Freya NAGISING ako sa nakakasilaw na liwanag na sumasalubong sa akin. Nahihilo pa rin akong sinuri ang paligid ng mapag tanto ko na nasa isang hospital bed ako. At nahagip ng paningin ko si mama na alalang-alala sa akin. Dali-dali siyang naupo sa higaan ko habang nagpupunas ng luha. Kunot noo kong tinignan si Denise na seryosong-seryosong nakatitig lang sa akin. "Mama," nahihilo pa din kong sabi saka lang siya ngumiti ng pilit, ginagap niya ang kamay ko at marahang pinisil iyon. Binalingan ko ulit si Denise na nakamasid lang sa amin, tinignan ko siya ng isang 'anung nangyari' na tingin. "You passed out. I brought you here at the hospital and I called your mom to know what happened." simpleng paliwanag niya. "And?" nag hihintay pa rin ako sa sagot ni Denise sa

