HINDI inaalis ang pagkakaakbay sa akin na hinawakan ni Kazu sa braso si Charlize at marahang inilayo sa katawan niya. "What are you doing here?" Bumaba ang tingin ni Charlize sa braso kong nakayakap sa beywang ni Kazu at kitang-kita ko nang unti-unti nawala ang ngiti sa labi niya. Nahulaan ko na kaagad na hindi pa niya alam ang tungkol sa amin. Pero teka nga.. bakit kung maka-react naman siya akala mo may karapatan? Baka nakakalimutan niyang nagpapanggap lang sila! "W-Who is she?" Tanong ni Charlize na bumalik ang tingin sa mukha ni Kazu. Pero dahil nakakaagaw na kami ng atensyon roon, na akala mo nanonood ng horror movie at pigil ang hininga sa susunod na ganap ang mga sa panonood sa amin, nagyaya na lang si Kazu sa penthouse. "Sa penthouse tayo mag-usap." Pagkasabi no'n sina

