YUKI "Kailan pwede iyong sinasabi mong architect na irerecommend mo sa akin?" Tanong ko kay Casey na nasa kabilang linya. Aasikasuhin ko na kasi agad ang itatayo kong negosyo rito sa Pilipinas. Malaki kasi iyon dahil hindi lang para sa merchandise store pati na rin sa restaurant at studio na magiging katabi nito. Nakipagpartnership sa akin ang ate Yumi at kuya Yara kaso ako ang magmamanage nito. Challenge daw nila 'yon para sa akin. Dahil sa arosgado akong tao ay tinanggap ko ang hamon nila. "Grabe ka talaga Yuki. Kababalik mo lang tapos trabaho na agad. Magbakasyon ka kaya muna atsaka malapit na rin ang pasko nu. After na lang ng bagong taon." "Mag-uusap lang naman kami ng architect para atleast makilala ko siya at ng malaman niya agad ang gusto kong mangyari, d

