Chapter 3

3163 Words
Sa tunog ng cellphone ko ako ay nagising. May tatlong text messages na mula sa hindi ko kilalang numero. “Good morning Danie, this is Venus.” Nang mabasa ang pangalan ng niya ay hindi ko mapigilan ang abot tenga na ngiti. Napakaganda nga naman ng bungad ng araw sa akin. “May gusto akong sabihin sa’yo. Magkita tayo sa rooftop ng school by 10.” Walang pagsidlan ang saya ko ng mabasa ‘yon. Hindi ko papalampasin ang chance na ‘yon dahil break time naman ‘yon ay pupuntahan ko si Venus. “Baka sasabihin niyang gusto niya rin ako.” Napasuntok pa ‘ko sa hangin sa tuwa . Ang isiping may gusto rin siya sa akin tila abot ko ang langit. Mabait si Venus sa ‘kin at ang ngiti niya ay napakatamis pag kausap niya ako. Kaya posibleng may gusto sya sa ‘kin. “Mahal kita Venus Quiran Lee.” Ngiting-ngiti kong sabi medyo masakit na nga ang pisnge ko dahil don. “Hoy baboy! Hindi kaba kinikilabutan jan sa sinasabi mo.” Bulyaw ni Mario. Kasunod no’n ang malakas na batok sa ‘kin. Hindi ko napansin na nakapasok na pala siya sa kwarto ko. Masama ang loob na tiningnan ko siya at pasimpleng napakuyom ang kamao. “Tinitingin-tingin mo jan?” Aktong uumbagan niya ako ng suntok pero biglang napayuko ako bilang pagsuko. “Lalaban ka na ba sa ‘kin ngayon?” “H-hindi naman sa ganon Mario,” nanginginig kong tugon. Sa takot na baka sakit sa katawan ang ibibigay nito sa kaniya. “Sa tingin mo ba na may babaeng magkakagusto sa’yo?” Duro pa nito sa ‘kin. “Huwag ka na umasa na may magmamahal sa ‘yo.”Napatingin pa siya sa ‘kin na mula ulo hanggang paa, “Danilo gumising ka sa katotohanan, ang panget-panget mo at ang taba mo pa.” Oo nga pala, walang araw na hindi iyon pinapamukha sa ‘kin ng pamilyang ‘to. Kung kaya heto ako ngayon pinipigilan ang pagpatak ng luha. Ngunit hindi ako naniniwala sa sinasabi ni Mario, sigurado akong may gusto sa ‘kin si Venus. “Labhan mo ‘tong longsleeve ko. Kailangang matuyo yan kaagad gagamitin ko yan mamayang gabi.”Utos nito sa ‘kin na pabalang na binigay sa ‘kin ang damit bago umalis sa kwarto niya. Mahuhuli man sa klase ay wala akong mapagpipiliin kundi labhan iyon ngunit napatitig ako roon. Pwede kong suotin ‘yon sa pagkikita namin ni Venus. Dahil gusto ko magmukhang presentable sa harap niya. Malaki ang katawan ni Mario kaya paniguradong kakasya iyon sa ‘kin. Kaya pasimple kong nilagay ang longsleeve sa bag ko. Nang makarating sa school ay wala sa klase ang isip ko ngayon. Kung ano-anong senaryo ang nasa utak ko kasabay no’n ang pagbilis ng t***k ng puso ko sa tindi ng excitement. Ang mga mata ko naman ay nasa wall clock dahil sa tindi ng pagkasabik ko na mag alas dyes na. Ilang minuto pa ay nag alas dyes na rin. Malalaki ang hakbang na ginawa ko papunta sa rooftop. Hindi ko paghihintayin si Venus, ayokong mainip siya sa ‘kin. Dito na rin ako nagbihis ng longsleeve ni Mario ng mabilis sa pangamba na baka maabotan ako ni Venus sa hindi magandang disposisyon. “G-good morning Venus.” Kinakabahan kong bati sa kaniya nang dumating siya sa rooftop. May dala siyang maliit na kahon. Nakasarado iyon kaya hindi ko alam ang laman non. “Good morning Danie.” Tugon naman niya bago ilapag ang kaniyang dala. “Pasensya na kung pinaghintay kita.” Mahinhin nitong sambit at may ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi, “By the way, you look good now.” Nag init ang dalawang pisngi ko sa sinabi niya. Sa simpleng salita niya lamang ay napapagaan niya na ang loob ko. Sa pag ihip ng hangin kasabay non ang paghalo ng matamis niyang pabangon. Malinaw kong nakikita ang kagandahan niyang walang kapantay. “Ay oo nga pala!” Bulalas niya at masayang inilapag rin ang dala niyang lunch box sa bench na kinauupuan namin. Hindi ko sukat akalain na makakasama ko siya ng ganito kalapit. Hindi ko alam kung anong expression na ba ng mukha ko sa tindi ng kilig ko ngayon. Ako ba ay namumula? O sobrang halata na ba na gustong-gusto ko siya. I wanna treasure this moment. Ito lang ang pagkakataon na nakakalimutan ko ang masirableng buhay. “Ipinagluto kita Danie,” turan niya at binuksan ang lunch box na dala. May laman iyon na chicken adobo, scramble egg at hotdog kasama ng kanin. Mukhang mapapaaga ang tanghalian ko ngayon. “Sana magustohan mo.”Matamis na ngumiti siya ulit sa ‘kin. Gusto kong maiyak dahil sa unang pagkakataon ay may nagbigay ng mabuting loob sa akin. Wala akong masamang masasabi kay Venus, ideal girlfriend talaga siya. “Sabay na tayong kumain Danie.”Yaya nito na siyang pinaunlakan ko. “Danie may nagugustohan ka ba ngayon?” Nang marinig iyon ay kamuntikan na ako mabilaukan. Buti na lang nakainom ako kaagad ng tubig. Kasunod non ang pag reregudon ng puso ko. Parang may daga at pusang naghahabulan. “May tao akong nagugustohan ngayon. Hindi siya gwapo pero napakabait niya. Tsaka alam mo ba sa tuwing kasama ko siya yung happiness na binibigay niya sa ‘kin ay walang katulad. I always love the time that I spent with him.” Habang sinasabi niya ‘yon ay hindi matinag ang tingin niya sa ‘kin tila tatagos sa buong pagkatao ko samantalang ako ay hindi makatingin sa kaniya dahil sa hiya at kaba. “Gusto ko na ngang mag confess sa kaniya." Puno ng lambing ang boses na siyang lalong ikinapula ng mukha ko. “Ki-kilala ko ba ang tinutukoy mo?” Lakas loob kong tanong. Ayokong mag assume pero ang iniisip ng utak ko ay hindi ko mapigilan. Sinasabi non na ako ang tinutukoy niya. Napatingin ako sa mapula niyang labi at ito’y nagbigay ng matamis na ngiti na siyang hindi ko pagsasawaang tingnan. “Oo, kilalang-kilala mo siya.” Bigla niyang hinaplos ang pisngi ko. Gulat man sa biglaang inakto niya ay hindi ko mapigilan ang matuwa sa atensyong binibigay ni Venus sa akin. Hulog na hulog na ako kay Venus,hindi ko maitatanggi kung gaano ko siya kagusto. “Danie ito nga pala yung favor na sinasabi ko sayo,” aniya. Napatingin ako ulit sa box na dala niya atensyon ay naroon. “For the main time I want you to keep this box. Bantayan mo ‘to dito everytime na break time.” Sa mapupungay niyang mga mata habang sinasabi ang mga salitang iyon ay automatic na napatango ako sa gusto niya. Hindi ko tatanggihan ang request ni Venus. “Please let this be our secret.” “Promise walang makakaalam,”pangako ko sa kaniya. Sa tatlong araw na nagdaan sa tuwing break time ay iyon nga ang ginagawa ko. Curious man kung anong laman non ay hindi ko binubuksan ang box. Madalas rin na sabi kami umuwi ni Venus pakiramdam ko nga ay ako na ang napakaswerte lalaki sa mundo. Mag isa akong kumakain ng baon ko nang may marinig akong nagkakagulo. Mga yapak na paakyat sa rooftop. Iniluwa ng pinto ang namumula sa galit na si Jessica. Kilala ko siya dahil galing ito sa star section at classmate ni Venus. Malalaki ang hakbang na siya’y lumapit sa akin. Kasunod non ay narinig ko na lamang ang malakas na tililing sa aking tenga dahil sa malakas na pagkakasampal niya sa akin. Bumulagta ako dahil sa gulat na rin sa kaniya at halos magdilim ang paningin ko. “Napakawalang hiya mo!” Bulyaw ni Jessica at nanglilisik ang mga mata niya sa akin puno rin iyon ng disgusto. “Anong nagawa ko sayo?” Nagtataka kong tanong habang sapo ang kumikirot na pisngi. Oo nga pala balita ko sumasali rin ito sa amateur boxing competition. “Buksan nyo yan sigurado ako na nanjan ang ebidensya.” Utos ni Jessica. Ngayon ko lang napansin na maraming estudyante ang nandito sa rooftop at kasama niya ang malalapit niyang kaibigan maging ang mangliligaw niyang si Hernan. “Te-teka lang itigil nyo yan. Huwag kayong mangialam ng gamit ng ibang tao.” Pigil ko sa kanila at nakipag agawan sa box. Ayokong masira ang tiwala ni Venus sa akin. Hanggang sa dahil sa pag aagawan namin ay nasira ang box at bumulaga sa amin ang laman non. Isang malakas na suntok at tadyak ang binigay sa akin ni Hernan dahil sa nakita naming laman ng kahon. Laman non ang mga punit-punit na pang cheerleader uniform ni Jessica maging ang mga punit-punit na pictures niya. Nandon rin ang iilang kopya ng papel ng death threats sa kaniya. Alam ko rin na matagal na niyang mahuli ang mastermind non. “Magpapaliwanag ako,” namumutlang kuda ko. Buong katawan ko ay nanginginig na sa takot dahil sa pwede kong sapitin ngayon. “inosente ako, wala akong alam dito sa katunayan nga ay galing yan kay Venus.” Isang malakas na sampal ulit sa pisngi ang natamo ko galing kay Jessica. “Talagang si Venus pa ang sinisisi mo ngayon samantalang biktima mo rin siya.” Bulyaw niya na lalong kinagulo ng isipan ko. “Wala akong ginagawang masama kay Venus at lalong-lalo na sayo Jessica.” Tanggol ko sa sarili. Ngunit habang tinitingnan ang paligid ko ngayon lahat ng tingin ng mga estudyante sa akin ay puno na nang panghuhusga. Wala pang napapatunayan ngunit ako ay napaparatangan na sa gawaing masama na hindi ko naman ginawa. “Ang sabi ni Venus ay bina-blackmail mo siya kaya madalas ka niyang kasama. Huwag mo rin babaliktarin ang sitwasyon Danilo Perez dahil nahuli na kita.” Humugot ito ng malalim na paghinga at matalim na tumingin sa akin. “I can’t believe na may taong kagaya mong nabubuhay sa mundo. Look at your self ang pangit mo na nga gumagawa ka pa ng masama.” Natamimi ako sa sinabi niya, walang salita na gustong lumabas sa bibig ko. Namamawis ang noo at takot ang lumukob sa sistema ko lalo na sa kaalaman na walang mi-isa ang gustong ipagtanggol ako at maging kakampi ko. “Masyadong mataas ang pangarap ng baboy na ‘yan. Pinangarap na maging sila ni Venus at hindi pa nakuntento ginawan pa ng masama si Jessica.” “Pangdagdag pollution lang sa earth.You don’t belong here.” Rinig kong bulong-bulongan ng ibang estudyante. “Inosente ako Jessica. Wa-wala akong ginagawang masama.” Sa muling pagkakataon ay tanggol ko sa sarili umaasa ako na pakinggan naman nila ang panig ko. “Stop it Danilo, aminin mo na lang ang totoo.” Naluluhang turan ni Venus na kakarating lamang sa eksena. Pansin ko rin na nakasaklay siya at may iilang galos sa katawan. “ Anong kagulohan ‘to?” Sa bulyaw ng adviser namin ay tumahimik ang palid. “Mr. Danilo Perez sumunod ka sa faculty office at pag usapan natin ‘to.” Maawtoridad na utos ni Mrs. Dominguez. Tahimik ang buong paligid ng office pero nakikita ko ang mga nagkukumpulang estudyante sa labas. “Venus mas maiging umuwi ka na lang muna. Mag pahinga ka muna ija ako na ang bahala rito. Sigurado naman kami na inosente ka.” Nang marinig ko ‘yon sa Principal ay namutla ako lalo. Wala akong kinalaman sa mga nangyayari pero ang taong may gawa ay siyang hindi mananagot. “Maraming salamat po Principal sa pag aalala pero kailangan pong nandito rin ako,”tugon niya. Malinaw kong nakita ang panandaliang ngisi niya sa akin. Pero ano nga bang ginawa ko sa kaniya para gawin niya ang paratang na ‘to sa akin? Mali ba na magkagusto ako sa kaniya? “Totoo bang sa’yo ang box Danilo?” “H-hindi po Mr. Principal.” Tanggi ko habang nakayuko at pinaglalaruan ang kuko ko dahil sa matinding kaba. “Pero maraming mga estudyante ang nagsasabi na sa’yo raw ang box na ‘yon. Patunay na ikaw ang gumagawa ‘non’ kay Jessica.” Matalim ang tingin niya sa akin at napakabigat ng kaniyang awra. Parang hindi ko na kakayanin pang ipagtanggol ang sarili dahil sa nanginginig kong katawan. “Alam mo bang pwedeng ika-expel mo sa school ang ginawa mo Mr. Danilo Perez.” Napatingin ako sa kaniya nang marinig ‘yon. Hindi pwedeng mangyari ‘yon. Gusto kong mag-aral at makapagtapos. “Principal maniwala po kayo, wala po akong ginagawang masama. Pwedeng biktima rin po ako rito,” turan ko na halos pumiyok na ang boses ko. Hinawakan ko ang kamay niya bilang pagmamakaawa ngunit agresibo niyang iniwaksi ‘yon. Estudyante rin naman ako rito ngunit bakit pinaparamdam nilang isang outsider ako? “We’ve caught you Danilo don’t play innocent and victim here.” Nakataas ang kilay ni Jessica sa akin at alam ko na kung anong kahihinatnan ng usapan na ‘to. Napatingin naman ako kay Venus, umaasa na sabihin niya ang totoo at tulongan ako sa sitwasyon ko. “Naging mabuti akong tao sa’yo Danilo halos itinuring kitang kaibigan pero bakit kailangan mo ‘kong saktan ng ganito. Biktima mo ‘ko bakit kailangan umabot sa ganitong punto?” Sunod-sunod ang pagluha ni Venus at nakikita ko ang awa sa mga mata ng mga guro lalo na ni Jessica. “Hi-hindi ko alam ang sinasabi mo Venus!” Hindi ko na mapigilan ang mapataas ng boses dahil sa pang aakusa nila sa akin. “Stop it Danilo!” Sa bulyaw ng Principal ako’y naging tuod, “let me talk to your parents or guardian so that we can settle this Mr. Danilo Perez.” Tumulo na ang luha sa mga mata ko alam ko na pinagsakloban na ‘ko ng langit at lupa. “Hindi mo kami madadala sa paawa effect mo Danilo.” Puno nang pang uuyam na turan ni Jessica at wala akong maapuhap na salita upang sumagot. Dahil alam ko na sa pagkakataong ito sa simula pa lang ay ako na ang talo. Tahimik akong lumabas ng faculty office, sumalubong sa akin ang tingin ng maraming estudyante. Sa uri ng mga tingin nila ako na ang criminal at walang pag-asang maging inosente. Gusto ko na lamang matunaw at maging bula ngayon. Ayokong tumingin sa kanila dahil kapag ginawa ko yon pakiramdam ko ay lalamunin ako ng mga halimaw. Mga tao nga sila pero tila halimaw na handang pumatay gamit ang mga matatalim nilang salita. “Sana patalsikan na lang yang si Danilo he don’t deserve to be here.” “Bakit pa kasi tumatanggap ang school ng kagaya niya he don’t belong here panira lang ng reputasyon ng school.” Mga bulong-bulong ng mga estudyante. “Kahit hindi pa ‘napapatunayan’ na inosente sya mukha naman na siya ang may gawa non kay Jessica. She’s been through a lot this pass few days. She deserve justice.” “True sis, let’s tweet that. Hashtag Jessica Aquino-Sy deserve justice.” Sang-ayon naman nong isa. Ang maiksing pasilyo ay tila mahaba na ngayon. Ang umalis dito ang tanging nasa isip ko upang tumakbo sa mga tao. Malalaking hakbang sa paglalakad ang ginawa ko hanggang sa natigil din ‘yon kaagad dahil sa basang likido na tumama sa ulo ko. “Ops… sorry hindi ko sinasadya” Sarkastikong turan ni Hernan nang ako’y lumingon sa kaniya. Mabilis akong pinalibutan ng mga estudyante habang hawak-hawak nila ang mga itlog na nasa mga kamay nila. Nang laki ang mga mata ko nang mabatid ko ang gusto nilang gawin sa akin. Wala akong nagawa nang sabay-sabay nilang binabato iyon sa akin. Wala silang paki-alam kung matamaan ang ulo ko o masaktan ako. “You deserve this pig!” Bulyaw ni Hernan. Hindi ko alam kung saan ba ako dapat bumaling dahil sa kahit anong anggulo pa ako’y natatamaan ng mga itlog. Basang-basa ang suot ko gusto kong sumigaw na itigil na nila ito ngunit anong laba ko na nag iisa lamang. “Sana matapos na ang lahat ng ito.” Tahimik kong dasal sa isipan. Napakabilis ng pangyayari ayaw tanggapin ng utak ko lalo na ang katotohanan ng panlilinlang ni Venus sa akin. Akala ko ay nakahanap na ako ng mabuting kaibigan sa kaniya at higit sa lahat ay pwedeng makahanap ng pag-ibig ang kagaya ko. Pero umasa ako sa wala, ginamit niya lang ako. Gusto ko lang naman ang magmahal at mahalin din ang kagaya ko. Pero bakit napakalupit ng mundo sa kagaya kong tao? Palakas nang palakas ang pagbato nila sa akin at namalayan ko na lang na pati hinog na kamatis ay pinang babato na nila sa akin. "Please tama na!" Pakiusap ko dahil sa unti-unti nang sumasakit ang katawan ko. Umaasa ako na kahit papano ay may gurong magtatanggol sa akin ngunit mi-isang pagsita nila ay wala akong nakita. Mga bulag sila sa estudyanteng kagaya ko. Estudyante na hindi kayang magbigay ng parangal sa kanila. Ang kagaya ko na galing sa mahirap na pamilya ay walang maibibigay na kahit isang sentimo sa kanila. Wala akong pakinabang sa paningin nila. Sa realidad na 'to panigurado sa kangkungan ang punta ko. Sa muling pagkakataon ay sumakit ang aking mukha. Malakas na suntok ang pinakawalan ni Hernan. Rason upang tuluyan na akong bumulagta. "Ayoko nang makita yang pagmumukha mo rito sa campus Danilo Perez." "Inosente ako, pakiusap maniwala naman kayo sa akin." Pinilit kong lumuhod upang itayo sana ang sarili ngunit may sumipa sa likuran. "Matagal ka ng itinakwil ng Diyos kaya nga ganyan yang pagmumukha mo. Pati nga yata ang demonyo susuko na sa kagaya mo."Pangungutya pa ni Hernan. Kahit kailan ay hindi ko sinisi ang Diyos sa pagiging ganito ng anyo ko. Pero sa pagkakataon ngayon ay napaisip ako. Gusto kong itanong sa kaniya kung ano nga ba ang kasalanan ko sa kaniya bakit sinapit ko ang ganito. Unti-unti na ring lumalabo ang paningin ko. Hanggang sa narinig ko ang palapit na tunog ng stilleto. Maging ang matamis na tila isang rosas na pabango. Hindi ko man maaninag ng maayos ang mukha niya pero sigurado akong si Venus ito. "Simula pa lang 'to Danilo Perez." Bulong man iyon ngunit malinaw 'yon sa pandinig ko. "Pagbabayaran mo ang lahat ng ginawa ng 'taong' yon. Ikaw ang maghihirap sa lahat ng pasakit na dinanas ko." Hinang-hina man ay sinusubukan kong ibuka ang bibig ko para magsalita. Gusto kong magtanong sa kaniya at marami pa 'kong sasabihin ngunit sakit sa katawan ang natanggap ko galing sa mga estudyanteng pinagtutulongan akong bugbogin. "Tulong… Pakiusap itigil n-nyo na 'to," nanglilimos ako ng unting awa sa kanila pero mi-isa ay walang nakinig. Sa maliit na bahagi ng utak ko umaasa ako na sana panaginip lang ang lahat. Pero mailap ang awa at kabutihan sa tulad ko. "Ve-Venus pakiusap itigil mo 'to." Sa wakas nagkaroon din ako nang lakas ng loob para magsalita. Pero inungosan lang niya ako at mabilis kong nasaksihan ang nakatalikod niyang paglayo sa akin. Ngunit hindi ko na kinaya,naging madilim ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD