t about proving me wrong once.” His gaze dropped briefly to the highlighted page. “It’s about consistency.” Napangisi ako. “So I passed?” He held my gaze. “For today.” For today. Hindi panalo. Hindi talo. Round two? Tabla ang laban. Pero hindi bale may bukas pa, at maraming bukas para matalo ko siya. Lumabas na ko ng opisina niya at bumalik lang ako sa temporary office ko para kunin ang bag ko. At halos tumalon ang puso ko dahil pag-angat ko ng tingin ay nakatayo na si Uncle Silas sa may tapat ng pinto kong nakabukas. Hindi ko na kasi sinara at paalis na rin naman ako. “Hindi ka nag-lunch.” “And?” sagot ko habang nakahawak pa ang isang palad ko sa dibdib ko dahil sa panggugulat na ginawa niya. “You worked straight through,” dagdag niya. “That’s inefficient.” Napairap ako. “Concerned ka ba sa health ko o sa productivity ko?” Bakit ba nangengeelam pa siya? Nagawa ko naman 'yung pinapagawa niya ah? Hindi siya agad sumagot. Nagbilang na naman ako sa isip ko. Isang segundo, dalawang segundo. “Both.” He seriously said. Oh, ako naman ngayon ang walang maisagot. And damn, my heart betrayed me again. “Relax, Uncle. Hindi ako mamamatay sa isang skipped meal.” Paliwanag ko. And I don't know why I am explaining to him. Lumapit siya. Hindi masyadong malapit. Sakto lang katulad kanina. “You won’t,” sabi niya. “But you don’t get points for self-destruction.” Self-destruction? Ano bang sinasabi niya? Bakit ko naman sisirain ang sarili ko? Ganito ba talaga siya makipag-usap, parang lahat may meaning or secrets, at nakaka-curious. Sandaling katahimikan ulit. And then.. “Let’s get dinner.” Napakurap ako. “Excuse me?” Aaminin ko nabigla ako. “Not a date.” Diretso ang tono niya. “You need food. I need to discuss the audit trail you flagged.” Wow ha, may paliwanag agad?! So, hindi talaga niya ko type, trip lang niya ko pahirapan. "Ang sabihin mo takot ka lang na multuhin ka ni Dad kapag nag-collapse ako?” biro ko. Bahagya siyang napangisi. Very slight. Pero nakita ko. “I don’t believe in ghosts.” “But?” “But I believe in liabilities.” Napatawa ako. “Grabe ka. Pwede ba lagpas office hours na, let's stop talking about business.” Para naman akong napahiya dahil ang seryoso na naman ng mukha niya. “Five minutes. Fix your hair.” Napahawak ako sa buhok kong naka-bun. “May mali ba?” Although ganito ang ayos, eh alam ko naman maayos ang pagkaka-bun ko nito. He looked at me. “No, forget what I said, just leave it kung yan ang gusto mo." sabi niya. Tumahimik ako. Bakit parang mas nakakakaba kapag hindi siya nang-iinsulto? At para mawala ang kaba ako naglakad na ko palabas at ngayon nga ay side by side kaming naglakad sa hallway. Tahimik. Pero hindi awkward. Hindi ko alam kung anong mas nakakainis - ‘Yung challenge niya kanina o ‘yung fact na gusto kong makita kung ano pa ang susunod. Pagdating sa elevator, napatingin siya sa akin. “For today,” sabi niya, mahina. “For today what?” “Keep that standard.” Hindi siya ngumiti. Pero hindi rin siya tumingin palayo. At sa unang pagkakataon buong araw ay ako ang walang masabi. Dinner. Business. Strictly Dinner Sure. So, hindi pa pala tapos ang round 2 dahil may dinner date pa ko with Uncle Silas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD