"SO, the fake fianceè is living there with you two for these past few weeks?!" Hindi makapaniwalang bulaslas ni Genesis at nanlaki pa mata niya. Nandito ako ngayon sa kwarto at kausap sa zoom meeting si Jane, Friday at Genesis. Magkakalayo kami ngayon ng location. Si Friday, kababalik lang ng Manila galing La Union. ‘Yong plano nilang mag-stay for good roon, hindi natuloy dahil nagkaproblema ata sa Ate ni Rocket. Si Jane pagkatapos ng katakot-takot na intriga sa kanila ni Levi at pagka-ospital ni Laura— nagpasya na lang umuwi sa Batangas. Good for her lalo buntis rin siya. Si Genesis naman busy sa business at sa upcoming art exhibit ng jowa niya. Anyway, nag-set kami ng isang araw, every week para makapag-catch up at life update sa bawat isa. Charot! Ang totoo— Marites-an lang n

