HUMINGA ako ng malalim bago naupo paharap sa kaniya. Wala na akong maisip na dahilan. Hindi ko naman pwedeng sabihin na nasa kapitbahay si Laura at nakikitulog. Alam ko naman darating sa puntong ‘to. Di ko lang inaasahan na ganito kaaga at nandito pa kami sa bahay. “Hon?” Diretso akong tumitig sa mata niya. “I wanna tell you something..." Kunot ang noong napatitig pa sa akin si Kazu. "What is it, hon?” Hinawakan pa niya ang kamay ko. “May problema ba? Nakaramdam ako ng guilt nang makita ang pag-alala sa mukha niya. Ngayong araw na ‘to halos si Kazu ang nag-asikaso mula pa flight hanggang dito sa bahay. Ano na lang ang mararamdaman niya kapag sinabi ko nang kasinungalingan lang ang lahat… na ginawa ko ‘yon para pagtakpan ang pagiging kabit at bayarang babae ng nanay ko? Paano kung

