LYRA Alam mo ‘yung pakiramdam na nabawi mo nga ang isang bagay… pero hindi mo naman kontrolado kung sino ang may access dito? That’s exactly how this mansion feels. Technically, mine. Strategically? Still contested territory. Nagulat na lang ako nang kumatok si Nanay Riza sa kwarto ko. “Ma’am Lyra, may bisita po kayo sa library.” Library. Napakunot ang noo ko. That room is not for casual conversations. Hindi doon umiinom ng tsaa. Hindi doon nagkakamustahan. That room is for negotiations. Contracts. Power shifts. “Sino?” tanong ko. “Si Sir Silas po… at may kasama.” Sir Silas. Right. Fiancé ko na pala. I’m still trying to ditch the “uncle” label in my head because technically engaged na kami. Minsan nakakalimutan ko pa rin. Huminga ako ng malalim. Tumingin sa salamin. Inayos

