Chapter 2

3001 Words
Queen bee /ˌkwēn ˈbē/ -a woman who has a dominant or controlling position in a particular group or sphere. *** Danilo POV "Taray papasok ka pa rin pala?" Namamangha ngunit puno ng sarkasmo ang boses ni Maurine. Napansin nito na ako'y gumagayak na. Hindi ko maiwasang mapatigil sa ginagawa. Napayuko ako at hindi na lang pinansin ang sinabi niya. Para san pa? Sa ginawang mga araw ng Diyos walang ibang ginawa 'to sa 'kin kung hindi ay laitin ang gaya ko na parang hindi niya kapatid sa ama. "Bakit pa pag aaralin ang kagaya mo nasisigurado ko naman na walang tatanggap sayo sa trabaho." Panunuya pa ni Mario. Nakabihis na rin ito at hinihintay na lamang si Maurine na abala pa sa paglalagay ng make up sa mukha niya. Akala naman nito ay may magbabago sa mukha niya. Kahit gaaano pa kamamahalin ang kuloreteng inilalagay nito sa mukha ay hindi nito matatakpan ang kapangetan ng ugali nito. Ipinagkibit balikat ko na lamang ang lahat ng narinig ko. Dapat masanay na ang puso at isip ko sa mga binabato nilang salita. Ngunit tao pa rin ako,nasasaktan nang paulit ulit dahil sa mga walang prenong pang huhusga at pang mamaliit nila dahil sa itsura ko. Mas humihirap kaharapin ang mga araw na dumadating dahil wala man lang akong kakampi. Mahigit isang linggo rin akong nakiusap kay Tatay para sa tuition fee ko. Mabuti na lang kahit papano ay naawa ito sa akin. Oo,kahit kakarampot na awa ay naibigay niya na halos manikluhod ako para pag bigyan ng sariling ama ko. Isang taon na lamang ay matatapos ko na rin ang senior high kunting tiis na lamang. Sana nga... "Maurine bilisan mo na anak aalis na tayo mala-late na si Mommy. May meeting pa ako." Sa sigaw ni Tita Esmeralda ay nagmadali na si Maurine. Kaagad silang sumakay sa Mercedes Benz na C 300 nito. Isang admin sa isang kompanya si Tita Esmeralda samantalang si Tatay naman ang nag aasikaso ng car wash business nila at maliit na grocery store. Masasabing may kaya ang pamilya ngunit maramot pag dating sa akin. Nakasakay na sila Maurine sa sasakyan at kagaya ng mga nagdaang araw ako ay papasok ng naglalakad. Sa kabila na pareho namang paaralan ang pinapasokan namin ay kahit kailan hindi nilang ginusto na magkakasabay kami. Hindi ko rin naman binalak na sumabay sa kanila. Kung ayaw sa akin ng tao,bakit ko pipilitin? Tsaka hanggat maaari ay iniiwasan kong makasalubong sila ni Jack sa mga araw na may pasok dahil sa takot na mahuhuli ako sa klase. Bugbog lang ang aabotin ko sa oras na magkrus ang landas namin. 20 minuto ang ginugugol ko sa paglalakad bago makarating sa school. Semi private ito at kilala rin hanggang sa Central City. Ako'y nakaupo sa may dulo ng row at malapit sa bintana. "Classmate pa rin natin yang Taba na yan?" "Bulag ka ba? Ang laki-laki ng katawan niyan hindi mo nakikita na nandito." "Ang malas naman ng klase natin. May classmate tayong bisugo, tas nagtatawag ng kamalasan." Rinig kong usap-usapan ng tatlo kong kaklaseng babae. Naririnig ko kayo! malinaw kong naririnig ang mga boses niyo . Gusto kong isigaw ang mga katagang yan. Gusto kong malaman nila ang saloobin ko ngunit kahit gaanong tapang pa ang ipunin ko sa sistema ko ay wala akong lakas ng loob upang pumalag. Pero nakakatawa rin, kung sino pa ang kapintas pintas madalas sila pa yung hindi nakikita ng mga mali sa pagkatao nila. "Good morning Danie" Isang anghel ang bumaba sa langit. Sa malambing at hindi makabasag pinggan na si Venus ngayon ay binabati ako. Malamyos ang boses nito at hindi nakakasawang pakinggan. Maganda nga naman talaga ang umaga. Ngayon ay nasilayan ko na siya. Is this a perks in every first day of school? "G-good Morning din V-Venus." Nauutal sa hiya kong tugon sa kaniya na siyang matamis na ngiti ang balik sa akin. Sa angking ganda at mala snow na kutis ni Venus rason upang siya ay kilalang kilala sa campus. Matangos ang ilong nito at natural na mahaba ang pilik-mata. Manipis ang maliit nitong labi. Ika nga nila isa siyang living doll. Walang lalaki sa campus ang hindi kilala ang isang Venus Quira Lee. Minsan nagtataka ako kung bakit niya kinakausap ang kagaya ko. Masasabi ko lang ay, hindi lang siya maganda kundi busilak din ang kaniyang puso. Hinahangaan ko ang ganoong tao. Hindi lang ang katangian nila sa panlabas ang maganda kundi pati ang kalooban. "Danie I have a favor." Namumula naman ako sa sinabi niya. Himalang maituturing ang ganitong interaction. Sino ba naman ako para tanggihan ang isang anghel? Lumapit ito sa akin. Amoy na amoy ko ang matamis nitong perfume. Halatang hindi iyon pucho-puchong pabango lamang. Paniguradong hindi kaya ng hampas lupang tulad ko ang bumili ng ganoong pabango. Mukhang nasa langit na yata ako. Ibinulong lamang nito ang gusto niyang ipagawa sa akin at ngumiti ako bilang pag sang-ayon. "Hey Venus halika rito wag kang makikipag usap sa panget na yan. Baka mahawa ka sa kapangetan nyan" Pero wala akong paki alam sa sinasabi nila dahil masaya ako ngayon dahil kay Venus. Ang mahalaga ay kinakausap ako ni Venus!Sapat na yon para sa kagaya kong humahanga sa kaniya. Third POV Sa classroom ng junior class ay nagkakagulo ang mga estudyante dahil sa takot at balisa. Nang buksan ni Jessica ang isang gift box ay patay na daga ang siyang bumungad sa kaniya. Kasama ang isang death threat letter. Kilala sa campus ang dalaga kung kaya normal sa kaniya ang makatanggap ng regalo galing sa mga secret admirer niya. Kung kaya isang malalang eskandalo ito para sa kaniya. Mahigit isang buwan na rin siyang nakakatanggap ng di kaaya-ayang regalo. "This is too much mi amore!" Galit na galit na turan ng Spanish niyang mang liligaw na si Hernan Dela Cruz. Nasa mukha nito ang pag alala sa babae. "Kailangan na nating mahuli ang gumagawa nito sayo" Walang magawa si Jessica kundi ang maiyak. She love the attention she's getting now. Ang simpatya at pagmamahal yon ang mga gusto niya. Higit sa lahat ay ang contrast na hindi siya isang tipikal na estudyante lamang kundi tinitingala at kinaiinggitin ng maraming Eba. Kaagad na nilinis ang desk ni Jessica at balik sa klase ang atensyon ng lahat. Kalaunan dahil sa social media ay kumalat din ang nangyari kay Jessica. Ang Lahat ng estudyanteng naka follow sa IG account nito alam ang nangyari rito. Puno ng simpatya ang comment section sa post ng dalaga at ang karamihan ay nanawagan pa ng hustisya para sa biktimang si Jessica. Abala naman ang dalaga sa banyo upang mag retouch ng make up nito. Sa angking ganda niya tila mahahalintulad ito sa isang kpop idol. Perpekto ang bawat kurba at hulma sa katawan ni Jessica. She's the best opponent to Venus Lee. Bakit naman hindi? Kung laging laman ng kilalang salon at skin care clinic ang babae at anak rin ito ng isang kilalang reporter and journalist. "You're so pretty talaga Jessica" Papuri naman ng kaklase niyang si Althea. Alam ni Jessica ang inggit nito sa kaniya. Aware rin siya na isa ito sa mga basher niya. "Saang clinic ka nagpagawa?" Dagdag pa nito as she give her a smirk. "Yeah,If you don't mind the question saan nga ba?" Magiliw na tanong ni Venus na kalalabas lamang sa dulong cubicle. Matamis na ngiti ang tugon ni Jessica sa mga babaeng puno nang inggit ang nalalaytay sa kanila. "This is natural sis. I was born as pretty as an angel." Matapos nitong magsuklay ng buhok ay kaagad na umalis si Jessica and proudly carrying her hermes bag. Bragging it sa pagmumukha ni Venus na hindi siya nito masasapawan sa anumang aspeto. There is only one Queen bee in this campus and none other than but her. Siya'y napatingin sa kaniyang wrist watch na chanel. It's 12 pm at minabuti niyang pumunta ng cafeteria. "Ang sexy talaga ni Jessica" "Hindi lang sexy maganda pa" "She got it all" Ilang beses man niyang marinig ang mga salitang iyon ay hindi siya nagsasawa pakinggan iyon. Umorder lamang siya ng isang vegetable salad at mango juice. Tama na iyon na pang laman sa tiyan dahil iniingatan niya ang figure nya. Iyon ang advantage niya kay Venus at ipapakita niya na hindi siya mauungosan nito. "There you are. Kanina pa kita hinahanap Jessica." Masayang lumapit sa kaniya si Hernan at dala-dala rin nito ang kaniyang tray na may laman ng pagkain. Pinili nilang maupo sa gitna, a location for a Queen. Sa hindi kalayuan nakikita niya ang isang matabang lalaki. Sa nakikita niya 100 kilo na siguro ang timbang nito. Pinaglalaruan ito ng mga kaklase nito. Oo iyon ang tamang termino sa uri ng pakikitungo nila sa binata. "Lagyan mo pa ng spag sa ulo para humaba ang wig niya." Natutuwang mando pa ni Lawrence Coangco. Kilalang bully sa campus. Matangkad ang lalaki at nasa awra nito na handa ito makibasag ulo sa ibang tao at walang inaatrasan. Kung kaya walang ibang estudyante ang umaalma o lumalaban dito. Wala rin masabi ang eskwelahan dahil sa malaking donation na natatanggap nila mula sa pamilya ng binata. They should keep it that way kung ayaw nilang maging impyerno ang buhay nila. Mabuti na isa ang biktima o alay kaysa marami ang maaagrabyado. "Danilo huwag na huwag mong bibitawan iyang mansanas. Malilintikan ka sa akin pag yan natanggal sa bibig mo." Halakhakan ang sumunod na galing sa limang lalaki at tahimik lamang si Danilo. Wala siyang magagawa sa sitwasyon niya. Maigi na maging ganito. Kanina pa siya lagkit na lagkit sa spaghetti at pansit sa kaniyang ulohan. Ginawang piluka ng mga ungas ang pagkain. Hindi na inisip na maraming taong nagugutom sa mundo ngunit mas piniling paglaruan ang pagkain. Puno rin ng ketchup at toyo ang mukha niya. Nangyayari ito at marami ang nagbubulag bulagan sa sitwasyon niya. Hindi na rin siya umaasa na may aawat sa mga ito. Wala siyang kakampi,wala siyang kaibigan. Walang may gusto na kaibiganin siya. "Tada... Natapos na rin." Pumapalakpak pang turan ni Lawrence. Natutuwa ito na tila may malaking bagay na na-achieve. Puno ng galit at awa sa sarili si Danilo. Kinuyom niya ang kaniyang kamao. Walang ibang tao ang magtatanggol sa kaniya,wala siyang aasahan kung hindi sarili niya lang. Lalaban siya hindi pwedeng laging ganito na lang. Ngunit nang nagtagpo ang paningin nila ni Lawrence pinanawan siya ng lakas ng loob. Nginig at takot ang namayani sa kaniyang sistema. Paano siya lalaban sa isang tao kung sa tingin pa lang nito ay wala siyang balak na buhayin? "Okay piggy, say oink oink" Nakangiting utos ni Lawrence. Hindi makapag react si Danilo, natutop niya ang kaniyang dila. This is the lowest he ever got into. Ang kaniyang dignidad,pride at moralidad ay tinatapaktapakan ng mga taong wala namang ambag sa buhay niya. "O baka naman gusto mong putolin ko yang dila mo para matuloyan kang di makapag salita Baboy!" Singhal nito na siyang ikinatahimik ng buong cafeteria. Walang estudyante ang nais gumalaw o gumawa ng anumang kilos. "Gusto mo magaya kay Kenneth?" Sa tanong na iyon ay mas lalong nanginig pa sa takot si Danilo nang mabanggit ang pangalan ng binata. Hindi makatao ang ginawa ng mga 'to sa kawawang Kenneth. Isa-isa nilang tinanggal ang mga ngipin nito sa harapan at hindi pa nakuntento ang grupo ni Lawrence dahil pwersahang kinalbo ng mga ito ang binata. Isang scholar ang binata at dahil sa sinapit ay tumigil na ito sa pag-aaral. "O-oink..oink... Oink.." Kaniyang bitiw sa mga salita. "Susunod ka rin naman pala. Gusto pang masaktan e." Turan ng kasama ni Lawrence. May hawak itong cellphone at handang handa na kunan siya ng litrato at picture. "Act like a pig." Malamig na utos ni Lawrence sa kaniya. Labag man sa loob ay naglakad na parang baboy si Danilo. Ang mga kamay niya'y nasa sahig. "Very good piggy" Masayang turan ni Lawrence. Wala itong pakialam kay Danilo hindi tao ang tingin niya rito. Kundi isang hayop na dapat baboyin. "Gusto ko yung baboy na sexy." Sa kaniyang utos ginawang matinis ni Danilo ang kaniyang boses na tila parang isang babae. Hiyang-hiya man ngunit kailangan niyang makasurvive ngayon. Kaya handa siyang sundin ang lahat ng gusto ng binata. "Put* ang panget-panget mo talaga" Mabilis ang mga pangyayari,marahas na iningungod ni Lawrence ang mukha niya sa sahig na basa at maruming tubig gamit ang paa nito. "Binibigyan kita ng special skin care routine malay mo mawala yang kapangitan mo." Turan nito na akala mo dapat na magpasalamat ang tao sa dahas na ginagawa niya. "Lawrence Coangco!" Sa boses na iyon ay parang nakakita ng pag-asa si Danilo. "Stop it, hindi mo ba nakikita na nasasaktan si Danie." Sa wakas may magtatanggol na sa kaniya. Sa kabila ng sinapit ngayon sa kaalaman na may ibang taong nakikita na nasasaktan siya ay galak ang hatid non sa binata. "Boring, you're no fun Venus." Tanging nasabi ni Lawrence at umalis na lang kaagad sa cafeteria. Tila nakahinga ang maraming estudyante na akala mo humarap sa kamatayan. "You okay Danie?" Makikita sa mala anghel na mukha ni Venus ang pag alala para kay Danilo. "Oo a-ayos lang ako, maraming s-salamat V-Venus." Maingat na tumayo ang binata at mabilis na nagsilapitan ang ibang estudyante. "Buti na lang dumating ka Venus." "Hindi ka lang maganda Venus kundi napakabait mo pa." "Venus you're so perfect as Queen bee." Minaigi na lamang ni Danilo ang umalis sa cafeteria at nagtungo sa cr upang linisin ang sarili. Siya'y natutuwa rin dahil marami ang humahanga sa kaniyang idolo. He also adores Venus. Ngunit may isang babae ang hindi natutuwa sa scenario ngayon. "Dapat ako lang ang Queen Bee!" "Don't worry mi Jessica,you are the only Queen Bee mi amore." Nagsalubong ang tingin ng dalawang diyosa na tinitingala ng mga estudyante. Hindi maitago ni Jessica ang inis sa dalaga at napangiti na lamang si Venus. Danilo POV "Talaga namang pinanindigan mo na ang pagiging baboy no?" Galit na galit si Tita Esmeralda nang dumating ako. Hindi ko maalis ang amoy ng patis sa katawan ko. Nang dahil nga don ay masasamang tingin ang binabato sa akin ng mga kaklase ko at disgusto naman sa mga guro ko para sa huling tatlong subject. "Maligo ka roon Danilo!Kung ayaw mong palayasin kita rito" Singhal ni Tita Esmeralda kahit naman hindi niya iyon sabihin ay yon ang balak kong gawin. Kaagad akong naligo sa banyo at maiging sinabon ang katawan ko. Nakikita ko ang sarili ko sa salamin. Bilog ang tyan na akala mo pitong buwan ng buntis. Higit sa lahat ang mukha kong namumula dahil na rin siguro sa maruming tubig na nabasa rito. Nagbabadya ang paglala ng acne ko sa mukha. "Wala nga talaga akong pag-asa" Tinapos ko na kaagad ang pagliligo. Nang makalabas ng banyo ay naririnig kong may kausap sa telepuno si Tita Esmeralda. "Good bye Honey, I love you." Mabilis nitong tinapos ang tawag nang mapansin na palabas ako ng banyo. Kausap nito si Tatay.Hindi ko alam kung pano ko nakakayanan na matiis na tumira sa iisang bubong kasama n ang babaeng sumira sa pamilya ko. Matalik na kaibigan ito ni Nanay at hindi ko akalain na ito pa mismo ang mang aahas sa relasyong kinaiingatan at pinahalagahan ni Nanay. "Hindi mo kamukha si Philip at hindi ka rin hawig ni Eden." Biglang kausap nito sa akin. "Siguro anak ka sa ibang lalaki ni Eden.Malandi talaga ang babaeng 'yon" Nawala ako sa sarili ko nang marinig ko ang paninira nito sa Nanay ko. Mabilis kong kwenilyohan ito at handa akong kalimutan ang mga aral ni Nanay na dapat rumespeto sa mga nakakatanda. Ngunit malakas na sampal sa pisngi ang nagpabulagta sa akin. "Tatay!" "Nasisiraan ka na ba ng bait Danilo Perez!"Sigaw nito sa akin na kakarating lamang at nadatnan niya ang pagkwelyo ko kay Tita Esmeralda. "Yang anak mo gusto akong saktan!Gusto niya akong patayin Philip" Umiiyak nitong sumbong. Ang bilis niyang bagohin ang kwento.Napakagaling niyang umarte daig pa niya yata ang mga batikang actress. "Sinabi niyang malandi ang Nanay at anak ako sa ibang lalaki" Hindi ko man maipagtanggol ang sarili ko pero gagawin ko yon para sa natatanging tao na nagpahalaga sa akin at minahal ako ng buong buo. "Mag sorry ka kay Tita Esmeralda mo." Natigilan ako sa sinabi ni Tatay. Hanggang sa ganitong punto ay ibang tao ang kakampihan niya. "Kadugo mo ako Tatay. Hindi mali ang ipagtanggol ang Nanay sa sinabi ni Tita Esmeralda." Paninindigan ko ngunit malakas na sampal lang ang inabot ko sa kabilang pisngi ko. "Ito ang tatandaan mo Danilo,sa oras na maulit 'to kakalimutan ko na anak kita." Parang tumigil ang mundo ko. Sa trato at sa uri nang pakikitungo niya sa akin anak pala ang tingin niya sa akin. "Tsupi ayokong makita ang mukha mo" Malakas akong tinulak nito hindi ko nga naramdaman dahil ang utak ko ay ang tanging laman ngayon ay ang sinabi ng sarili kong ama. "Honey kumain na lang tayo sa labas, date tayo.Babawi ako sayo dahil alam mo naman na ayokong sumama loob mo." Magiliw na yaya ni Tatay kay Tita Esmeralda. Sunod-sunod na naglandas ang mga luha ko sa pisngi. "Sa dami ng nangyari sa akin ngayong araw hindi mo man lang ako kinamusta Tatay .Alam mong masama rin ang loob ko pero para sayo bakit parang bawal kong maramdaman iyon?" Third POV "Nagawa mo na ba ang gusto?" "Oo naman alam mo naman na malakas ka sa akin" Halik sa pisngi ang binigay ng dalaga sa lalaking handang gawin ang gusto at utos niya rito. "You will be the Queen at ikaw lang ang dapat na sa tronong 'yon." "Very good" Matamis ang ngiti ng dalaga. Ngiting huhumaling sa kahit na sinong lalaki at kakainggitin ng babae. "Alam mo namang mahalaga ka sa akin di ba?" She will do everything, kahit na aabot sa punto na kailangan niyang gumamit ng ibang tao. This will be the key to her dreams. Lalo na ito ang magiging daan upang makapasok sa prestihiyosong unibersidad. "I am the only Queen."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD