"Hindi mo pa naman nariring ‘yong side niya, Vi. Mas maganda mag-usap muna kayo.” Nandito kami ngayon ni Genesis magkaharap na nakaupo sa dining area. Kahit paano kumalma naman na ang pakiramdam ko kaya na-ikwento ko sa kaniya ang pagpakahiyang naranasan ko sa birthday party ni Kazu at ang hindi niya pagsasabi sa akin tungkol roon. Pero yung sakit at hinanakit parang naiwan sa dibdib ko. “Explanation? O pambibilog sa ulo ko?” Mapait na sagot ko saka tinungga ang beer in can sa harapan ko. “He told me, he see my worth? Pero pinagmukha niya kong Gaga, Gene.” “Vi…” “Alam mo ano ang masakit?” Huminga ako ng malalim para alisin ‘yong bara sa lalamunan ko. “Binigyan ko siya ng chance. Sumugal ako… Naniwala ako sa mga sinabi niya sa akin at minahal ko siya, to the point na… nakikita ko na

