YUKI "I-Is it true?" Tanong ko matapos magulat sa sinabi ni Key na si Rio ang nagligtas sa akin noong gabing pinagtangkaan akong gahasahin ng dalawang lasing na lalaki sa parking lot ng bar. Hindi siya sumagot bagkus napangiti lang siya ng bahagya. So totoo nga talaga? Siya nga? Siya nga ang nagligtas sa akin no'ng gabing iyon? I owe my him my life, again. "Ahh ehhh..." Nauutal na wika ko. Wala akong mahanap na sasabihin. Napayuko na lamang ako. Ano ka ba naman Yuki! Dapat nagpasalamat ka. Gosh! Bakit hindi mo masab?! "Thanks for saving him bro. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa kanya. Mahal ko 'yan even he's gay." Seryosong saad ni Key. Alam kong lasing lang 'yan kaya nasasabi niya ang mga salitang 'yan. Mahal niya raw ako? Neknek

