Chapter 30

2933 Words

RIO "Aray Mahal ko, ang sakit. Huwag mo namang diinan." Reklamo ko kay Yuki nang medyo dumiin ang pagkakadampi niya ng bulak sa labi ko. Kasalukuyan kasi niyang ginagamot ito. "Ay sorry Mahal ko." "Kiss mo na lang kaya para mabilis na mawala." Lokong saad ko at paulit-ulit na pinapataas-baba ang kilay na ikinaningkit naman ng kanyang mga mata. Halatang nainis sa sinabi ko. "Gusto mo bang suntukin na rin kita?" Pagbabanta naman niya. Hindi na ako nagsalita at ngumiti na lang. Kapag kasi itong Mahal ko na ang nagagalit, tumatahimik na lang ako. "Stop that." "Ha? Ang alin?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. "Iyang pagnguso mo." Sagot niya. Nakalimutan ko nga pala na ito ang pinakaayaw niyang ginagawa kong ekspresyon. Hindi ko nga alam kung bakit. Tinanong ko na siya paukol dito pero a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD