LYRA
Monday sucks!
I can't believe isa na ako sa mga taong magsasabi ng ganito. But anyway, naalala ko, hindi lang pala ako dapat maging simpleng empleyado.
9:12 AM.
Sinadya ko.
Hindi ako nagmadali. Hindi ako nag-apologize sa sarili ko.
And in fact, wala rin akong planong mag-apologize kay Uncle Silas.
Relax lang ang kilos ko. Dumaan pa nga ako sa café bago pumasok sa building.
“Iced latte. Extra caramel.”
Kung papasok ako sa impyerno, at least may aesthetic.
I’m super late.
Gusto ko makita kung gaano siya ka-controlled kapag ako ang nang-iinis.
Naglakad ako papasok sa building na parang runway ang lobby.
Thanks to George, siya ang nagturo sa akin paano maglakad na parang model.
Black fitted dress.
Sunglasses.
Heels that announce authority.
Napansin ko agad ang mga mata.
Judging. Curious. Amused.
Good.
I like being watched.
Let them look.
Let them whisper.
Dominguez heiress is back.
And working under Silas Villanueva.
Cute.
Pumasok ako ng elevator at pagdating ko sa executive floor, agad sumalubong ang katahimikan.
Aircon cold.
Organized.
Very Silas Villanueva.
Sinalubong ako ni Vera. And to be honest, thankful naman ako na hindi siya dinamay ni Uncle Silas sa war namin.
“Ma’am Lyra, you’re late,” aniya sa tila nanginginig na boses.
Pati mukha niya halatang may takot.
Damn him.
Sobrang nakakatakot ba talaga maging boss si Uncle Silas para magkaganito si Vera?
“Relax, Vera. Ano ka ba? Ako pa ba matatakot sa kanya?” I said confidently sabay nilagpasan ko siya.
Naglakad ako papunta sa opisina niya.
Hindi ako kumatok.
Binuksan ko agad ang pinto.
Nandoon na siya.
Of course.
Nakatayo sa likod ng desk. Sleeves rolled up. Vest perfectly fitted. Hawak ang tablet. Focused.
Hindi man lang tumingala agad.
Mas nakakairita.
“Good morning, Uncle.”
Dinidiinan ko talaga.
Slow. Sweet. Mocking.
Doon lang siya tumingin.
“Ms. Dominguez.”
What?
Napakurap ako.
Hindi ba siya maiinis? Hindi ba siya maiirita?
Anong meron? It’s just Monday.
But anyway.
Lumakad ako papasok na parang ako ang may-ari ng building. Umupo ako sa chair sa harap niya without asking.
I crossed my legs deliberately.
“You didn’t wait for me?” sabay higop ng iced latte.
“You were scheduled at eight.” He said it like a reminder.
Not angry. Not sharp. Just factual.
Alam ko naman. I just wanted him angry but he's not and something is off.
He looks… calm.
Tumingin ako sa relo.
9:19.
“Traffic,” sabi ko sabay kibit-balikat.
“Your condo is twelve minutes away.”
Hindi man lang siya kumurap.
Napakunot noo ko.
“You’re tracking me now?” tinaasan ko siya ng kilay bago muling nag-sip ng kape.
“I track inefficiency.”
I stopped mid-sip.
Grabe ang atake.
“So ano? Deduct mo sa imaginary salary ko?”
Inilapag niya ang tablet. Maingat. Controlled.
Finally giving me his full attention.
“You’re late. Again.”
“First day pa lang,” sagot ko habang iniikot ang straw.
“And you’re already proving my point.”
Tumayo ako. Lumapit sa desk niya. I placed my drink down with a soft thud.
“Which is?” tanong ko, chin slightly raised.
“That you think this is a game.”
Napangisi ako.
“Isn’t it?”
Biglang tumahimik.
Lumibot siya mula sa likod ng desk. Mabagal. Hindi nagmamadali.
Huminto siya sa tabi ko.
Too close.
Ramdam ko ang init ng katawan niya kahit naka-vest siya.
Pero hindi niya ako hinawakan.
“This,” sabi niya nang mababa ang boses, “is a company.”
Tumingin siya sa hawak kong iced latte.
“You have ten minutes to finish that.”
Diretso ang tingin niya sa mata ko.
“Then Vera will brief you on the acquisition audit.”
Napakurap ako.
“That’s it? Wala man lang sermon? Wala ‘yung respect your elders’ moment?”
“I don’t need you to respect me.”
He straightened slightly.
“I need you to deliver.”
Something in my stomach tightened.
I crossed my arms.
“You’re not even reacting when I call you Uncle?”
“No.”
Simple. Cold.
“Why?” mas madiin kong tanong.
“Because if that’s the only power you think you have,” sagot niya nang diretso, “I’m not interested in taking it away.”
Para akong nasampal.
Lumunok ako.
“You want shares?” tuloy niya habang bumabalik sa desk.
“You want equity?”
“You want the mansion?”
Each word precise.
“Earn it.”
Napatawa ako.
“You’re enjoying this.”
“No.”
Napatingin ako sa kanya at napangisi.
“Naalala ko lang yung kanta ni Britney Spears — ‘You better work, bìtch.’ Magkatunog eh.”
Hindi siya ngumiti.
Nag-sign siya ng document.
“I’m testing you.”
Testing.
That word again.
“You think I can’t handle this?” lumapit ako sa desk, dalawang palad nakapatong doon.
“I think you’ve never had to.”
Tumigas ang panga ko. Sobang judgemental niya.
“You don’t know me.” Inis kong sambit.
Walang siyang karapatan i-judge ako.
“I know your record.”
“Which is?” sagot ko, kahit may kabog na sa dibdib ko.
“Three startups funded.”
Tumango ako.
“Two failed.”
Humigpit ang hawak ko sa desk.
“One abandoned.”
I froze. Alam niya ang bad records ko.
"That was strategic."
I mean hindi naman lahat ng negosyo ay magiging successful agad sa umpisa, and besides bored lang ako nung ginawa ko ang mga iyon.
"That was impulsive."
Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko.
Pakiramdam ko na sa court kami at na-corner niya ako.
Kahit anong sabihin ko palagi siyang may sagot, ayaw magpatalo.
"You think I’m spoiled." Diretcha kong sabi dahil 'yon naman talaga ang tingin niya sa'kin.
"I think you’re untrained."
"Excuse me?!" Inis kong sambit.
Humakbang ako palapit pa. Halos nasa ibabaw na ako ng desk niya.
He didn’t move.
"You grew up around power," dagdag niya, steady. "But you’ve never built it."
Hayan na naman siya, bakit parang kasalanan ko pa ngayon, e sa naka-built na nung ipinanganak ako, e alangan naman buwagin ko, at i-built ulit.
Ano ako sira?!
Hindi ako sumagot sa sinabi niya kaya ang tahimik, as in sobra, feeling ko parang buong office na ata ang naging tahimik sa labanan ng tingin na ginagawa naming dalawa.
Ang tanging naririnig ko lang ay ang paghinga ko.
“You want to prove me wrong?” tanong niya.
I lifted my chin.
“Take the audit.”
“Find the discrepancy in the subsidiary reports.”
“And if I don’t?” hamon ko.
“Then you confirm my assessment.”
“And if I do?”
Bahagya siyang sumandal sa chair.
Hindi ngumiti.
Pero nagbago ang tingin.
“Then we renegotiate your position.”
Hindi ito pang-asar.
Talagang seryoso siya sa gusto niyang mangyari.
Nagkatinginan kami.
Medyo matagal.
Parehong ayaw magpatalo hanggang sa tinalikuran ko na siya.
“By the way,” dagdag niya habang papunta na ako sa pinto.
Huminto ako. Hindi lumingon agad.
“If you’re going to be late again…”
Bahagya akong tumingin over my shoulder at saka ko siya nilingon.
“At least make sure you’re worth waiting for.”
Dumampi ang tingin niya sa akin.
Hindi bastos. Hindi malambing. He giving me a kind of stare that he's like challenging me.
A test, just like what he said.
Pero may something.
Nagbilang ako sa isip ko. Isang segundo. Dalawang segundo bago ako muling tumalikod.
"Don’t flatter yourself, Uncle," sabi ko sabay bukas ng pinto.
Pinakita kong matapang ako pero paglabas ko ay napahawak ako sa dibdib ko.
Mas mabilis ang t i bok ng puso ko.
Aaminin ko, medyo nakakatakot nga siya pero sa tingin ko naman ay kaya ko pa rin naman siyang labanan.
He didn’t break. Hindi siya nagalit. Hindi siya nainis.
He challenged me.
Fine.
You want discipline?
You want performance?
Sige.
Kung iniisip niya na wala akong skills at talino for this ay nagkakamali siya.
Let’s see who survives this first.
Round two, Uncle.
Game on.