"Mom." Hinalikan ni Kazu sa pisngi ang Mommy niya saka hinawakan ang kamay ko't hinila palapit "Remember, Violet?" Jusko! Bakit naman itinanong pa niya 'yon? Hello? Paano naman ako makakalimutan ng Nanay niya? Siguro nga ngayong nakita ng Mommy niya ang pagmumukha ko, baka mas naalala pa nito 'yong ganap sa condo dati! Tsaka sabi niya kahapon hindi makakapunta yung mga relatives niya kasi busy sila, ah? Itong lalaking na 'to talaga! Hindi pa rin nagbabago! Nakakainis! Paladesisyon pa rin! Kapag ako bonggang nainis, hindi ko siya samahan diyan sa hotel! Nagpa-reserved kasi kami last week para i-celebrate nga ang graduation niya. Okay lang naman sana kung sinabihan niya ako nang mas maaga para nag-ready ako! Ang suot ko pa naman na dress binili ko lang sa ukay no’ng isa araw. Tho

