Yuki Naalimpungatan ako dahil sa mga maliliit na boses. Pagdilat ng mata, bumungad sa akin ang mukha ng nag-uusap na kambal. "Good morning." Nakangiting bati ko sa kanila. Napatigil silang dalawa. Gulat silang napatingin sa akin. They greeted me too and a knowing smile flashed into their faces. Kapag nandito sila sa kwarto ko ng ganito kaaga at ganyan kalalapad ang mga ngiti nila, alam kong may hihilingin na naman sila. "Samahan mo kami ni Yuckie magpasyal sa park Kuya. Please..." Sumamo ni Yannie habang nakalabi, pinagsaklop pa ang dalawang palad. Sinegundahan ito ni Yuckie. "Kuya, please..." Napailing na lang ako at napangiti. Tama nga ang sapantaha ko. "Okay." Pagpayag ko. Napasigaw silang dalawa sa tuwa. Napatawa na lang ako at ginulo ang buhok ang pinakamalapit sa akin. Wal

