YUKI "What are you doing here?" Tanong ko kay kuya Kaiden nang makita ko siya at marating kung saan siya naroroon. Tinawagan kasi niya ako na nasa labas daw siya ng school namin. Hindi siya sumagot bagkus tinitingnan niya lang ang paligid na para bang may ginagawa kaming hindi kanais-nais. Wala naman masyadong tao sa labas ng school kasi hindi pa naman labasan maliban sa college division na nandun naman sa unahan. Atsaka dito pa niya ako pinapunta sa pinakadulo. Hindi naman kasi sa main street nakatayo itong school kaya walang masyadong dumadaang mga tao. 'Yong likod nga nito gubat na eh. Mabuti na lang pinalabas ako ng guard. Kinausap din naman kasi ito ni kuya Kai. Ewan ko kung anong sinabi niya rito. I'm about to ask him again nang bigla na lang niyang tinakpan ang bibig ko ng pa

