Chapter 5

2791 Words
Yuki Sinalubong ni Kuya Rio ang batang lalaki na nagtatakbo papunta sa kanya. Binuhat niya ito at ginulo ang buhok. Pinupog niya rin ito ng halik sa pisngi. The kid is about three to four years old. "Papa Rio namiss po kita." "Ako rin. Miss ko na si baby Andy." Ani Kuya Rio at muling ginulo ang buhok nito. Hindi ako nakakilos para umupo. Nanatiling nakatayo at tila gulat pa rin sa nakita. Hindi ko lubos akalain na may anak na si Kuya Rio. So ibig sabihin niyan, may asawa na siya? No way! "Nasaan ang mama mo?" Tanong ni Kuya Rio sa bata. "Labas po." Magiliw naman na saad nito. Bumukas ang pinto kung saan kami pumasok ni Kuya Rio kanina at iniluwa ang isang babae na nasa tingin ko'y labing siyam hanggang dalawampu ang edad. Maganda at mahaba ang buhok. She could be possibly Kuya Rio's wife. "Mama!" Sigaw ng bata sa babae. Totoo nga ang lahat ng nakikita ko. Ito na buong patunay na may asawa na si Kuya Rio. Na may pamilya na siya. "Andy naman eh. Huwag ka ngang takbo ng takbo. Napapagod na ang mama kakahabol sayo. Uy Rio, naparito ka?" "Hi Jen." Bati ni Kuya Rio sa babae. Lumapit ito sa kanya at kinuha nito si Andy sa kandungan niya. "Ang kulit mo talaga Andy. Pagod na pagod na si mama." Saad nito sa anak. Humagikhik lang ang bata. "Kulit." Umiling na lang ito at napatawa. Napatawa na rin si Kuya Rio at ginulo ang buhok ng bata. "Parang si Rio lang noong maliit pa siya. Ganyan din kakulit." Noon naman nagsalita ang nanay ni Kuya Rio at lumapit ito sa babae. Kinuha ang batang si Andy mula sa huli. "Halika na kayo sa kusina at nang makakain na tayo. Yuki halika na." Aya nito sa akin at tinungo ang isang pintuan na sa tingin ko ay dining area nila. Napatingin naman sa akin ang babae na nagngangalang Jen at nginitian ako kahit ang mukha niya'y nagtatanong. "Nga pala Jen, si Sir Yuki. Amo ko. Sir Yuki, si Jen." Pagpapakilala sa amin ni Kuya Rio. "Hi po. Nice meeting you." Bati ko sa babae at ningitian ito. "Nice meeting you rin Sir." Bati rin nito sa akin. Lumapit dito si Kuya Rio at inakbayan ito. "Punta na tayo ng kusina Sir, kain na po tayo." Ngumiti lang ako bilang tugon. Pinatiuna ko lang sila bago sumunod. Ang sayang nararamdaman ko kanina habang nasa sasakyan ay mabilis na napalis nang malamang may pamilya na si Kuya Rio. Bakit hindi ko man lang iyon naisip? Parang gusto ko ng umuwi at pumalahaw sa kwarto ko. Ang sakit. Pumuno sa ilong ko ang mabangong aroma nang makarating sa kanilang hapagkainan. Kaya pala, dahil tinolang manok ang niluto ng nanay ni Kuya Rio. Kung hindi dahil sa nalaman ay pihadong nagpapapalakpak na ako ngayon sa tuwa dahil isa ito sa paborito kong ulam. Nawala ang pagkagutom ko at tila nawalan ng gana. "Pasensya na Yuki, anak ha? Ito lang ang ulam namin ngayon. Kumakain ka ba nito?" Ngumiti ako kay Aling Josefa nang magsalita ito, "okay lang po." Inaya ako nitong umupo sa tabi ni Kuya Rio. Kaharap namin sila ni Jen habang kalung-kalong si Andy. Pagkatapos magdasal ay nag-umpisa na kaming kumain. Aligaga si Kuya Rio sa kaseserve sa akin. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng kilig pero mabilis ding nawawala dahil nasa harap lang namin ang asawa't anak niya. Nang mag-umpisa kaming kumain ay panay ang tingin ko kina Kuya Rio at Jen na pinag-uusapan ang mga nangyari kay Andy habang wala raw siya. Larawan sila ng isang masayang pamilya. They look perfect together. Nakikita kong mahal ni Kuya Rio si Jen. Nakaramdam tuloy ako ng guilt sa mga ginawa ko nitong mga nakaraan. He's off limits. I should keep that on my mind. Napakagat na lang ako sa ibabang labi para pigilan ang emosyong nagsisimula ng lumukob sa buong sistema ko. "Yuki, hindi ba masarap ang ulam?" Nawala ako sa pag-iisip nang tanungin ako ni Aling Josefa. Marahil napansin nitong hindi ko gaanong ginagalaw ang pagkain ko. "M-Masarap po siya." Sagot ko rito. "Mabuti naman kung ganoon." Bahagya ko lang siyang ningitian. Ipinaglatuloy ko na lang ang pagkain kahit wala na akong gana. Nako-concious din ako dahil nakatingin silang lahat sa akin. Pagkatapos kumain ay pumunta na kaming sala, nagkwentuhan and at the same time para makapaghinga. Silang magpamilya lang ang nag-uusap. Paminsan-minsan ay nagtatawanan pa sila. I did not innitiated a topic nor started a conversation. Hindi ako nakakapagsalita dahil wala rin naman akong sasabihin. Isa pa, hindi pa ako nakakamove-on sa nalaman. Mukhang napansin ni Kuya Rio ang pagiging tahimik ko kaya tiningnan niya ako at nagtanong. "Sir, kung nababagot na kayo maari na tayong umalis ngayon." Aniya. "No kuya, I'm okay." Mabilis namang tugon ko. "We can stay here pa naman." "Sigurado kayo?" I smiled as an assurance. "Yes." "Kayo ho ang bahala Sir." Sabi niya at nagharutan ulit sila ni Andy. Si Jen naman ay nakangiti habang nakatingin sa mag-ama niya. She's one of a lucky girl. Mabait, masipag, maalalahanin at higit sa lahat responsabling lalaki si Kuya Rio. Bunos na lang na gwapo at matangkad ang huli. Ang mga iyon naman ang importante sa isang lalaki kapag nagkapamilya na. Tahimik pa rin ako at nakatingin lang sa kanila. Nagsasalita ako kapag tinatanong lang. Maya-maya ay pumasok si Aling Josefa galing sa kusina. Hinarap nito si Kuya Rio. "Rio anak, umalis na kayo nitong si Yuki. Baka may importanteng gagawin pa ang amo mo." Magsasalita pa sana ako pero muli itong nagsalita. "Sige na Yuki. Baka uulan pa mamaya. Kailangan niyo ng umalis dahil delikado ang daan sa lugar na ito kapag umuulan. Rio, sige na." "Sige Nay. Pa'no ba 'yan Andy, aalis na ang Papa Rio mo ha? Sa susunod na lang tayo maglaro. Kailangan ko pa kasing ihatid si Sir Yuki at bumalik sa trabaho ko." Paalam ni Kuya Rio sa bata. "Opo Papa Rio." Nginitian ito ni Kuya Rio at ginulo ang buhok. Tumayo na siya at binigay na ang bata sa mama nito. "Alagaan mo yang bata Jen ha. Aalis na ako." Habilin ni Kuya Rio sa babae. Tumango naman ang huli bilang tugon. "Tara na Sir." BAGO pumunta ng mall ay dumaan muna kami ni Kuya Rio sa factory namin ng mga damit. Agad naman akong binati ng mga tao roon pagdating ko. I just roamed around the area. Wala naman masyadong interesting na makakaita ro'n kaya umalis agad kami ni o mas magandang sabihin nawalan ng gana dahil sa lahat ng nalaman. Naging tahimik ang buong byahe. No one dared to start a conversation. I'm too disappointed to do one. Naiinis din ako sa sarili ko dahil hindi man lang ako naging aware na may asawa't anak na pala siya. Mabuti na lang at hindi ko nakuhang magpapansin talaga. Kung nagkataon ay napahiya na ako ng sobra. Wala na akong mukhang ihaharap sa kanya. Mabilis ko lang binili ang materials para sa project ko nang marating namin ang mall. Nagtake-out na rin ako ng pagkain. Medyo madilim na nang makarating kami sa bahay. Nagpasalamat kami ni Kuya Rio sa isa't-isa bago bumaba ng sasakyan. Dumeresto agad ako sa kwarto ko. Hindi na ako kumain dahil nabusog naman ako sa pagkaing tinake-out ko kanina. Wala rin na akong gana. Wala akong masyadong ginawa sa buong araw pero pakiramdam ko, pagod na pagod ako. Dagdagan pa sa nalaman ko kay Kuya Rio. May pamilya na siya. Off limits na. Bawal ng landiin. I sigh. Kailangan ko nang kalimutan ang nararamdaman ko sa kanya. I need to move-on. Pero parang hindi ko ata kaya lalo pa ngayon na gustong-gusto ko na siya. I can't stop. But I need to. Bahala na. Kinabukasan, hindi naging maganda ang gising ko. Marahil nalulungkot pa rin ako na wala na akong pag-asa kay Kuya Rio. I'm nothing compare to his wife. Jen's beautiful. Mahal niya ito. No doubt for that. Wala akong panama lalo na't may anak pa sila. Ano namang panama ko eh bakla lang ako. Kung nagkataon na single si Kuya Rio, wala pa rin naman akong pag-asa dahil straight siya. I really need to move-on. Sinasampal na ako ng katotohanan. Ugh! Nakakafrustrate na. Daig ko pa ang nabroken-hearted sa pagsisintir ko. Babaeng-babae lang ang peg ko. Pero paano ako makakapagmove-on kung sa paghawi ko pa lang ng kurtina sa bintana ng kwarto ko ay siya agad ang nakita ko. Nakatalikod mula sa direksyon ko. He's currently cleaning the pool and he's half n***d! What the! Bakit wala siyang damit? Napatitig ako sa kanya. Ang sexy niya. Likod pa lang niya 'yan ha? What more kung nakaharap na? Gosh! Parang nagwala ata ang malalanding selyula sa buo kong katawan. Sa halip na pigilan itong nararamdaman sa kanya ay mas lalo ko lang ata siyang nagugustuhan. Nakita ko lang ang likod niya eh. Nasa'n ang hustisya ro'n? My God Yuki! He's married already. Umalis na lang ako sa bintana at bumaba patungo sa kusina. Walang tao pagdating ko roon. Busy na marahil sa ibang gawain ang mga katulong. Alas nuebe na rin kasi ng umaga. Hindi na ako nakasabay na mag-almusal kanina. Busy ako sa paghahalungkat sa refridgerator nang biglang pumasok si Kuya Rio sa kusina. Ngumiti siya nang makita ako at binati. Ugh! That smile. I greeted him too. He's already in his shirt. Napalabi ako. Sayang, 'di ko nakita ang harap ng katawan niya. Nakakadisappoint. Enough Yuki! Kinuha ko na lang ang pagkaing inihanda para sa 'kin at nagsimulang kumain. Itunuon ko lang ang pansin sa pagkain ko at pinipilit ang sarili na hindi tingnan si Kuya Rio. Hindi pa rin siya umaalis at hindi ko alam kung ano pa ang gagawin niya rito sa kusina. "Sarap ng ulam niyo Sir ah? Hotdog at itlog." Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin at tiningnan ang ulam ko. Naamoy ko na naman tuloy siya. Ano ba 'tong ginagawa niya sa akin? Talaga bang pinapahirapan niya ako? Bakit ba kasi ang bango pa rin niya kahit pawisan na siya? Nakatungo lamang ako. Hindi ako umangat ng tingin sa mukha niya. "Salamat nga pala sa pagsama ulit sa akin kahapon Sir ah." Pagkuway wika niya. "W-Walang anuman Kuya." Nauutal namang tugon ko. "Sige Sir aalis na ako." Tumango lang ako bilang tugon. Doon na ako tumingin sa kanya nang maramdaman ko ang pagtalikod niya at paglabas ng kusina. Humugot ako ng malalim na hininga. Sana maging aware naman siya sa mga actions niya. He's making me crazy. Ayaw kong manira ng pamilya kaya sana tigilan na niya ito bago pa ako tuluyang makagawa ng bagay na ikakasira ng buhay naming pareho. Ngek! Ano ba naman itong pinagsasabi ko? Baliw na ata ako. Mabuti sana kung babae, eh bakla naman. TWO MONTHS from now ay magpapasko na kaya nag-utos na si Mommy na maglagay ng decorations sa buong bahay. Dahil wala pa akong ganang gumawa ng project, tumulong ako sa pagde-decorate. Doon ako sa christmas tree nag-ayos pero later on, inutusan ako ni Mommy na tulungan ko raw si Kuya Rio. At first, tumanggi ako pero pumayag na rin kalaunan. As if I have a choice. Nagsisi tuloy akong tumulong. Pumunta na ako ng garden dahil nandoon si Kuya Rio. He's currently hanging some lanterns in some plants and trees. Lumapit ako sa kanya at tumulong. Siya ang tagasabit ng parol at ako naman ang taga-abot ng mga ito sa kanya. As much as possible, hindi ko siya tinitingnan at kinakausap. Magsasalita lang ako kapag nagtatanong siya at mabibilang lang ang mga salitang binibitawan ko. "Sir Yuki pakiabot naman ng tali oh?" Kuya Rio asked. Kinuha ko naman agad ang taling tinuro niya at binigay ito sa kanya. Kaso napatili ako nang makitang nakahubad na pala siya. At tama nga ako ng hinala, may abs siya! Gosh! Ang ganda ng katawan niya. Broad chest with six pack abs! Ulala! Drools feels. "Anong nangyari Sir. Bakit po kayo sumigaw?" Bumaba siya sa hagdan at nag-alalang lumapit sa akin. "Don't come near me! And please Kuya, magdamit ka naman." Sabi ko at tumalikod. Kunwari pa ako pero sa loob-loob ko, gusto kong makita ang parteng iyon ng katawan niya. I want to memorized every part of it. "Akala ko kung napa'no na kayo. Mainit kasi Sir eh." Paliwanag niya. "Ah basta Kuya Rio, magbihis ka." Giit ko pa rin. Huwag mo akong gawing makasalanan Rio, please lang. "Mainit kasi talaga Sir eh." "Magdamit ka na!" Now, I'm getting authoritative. Kasi naman. I heard him sighed. "Okay Sir, masusunod." Hindi muna ako humarap sa kanya hanggat hindi pa siya nakapagbihis. Humarap lang ako nang magsabi siya. "Much better." Hindi ako nag-aattempt na kausapin siya sa buong oras na magkasama kami. Hanggang sa natapos ay hindi talaga ako nag-initiate ng topic. Tanging siya lang. Nagsasalita lang ako kapag nagtatanong siya. Agad ko rin namang pinuputol kung alam kong hahaba na ang usapan. Having a long coveration with him would not be a help to forget my feelings for him. Alam kong mahirap dahil nasa iisang lugar lang kami at hindi imposibleng hindi kami magkita. Pag-iwas na lang ang tanging paraan na pwede kong gawin. I need to do that in order for me to move-on. Inaayos ni Kuya Rio ang mga tools nang magpaalam ako na aalis. Wala ring gagawinm Pumasok ako sa bahay. Naabutan ko sila mommy at ang mga kasambahay, nagmemeryenda. Lumapit agad ako sa kanila. Pero bago pa man ako makadampot ng isang tinapay, inutusan ako ni mommy na tawagin ko raw muna si Kuya Rio. Napangiwi ako sa isipan ko. Mom! Umiiwas ako sa kanya eh. I wanted to say that to her. "Si Janna na lang 'Mmy." Napatingin ako rito. "Sige Ma'am ako na lang ang tatawag kay Rio." Agad nagningning ang mga mata ko sa sinabi ni Janna. "No Janna. Ikaw ang magdadala ng meryenda para sa mga bodyguard. Sige na Yuki. Call Rio, tutal kayo naman ang magkasama kanina or maybe dalhan mo na lang siya ng pagkain." I sighed in defeat. As if I have a choice. No one dares not to obey mom's order. Kahit nga si Daddy, under niya, kami pa kaya na mga anak niya lang? "Yes mom." Pagpayag ko. Kinuha ko na ang pagkain at pumunta sa garden kung saan ko iniwan si Kuya Rio kanina. Pero hindi ko na siya naabutan pagdating ko roon. Hinanap ko siya sa ibang parte ng bahay pero wala nakitang bakas niya. Marahil nasa kwarto na niya siya ngayon. "Kuya Rio! Kuya Rio!" Tawag ko sa pangalan niya nang makarating sa maid's quarter. Hindi ko alam kung saan mismo ang kwarto niya rito. Muli ko siyang tinawag. Wala pa ring sumasagot. Kainis! Asan na ba siya? Bahala siya diyan. Ilalagay ko na lang ito sa kitchen. Aalis na ako. Nagugutom na kaya ako. Pagtalikod ko, muntik na akong makabangga ng tao at si Kuya Rio iyon. Muntik ng matapon ang juice na hawak ko pero hindi ko iyon pinansin pa dahil nakatitig ako sa kanya. Ang lapit pa ng mukha niya sa akin. Magkadikit din ang aming katawan. Nakahubad pa siya. Walang damit pang-itaas. He's wearing a towel on the other half. Nagrigidon ang malandi kong puso. Amoy na amoy ko ang sabon mula sa kanya. Lumalandas pa ang mga mumunting butil ng tubig sa katawan niya mula sa basang buhok na halatang kaliligo lang. Oh good Lord, ilayo niyo siya sa akin. Ayaw kong magkasala. I look into his face. Hindi ko akalain ng ganito pala siya kagwapo sa malapitan. Hindi ko makuhang gumalaw at parang naitulos ako sa aking kinatatayuan. Kung hindi nga siya nakahawak sa braso ko malamang nawalan na ako ng balanse at nakahandusay na sa sahig ngayon. I can't breathe. GEE! Nakakahiya talaga. Ano ba naman kasing mga mata 'to? Hindi na natigil. Those... those abs. Bakit ang ganda ng katawan niya? Mabuti na lang at nagsalita siya kanina kung 'di nahawakan ko na ang mga iyon. Hindi ko namalayan na nakakatitig na pala ako sa katawan niya at kung saan-saan na lumalakbay ang imagination ko. "Argh!" Napasabunot na lang ako dahil sa pinaghalong frustration at hiya. Kahit hindi ako tumingin sa salamin alam kong pulang-pula na ang mukha ko ngayon. Sana ito hindi naging mapula kanina nang mahuli niya ako. Nandito na ako ngayon sa kwarto ko. Nang maibigay sa kanya ang meryenda ay nagtatakbo na akong umalis. Hindi na rin ako bumalik sa dining area kung saan kumakain ng meryenda sila Mommy. Hiyang-hiya talaga ako sa ginawa ko. Pakiramdam ko namboso ako ng harap-harapan. Paano pa ako nito makakamove-on kung palagi na lang ganoon ang nangyayari? For God's sake, he's married already. Move on Yuki. You need to. But I can't... ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD