YUKI "My gee! Graduate na tayo. Kyaaaaah!" Napatakip kami ni Dionne ng tenga nang biglang tumili si Casey. Nakakarindi talaga ang boses ng babaeng 'to. Katatapos lang ng graduation rites namin. Hindi mapantayan ng anumang bagay ang sayang nararamdaman namin ngayon. For four years of striving, finally, we graduated. Pero alam kong hindi pa ito ang katapusan. It's just only the beginning. Gano'n naman talaga eh. Kapag may katapusan, ibig sabihin panibagong panimula na naman. The cycle of life. After doing some talks, goodbyes and everything to all my classmates, umalis na kami nina mommy at umuwi ng bahay. Doon kasi kami magsicelebrate for my graduation. Pinahandaan nila ako kahit pa sinabi kong huwag ng mag-abala. Good thing, wala ang dalawang taong ayaw kong makita. It's just wh

