11. Showing Who's The Boss

1372 Words
LYRA Hindi pa sana ito ang tamang oras para hilingin ko kay Uncle Silas ang terms na gusto ko kung pipilitin niya kong magtrabaho sa kumpanya niya na dating pag-aari ni daddy pero kinailangan kong gawin dahil sa sinabi niya kay Julian, and I grab that opportunity. Talagang sinadya ko na makita niya na nag-aplay ako sa kumpanyang kakumpetensiya niya, and in the world around us, isang malaking insulto 'yon sa kanya lalo pa at ilang beses ko ng tinanggihan ang alok niyang trabaho at condo. Buti na lang ay personal kong kilala si Julian, bukod sa hindi nagkakalayo ang edad namin ay same din ang school namin sa Boston. Mas matanda lang siya ng dalawang taon sa akin, at ngayon nga ay siya na rin ang nagma-manage ng company ng pamilya nila na Esquivel Group of Companies. Nanligaw sa akin si Julian noong nasa states pa siya pero natigil dahil kinailangan niyang umuwi dito sa Pilipinas, at buti na lang din dahil hindi ko rin siya type, and sakto naman ng umuwi ako dito ay nag-message siya sa akin at nakiramay siya sa pagkamatay ni daddy, nung mga unang message niya ay hindi ko pa siya nirereplyan pero nung nabuo ang plano ko ay nagpasya akong kontakin siya. __________ "No need for a job interview because you're hired!" sabi ni Julian. Magka-usap kami through voice call. "Pero gusto ko dumaan sa tamang proseso katulad ng ibang empleyado!" "Pero hindi ka naman iba sa'kin, ngayon pa na alam ko ang financial status mo, and I'm really sorry for what happened to you!" Honestly, I want to punch him in the face right now for calling me poor and feeling sorry for me. Ayoko sa lahat ang kinakaawan ako, although hindi na ko ganu'n kayaman katulad ng dati ay wala pa naman ako sa lusak. "Thank you so much, Mr. Esquivel, sige magwo-work na ko sa company mo, but in one condition, you have to meet me at Bella's Garden Ristorante, and whether you like it or not, we are having a lunch interview, I mean, you will interview me during our lunch date." "Oh, it's a lunch date, well, how can I say no to that!" __________ SILAS "I'm sorry again, Julian. Bye," sabi pa ni Lyra. At pagkatapos ay nag-ngitian pa talaga silang dalawa sa harapan ko bago tuluyang tumalikod si Julian at umalis. Nang makita ko na nakalakad na palayo si Julian ay tsaka ko nilingon si Lyra, and what the hell? "What are you doing?" sabi ko sa kanya habang pinagmamasdan ko ang ginagawa niyang pagse-cellphone gayong may importante kaming dapat pag-usapan. "Are you blind? Hindi mo ba nakita, I'm chatting with my friends?" Sabi niya habang nagpipindot sa cellphone niya. "Well, you'd better stop doing that, and let's go back to my table because we need to discuss your lies?" Anas ko, at konting-konti na lang ay baka maubos na ang pasensiya ko. Napatigil naman siya sa kanyang ginagawa sabay nag-angat ng tingin sa akin. "Ahmm, about that, sorry, can't do, next week na lang siguro ako mag-start sa work because right now I really need to go!" What? Is she for real? Hindi pa man siya nagsisimula sa trabaho pero malakas ang kutob ko na wala siyang matinong gagawin. "At saan ka naman pupunta?" "Well, I have to go and celebrate since you were so kind to give me what I want? Don't worry, I'll send you the address, Uncle Silas, because you need to be there, para makita mo kung saan ako nakatira ngayon, so we can discuss my housing benefits, but now I really need to go, so bye!" sabi niya sabay halos patakbo umalis sa harapan ko. Ako naman ay parang na-estatwa sa kinatatayuan ko, at pinagmasdan lang ang pagmamadali niya, sobrang ingay pa ng ginagawang tunog ng heels niya sa kanyang mabilis na lakad hanggang sa nawala na din siya sa paningin ko. What the fùck just happened? Anong sinasabi niya na magse-celebrate siya dahil binigay ko na ang gusto niya, e hindi pa naman ako pumapayag na magkaroon siya ng piece of share sa kumpanya ko, and she even invite me to her party later para pag-usapan daw namin ang housing benefits niya like what the hell?! Ako nga na mismong may-ari ay walang housing benefits tapos kung maka-demand siya? Kung siya na lang kaya ang maging boss sa aming dalawa at ang daming niyang gusto. Nandito na ko ulit sa loob ng opisina ko, and fùck, parang lalo atang lumakas ang sweet scent dito sa loob na kaparehong amoy ni Lyra. Ang babaeng sobrang tigas ng ulo. I swear if I were her real uncle, makakatikim talaga siya ng palo sa akin. Tinapos ko ang ilang task ko hanggang sa oras na para umuwi ng makatanggap ako ng text mula kay Lyra. Lyra: 27th floor, The Penthouse, 123 Makati Ave. Bahagyang nanlaki ang aking mga mata ng mabasa ko ang address. That's one of the poshest buildings in Makati. Sabi niya nakikitira lang daw siya sa kaibigan niya na hindi ko alam kung babae o lalaki ba? Tapos ngayon ay magpaparty pa siya? Ano bang klaseng ugali meron ang anak ni Mr. Dominguez. Pupuntahan ko siya pero hindi para pumarty kung hindi kailangan namin mag-usap at magkaliwanagan. Kailangan niyang maintindihan na ako ang boss, at ako ang masusunod at hindi pwede ang mga kung ano-anong dinedemand niya. Nandito na ako ngayon sa tapat ng pinto ng penthouse niya at pagkabukas pa lang niya ng pinto ay agad bumungad sa akin ang maganda niyang ngiti. "Hi, Uncle Silas!" masigla niyang pagbati sabay hila sa akin papasok sa loob. What the - saglit akong nawala sa sarili ko dahil napatitig ako sa kanya. She's so pretty; she's wearing a black mini dress that hugs the perfect, sѐxy curve of her body, but I have to keep in mind that behind her looks, she's a handful and is probably plotting something devious. Hinila niya ko sa may sala tapos nagulat na lang ako ng bigla niyang kinuha ang lahat ng atensyon ng taong naririto. "Guys, here's my Uncle Silas, the reason why I can afford your beers, so say hi to him, and be nice!" Pagpapakilala sa'kin ni Lyra sa lahat. Pinasadahan ko naman ng tingin ang mga guest niya na na halos lahat nga sila ay may hawak na beer, and not a local brands for fùck sake! Ang mga bisita, halos lahat nasa early 20s, isa-isa na akong binabati, at tinatawag akong 'Uncle'. "Hi, Uncle Silas!" "Hello!" "Uncle!" "Uncle, beer?" "Kamusta, Uncle?" Putang-ina, parang gusto ko ng mag-wala, lalo pa ng bumulong si Lyra malapit sa may tenga ko ng... "Uncle, enjoy the party!" And then I saw her smirk. Halatang nang-aasar, so sarcastic, and I am fùcking mad now, maybe it's time to show her who's the boss. And I swear, I'm going to enjoy this, and I'm sure everyone's going to be shocked because I'm about to do something. Masyado na kong nagiging mabait, at masyado na ring umaabuso si Lyra, kaya oras na para disiplinahin ko siya. Tignan ko lang kung tawagin pa niya kong uncle sa gagawin ko sa kanya, at hindi lang siya pati na rin ang lahat ng taong nandito dahil pagkatapos ng gagawin ko ay sigurado ako na hindi na nila iisipin na uncle ako ni Lyra. She's about to walk out on me pero nahaglit ko ang isang braso niya at hinila ko siya paharap sa akin sabay pinaglapit ko ang aming mga katawan, as in closer. Biglang tahimik naman ang buong paligid at tila ba tumigil ang oras habang pinapanood kaming dalawa. Magkalapit na magkalapit ang aming mga katawan, at ang aming mga mukha habang nakatitig sa isa't-isa. "Uncle Silas, what are you doing?" Nalilitong tanong ni Lyra sa mababang boses. Bukod sa sweet niyang amoy, naamoy ko rin ang takot niya. Naririnig ko ang malakas na kabog sa dibdib niya. Nakikitaan ko ng takot ang mga mata niya. Sa tingin ko heto lang talaga ang tanging paraan para matigil na siya sa pagtawag sa'kin ng uncle ng may kasama pang pagre-recruit sa iba. "You are not going to call me Uncle, after this!" Anas ko sabay sunggab ng halik sa labi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD