YUKI Hindi ko akalaing kaharap ko lang ang unit na tinutuluyan niya. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon. Kailan lang ay walang tumitira diyan. Marahil bago pa lang niya nabili ito. "Hindi naman pala ako mahihirapang kontakin ka kasi kaharap ko lang ang tinutuluyan mo." Nakangiting wika niya sa akin. Nakasuot siya ng white fitted pants at blue polo-shirt. Bagay na bagay sa kanya ang suot niya. Simple man subalit hindi nawala ang kagwapuhan niya. Tulad dati, kahit na anong suotin niya ay bagay na bagay pa rin sa kanya. Pinilit ko ang ngumiti kahit sa loob ko ay kinakabahan ako. Gosh! Bakit ba palaging ganito ako. Hindi pa ba talaga ako nakakamove-on sa kanya. "Hello neighbor. Magandang umaga pala." "Uhm hello. W-Welcome. Magandang umaga rin." Geez! Nauutal pa

